Chapter 15: Palakpak
Julian's POV
Nag ikot kami sa kaharian ko para raw masanay na ako dito. Tinanong ko naman si Queen kung bakit kailangan kong masanay. Siyempre hindi ako nag-expect na sasagot siya kasi siyempre ang misteryoso niyang si Queen pero may himalang nangyari.
At hindi lang basta bastang 'wala lang' o di kaya 'ba't ayaw mo?'. Sumagot siya. At hindi kapani-paniwala ang sagot niya.
"Kasi dito ka na titira."
Likas na malaki na ang aking mga mata pero di ko alam na may lalaki pa dito. Bihira lang ako mamangha pero sobra-sobra naman yata ito.
Kung mapalad ako sa mga panahong ito, sasalat salatin ko na diba.
"Ah eh Queen Royal," pagsisimula ko.
Nakuha ko naman ang atensyon ni Queen na nama tingin din sa mga nag-aayos.
"Bakit?" tanong nito sa akin.
Nahihiya ako pero pinilit kong mag-salita. "Ah eh.. wag na nga lang," sabi ko.
Nahihiya ako. Baka kasi magalit si Queen. Eh sinasagad ko lang naman yong ka-swertehang ito.
"Ah eh.." hindi ko talaga masabi-sabi. Nahihiya talaga ako!
"Ano nga!" inis na sabi ni Queen Royal sa akin. Hays, pasensya naman!
"Ah meron po bang mga sexy dito?" Nagulat na lang ako nang bigla akong hampasin ni Mildred.
"Julian! Ano ba naman yan!" sabi niya. Natatawang sabi niya. Hinimas himas ko ang braso na na himapas ni Mildred. Ang sakit non ha.
"Bakit, masama bang magtanong? Anong magagawa, lalaki lang din naman ako," sabi ko sa kanya. Inirapan lang niya akom Same with Queen Royal, she smirked at me.
"Eh ano naman kung lalaki ka?" pabalang na tanong ni Mildred. Kahit kailan talaga napaka- papansin.
"Siyempre may mga needs din ako!" sabi ko sa kanya.
"Manahimik ka nga Julian. Ikaw talaga, kahit kailangan napaka-ano mo," ani Mildred, na nagpipigil pa rin nang tawa.
Ewan ko kung ano nang nangyayari kay Mildred. Baka masyado na siyang nalululong. Magsabi lang siya at ipapa-rehab ko siya kaagad.
Nilibot kami ni Queen sa kaharian ko. Oo, medyo feel na ko na rin tawagin ang kahariang to na kaharian ko. Awkward sa una pero pagtumagal ay nae-enjoy ko na rin.
Ina-amin ko, ang ganda nang lugar. Mahangin, tapos lahat nang disenyo ay pare-parehas. Iisa lang ang burda.
Puti, ang ganda lang tignan na puti ang motive nang lugar. Nang kaharian ko. Aaminin ko, I hate white kasi ang dumihin niyang tignan. Pero di ko alam na don din pala ang bagsak ko. Puti pa din.
At kung tutuusin, I want this motive kasi nagmumukha akong malinis. Sana wag nang magbago to.
May mga pinuntahan kaming ilang mga silid. Ganun pa din ang kulay.Pati na ang mat, puti. Ewan ko kung sadyang favorite talaga nila ang puti.
May pinuntahan din kami na malaking silid. Sa tingin ko ay iyon na ang aking kwarto kasi may kama ito. Well, okay naman sa akin yung lugar. Malaki at mukhang maluwag.
Sa kakalibot din namin ay nakaramdam na ako nang pagod. Naramadaman ko ulit yung feeling noong naglalakbay kami ni Migrid papunta dito. Buti na lang, dumating si Lolo Garde.
Nang makahanap ako nang tiyempo ay nagtanong na ako kay Queen Royal.
"Ah e.. Queen.. hindi pa po ba tayo magpapahinga?" tanong ko. Sa tingin ko ay hindi siya napapagod. Pero ako ba naman, nagtuturo nang daan tapos nagsasalita. Diyos ko.

YOU ARE READING
Royal Academy: Earth VS. Fire (On Going)
FantasyAre you finding a magical academy whose queen and king ruled by it? An academy which is not as ordinary as any other school? Well. You find the right place to study on. Welcome to ROYAL ACADEMY.