Sad Movies: 1

40 2 1
                                    

Minsan kapag may pinanunuod tayong palabas sa T.V iniisip naten happy ending ang mangyayari sa huli. Minsan naman naiinis tayo kasi Malungkot yun ending ng movie kasi minsan kung sino pa yun bida siya pa yun mawawala at mamamatay sa kung anong dahilan. Ganon din sa nababasa naten mga stories sa mga PocketBook, Ebook, Wattpad at etc. Lahat expectation naten is happy ending. Minsan pa nga mapapamura ka o kaya naman maiiyak ka kasi ang ganda non story sa First at climax then mauuwi sa sadEnding. Kaya minsan in the end sisisihin natin yun Derektor ng palabas o Author ng Book. Tatanungin naten sa kanila o sa sarili natin na " Bakit naman kaya ganon yun ending mg movie diba ang saya naman nila tapos mapupunta lang pala sa wala. Anu ba 'yan! Iyan naiirita tayo kasi hindi naten gusto yun ending pero at the end wala tayong magagawa kasi isa lang naman tayong manunuod o mambabasa kaya wala tayong dahilan para mainis yun nga lang sa pakiramdam naten is masakit. Naaapektuhan yun feelings naten the more na naiinis tayo mas lalo tayong nasasaktan eh palabas at kwento lang naman yun eh pero lakas talaga ng impact non satin sarili.

E paano kung sa totoong buhay nangyari yun edi mas lalong nasasaktan ang mga feelings natin diba. Lalo na kapag binigla kana nang tadhana hindi mo alam kung ano ang una mong gagawin kasi bigla kana lang maiiiyak ng wala sa oras tapos nagiisa kapa. Mas masakit yun kasi walang kang makapitan. Wala kang mapagsabihan. Kaya minsan ang mangyayari sasarilinin mo nalang. Wala kang choice eh kundi masaktan ng masaktan at kimkimin. Ilang oras kang iiyak sa isang tabi. Magmumukmok ng ilang araw sa kwarto mo. Minsan pa nga pati unan na walang kalaban-laban sinusuntok muna dahil sa bigat ng nararamdaman mo dun mo inilalabas yun sakit then saka mo tatanungin sa sarili mo na " Ano bang nagawa kong mali at bakit ako nakakaranas nang ganito " Minsan pa nga ayaw mo na munang makipagusap sa iba at laging gusto mo eh mapagisa kana muna at magkulong nalang sa kwarto mo kahit na gutom na gutom kana eh ayaw mo pang ikain kasi nga " BROKEN KA " Yun ang madalas na tinatawag satin kapag iniiwan tayo ng mga taong mahal naten. Mas lalo ka pa ngang maiiyak kapag kinokomport ka kasi maaalala mo nanaman yun nangyari sayo. Kung paano ka sinaktan. Kung paano ka pinaasa na hindi ka ipagpapalit sa iba at hindi ka iiwan na kahit anong mangyari. Pero yun pala May limit na pala yun relasyon ninyo na siya lang nakakaalam at ikaw na walang muwang eh patuloy ka naman naniniwala kasi nakikita mo siyang nasa tabi mo lang siya at tiwalang-tiwala ka lang na hindi ka ipagpapalit kahit na kanino. Kaya minsan yun sobra naten pagtitiwala sa kanila eh nauuwi na pala sa wala. At hindi naten inaasahan na yun tiwalang ibinibigay mo is may kapalit nang sakit.

Alam kong nagtataka kayo bakit ko nasasabi ang mga ito. Siguro yun nagbabasa neto ngayon i'm sure sinasabi mo saken ngayon " Ay ang bitter naman ata ng taong 'to siguro may pinagdadaanan o kaya naman may iba ka pang sinasabi patungkol saken. Sabagay tao lang naman kasi tayo na minsan nasasabihan ng kung ano-ano na galing sa ibang tao at syempre masakit yun part naten pero ito lang masasabi ko magbasa kana lang. Haha!

Ang totoo niyan. Gusto ko lang magshare ng kung anong naramdaman ko these past few month na sobrang kinasakit ng puso ko. And I'm sure na isa ka rin sa nakaranas neto. Oo nga pala magpapakilala paba ako. Parang wag nalang haha. Character lang naman ako ng kwentong ito haha. Pero dahil mapilit ka magpapakilala na ako haha. Ako nga pala si Lavander Clone Lopez 21 year old at nagiisang anak ng mga magulang ko. Hindi ako close sa mga pinsan kong side ng mga parents ko pero meron akong bestfriend na itinuring ko nang kapatid. Alondra Jam Santos. She's my almost bestfriend/sister when i was in highschool. Siya ang laging kong sandalan kapag napapagalitan ako nina mama at papa at kung minsan nilalait ng mga sarili kong kadugo. At sa kanya rin ako nagsasabi ng problema namin minsan ng aking mahal na boyfren na si Will Dave Jackson.

Magaapat na taon na kaming may relasyon at parehong alam nang mga magulang namin kung anong meron samin. Tanggap nila mama at papa si Dave at ganon din ang pamilya niya. Masaya ako dahil parehong naging parte ng aking buhay ang bestfriend at boyfren ko. Kahit na minsan may mga hindi kami pagkakaintindihan o may tampuhan pero sa huli nagkakasundo parin.

Sad MoviesWhere stories live. Discover now