Chapter 4 : the WANTED

31 0 0
                                    

  DEDICATION ALERT !:

          para ito sa tatlong tao na nagfollow sa akin :) thanks guys

------------------

Maingay na hallway ang sumalubong sa akin ng lumabas ako sa room.

Uwian na kasi kaya maingay talaga.

Lumakad ako papunta sa locker ko, iiwan ko na lang ang mga libro ko para hindi na ako mag-abala pang buhatin yun bukas.

"nakakatakot yung mangyari kanina noe"

"ano kayang ginawa nila kay Angelica Jade hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita"

"baka pinatay na , naku hayaan mo na siya kasalanan nya yan , sigurado si Death ang nagpakuha sa kaniya "

"tama, kung hindi kasi sya nakialam kaninang umaga sa hallway hindi sana mangyayari sa kanya yun"

Narinig kong usapan ng dalawang babae na nasa kabilang locker lang.

Simula ng kunin nila si Angelica Jade ng umaga hindi pa ito bumabalik sa classroom namin, absent ito sa lahat ng subject pwera lang sa first subject na naabutan nito bago kunin ng tatlong lalaki.

Hindi ko maiwasang hindi pag-alala sa kaniya.

Bago lang sya pero ganyan na ang nangyari sa kaniya.

Hanggang sa pagsakay ko sa kotse hindi pa rin sya mawala sa isip ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, may bagay na bumabagabag sa akin..

yung mga mata nya..

oo maganda sya , may maamong mukha at may kakaibang tapang

pero kung titingin ka sa mga mata nya makikita mo ang

lungkot..

parang umiiyak sya sa loob.

tsk! Bakit ko ba pinuproblema ang babae na yun ..

nakakagulo lang sya sa akin .

Kung hahayaan ko ang sarili ko na piliting malaman kung ano meron sa kaniya siguradong masisira lang ang tahimik kong mundo.

Mukha kasing malapit yun sa kapamahakan eh

Tsk! creepy talaga!

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para mabaling ang atensyon ko sa iba.

Medyo malayo pa pero tanaw ko na ang playground.

may kadiliman dun dahil isang poste lang ang may ilaw.

naalala ko yung bata ako hindi ako pinapayagan ng mga nag-aalaga sa akin na makipaglaro sa mga bata na nasa playground , yun daw ang bilin ni lolo.

kaya wala akong nagawa kundi ang tanawin na lang ang playground kapag natatadaan kami papunta sa subdivision kung saan ako nakatira.

Tinitigan ko ng mabuti ang playground ng napadaan na kami dun.

walang katao-tao.

Tumingin ako sa swing.

Ang swing ang pinakagusto ko sa lahat.

Napangiti na lang ako.

Pero agad din nawala..

Parang may nakita akong tao sa swing hindi sya nakaupo sa mismong swing kundi sa taas nito.. sa bakal kung saan nakasabit ang upuan ng swing.

hinabol ko pa ito ng tingin ng makalagpas kami.

Parang si....

"Stop the car." bigla ko na lang nasabi.

"miss? "

MISCHIEVOUS HIGH: when DEATH and ANGELICA metTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon