Prologue

83.4K 810 116
                                    

Makalipas ang dalawang taon magmula ng pagkawala ni Rain. Maraming nagbago sa kanilang section. Hindi na sila isang block-section, kaya ang iba ay nalipat sa ibang section; tulad nila David, Melisa at Krystine na napunta sa class wind-3. Napunta naman sila Aron, Chris at Sai sa class lightning-3. Napunta naman sa magkakaibang section ang magpipinsang Eyesdrap. At nanatili naman sila Mark, Annie, Selina, Lina, Alex at ang iba pa sa class fire-3. Ngayong taon lang nangyari ang ganito, kung saan naiba ang section ng mga istudyante. Mungkahi kasi ito ng ilang sa mga guro ng Olympus university na sinang-ayunan naman ni Zeus. Sa paraan kasing ito ay mas darami pa ang maki-kilalang mga mythical shaman/tao ng bawat istudyante.

Sa ngayon ay hawak pa rin ng dating class fire-2 ang “Special classroom” na napalanunan nila sa naganap na “Duel event” nung nakaraang taon. Samantala, nasa mundo naman ng mga tao sila Drake at Rachelle, dahil hinahanap nila dito ang naging reincarnation ni Rain. Halos may dalawang taon na din silang naghahanap at sa ngayon ay wala pa ring balita sa mga ito.

June 17, CS242. Araw ng Myerkules ngayon at ang petsang ito ay ang araw nung unang pumasok si Rain sa Olympus university bilang isang transfer student.

Sa araw na ito ay sabay pumasok sila Mark at Annie ng campus at halos lagi nila itong ginagawa, dahil halos may dalawang taon na din silang magkasintahan.

Sobrang sikat ni Mark sa buong campus, dahil isa siya sa itinuturing na pinaka-malakas sa lahat ng mag-aaral dito. Sumikat siya nung nakaraang taon matapos niyang manalo sa “Duel event”. At sa sobrang daming gustong makalaban siya ay halos araw-araw ay may humahamon sa kaniya na makipag-duel o isang “Shaman fight”.

(Note: Hindi naman literal na araw-araw, siguro mga twice a week lang.. *Tee-hee.. xD)

Sa ngayon ay wala pa ring tumatalo sa kaniya at ngayon araw ay napagdisisyonan niyang wag ng tumanggap pa ng mga paghamon, dahil sa tuwing nakikipaglaban siya sa isang shaman fight ay naalala lang niya ang kaniyang kaibigang si Rain. Pero habang naglalakad sa field ay may isang grupo ng istudyante ang agad humarang sa kanila at ang isa dito ay mayabang siyang hinamon para sa isang shaman fight.

“Mark Lionheart! Ako si Andalus Berlin Baskerville Thersera, isang Manticore! 2nd year, class water-2. At hinahamon kita sa isang shaman fight!” Mayabang napagkakasambit ng nagpakilalang Andalus Berlin Baskerville Thersera kay Mark.

 

“Pasensya na, pero ayoko ng tumanggap pa ng mga paghamon simula ngayon.” Tugon naman ni Mark.

***Note: Ang Manticore ay isang class-S na mythological creature, mapangit ang mukha ng nilalang na ito at may mga matatalas at mahahabang mga sungay na may katawan ng isang leyon. At may taglay din itong mga pakpak. Sobrang lakas ng nilalang na ito na may kakayahang kontrolin ang gravity.

Meron pang mga natatagong lakas ang mga manticore at sa ngayon ay isa itong lihim ng kanilang pamilya. ***

Matapos magsalita ay naglakad na si Mark papasok sa loob ng campus. Pero bigla siyang napahinto matapos marinig si Annie.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon