Dalawang magkaibang mundo and bumabalot sa sanlibutan. Ito ay ang mundo ng mga tao at sa kabilang dimension nito ay ang mundo ng kahiwagaan.
Sa mundo ng mga hiwaga, kabilang ang mga diwata na syang tagapag-balanse ng kalikasan.
Sa mundo ng mga tao, nakatira si Franchesco, isang sikat at mahusay na inhinyero sa lungsod. Mataas ang estado sa buhay ng kanyang pamilya. Si Franchesco ay taong mahilig mapag-isa. Ayaw niya ng ingay. Maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya dahil sa maganda niyang postura at mga matang malungkot.Isang araw, nangailangan ang konstruksyon ng mga materyales na gagamitin sa pagpapatago ng dam. Ang dam na ito ay siyang magiging pangunahing pagkukunan ng inumin sa lungsod. Si Franchesco ang naatasang naatasang maghanap ng mga kahoy na syang magiging pansamantalagang pundasyon. Sa kanilang paghahanap ng mga gagamiting kahoy napadpad si Franchesco at lima pa niyang kasamahan sa bundok kung saan maraming matitibay, naglalakihan at matatandang punongkahoy. Ang puno na ito ang siyang tirahan ng mga diwata. Ang pinakamatandang puno ay matatagpuan sa bundok na iyon. Ang punong ito ang siyang kinaroroonan ng kaharian ng Foseo. Dito nakatira si Prinsesa Zevorah.
Si prinsesa Zevorah ang pinakamagandang diwata sa mundo ng mga hiwaga. Ang magulang niya ang Hari at Reyna ng kaharian ng Foseo. Si Reyna Zetta at haring Xantra. Si Zevorah ay malambing, mabait at may gandang tila anghel.
Sa paglalakad nina Franchesco nakasalubon nila ang isang Ermitanyo. Humingi ng pagkain at tubig. Binigyan siya ni Franchesco. Nagwika ang ermitanyo, “Mag-iingat kayo sa mga diwatang nagbabantay kung ayaw nyong malagay sa panganib”.
Nagpasalamat ang ermitanyo at ibinigay ang kwintas na may asul na bato. Umalis na ang matanda at nagpatuloy sila sa paglalakad. Magtatakip silim na at sila’y nagpahinga sa isang kuweba. Si Franchesco ay naglakad-lakad sa mga puno. Paglingon niya sa likod, nakita niya ang isang magandang babae. Nabighani siya at natulala habang naglalakad ang babae. Sinundan niya ang babae subalit bigla itong nawala. Bumalik na si Franchesco sa pahingahan at ikinuwento ang nakita niya ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga kasama. Hindi mawala sa isip niya ang babae. Hanggang sa pagtulog ay napapanaginipan niya ito. Maagang sinimulan ang pagpuputol ng kahoy. Sa isang puno ay nakatago si Zevorah. Dahil hindi siya nakikita ng mga kasama ni Franchesco, siya ay natamaan ng pamutol ng kahoy. Nasugatan siya at tumakbo. Nakita siya ni Franchesco at sinundan. Siya ay naabutan ni Franchesco at tinulungan. Nagpakilala ang lalaki at pinaunlakan naman ito ni Zevorah. Sila ay naglakad papunta sa tabing ilog. Sila ay nag-usap ar nangako sa isa’t-isa na muling magkikita. Sisikat na ang araw at lumayo na si Zevorah. Subalit siya ay nabigla sa kanyang nakita, madaming puno ang nakatumba at isa na dito ang punong lagusan papuntang Foseo. Agad siyang isinama ng kanyang mga kaibigan sa ibang lagusan. Ang pangyayaring iyon ay ikinagalit ni Haring Xantra. Ipinag-utos niya na ikulong ang mga kasama ni Franchesco sa isang mahiwagang isla. Dumating si Franchesco as lugar at hinanap ang mga kasamahan subalit hindi niya ito nakita.
Magtatakipsilim na at nagtungo na si Franchesco as tagpuan nila ni Zevorah. Simula noon madalas na silang magkita tuwing magtatakipsilim. Nalaman ito ng Hari na nakikipagkita siya sa isang tao at siya’y pinagbawalan. Si Franchesco ay umibig kay Zevorah. Iasng araw as pagpunta niya sa tagpuan, hindi sumipot si Zevorah. Lumipas ang mga araw ay di na nagpakita si Zevorah. Naging malungkutin ang dating masayahing si Zevorah. Sa kabilang banda, patuloy pa rin sa pagtungo sa kanilang tagpuan si Franchesco. Subalit di na bumalik si Zevorah.
Ang kanyang Inang reyna at amang hari ay ipinagkasundo sya sa prinsipe ng kahariang Celeperes. Si Prinsipe Xomori ay isa ring mabuti at maginoong binata na syang umibig kay Prinsesa Zevorah. Subalit si Franchesco pa rin ay mahal ni Zevorah.
Makalipas ang apat na taon. Si Franchesco ay nagbalik muli sa tabi ng ilog kung saan sila nagtatagpo ni Zevorah. Ang mga puno ay nakakalbo na dahil sa pagtotroso ng mga tao. Sa kanyang paglalakad pauwi nakita niya ang ermitanyong nagbigay sa kanya ng kwintas. At ikinuwento niya ditto ang babaeng minahal niya na nakatira sa gubatan. Alam ng ermitanyo na isang diwata iyon at sinabi it okay Franchesco. “Saan ko siya matatagpuan?” wika ni Franchesco. “Iba ang mundo ng mga diwata sa mundo ng mga tao” sagot naman ng ermitanyo. Subalit upang marating ang mundo ng mga hiwaga kakailanganing mabuo ang tatlong mahiwagang bato. Ang asul ay nasa kanya na, luntiang bato ay nasa pangagalaga ng mga duwende. Ang pulang bato ay nasa tiyan ni Tofro. Si Tofro ay isang halimaw na mayroong taltlong matutulis na sungay at buntot na animoy’s sa buwaya. Agad inalam ni Franchesco ang kinaroroonan ni Tofro. Siya’y naghanda at kanya itong pinuntahan.