I Want You To Know

26 0 0
                                    

Alam mo yung feeling na nag-iisa ka pero hindi pala?

Being alone even if people keep letting you in but you just don't want to?

You kept on shutting doors.

Throwing the keys away so that no one would ever find you.

Because you want to be alone and being alone makes you feel good and happy.

Dahil ito, ito yung feeling na gusto ko eh. Tinataboy ko yung mga taong mahal ako eh. Ayaw kong mahulog. Ayaw kong masaktan. Ayaw kong matulad sa mama kong nagpaka-gaga sa papa kong walang silbi. He almost killed her! But because of that fucking love she forgave him. Dahil nagmakaawa ang tae kong papa sa kanya with all those fucking reasons! He was drunk at natanggal pa sya sa trabaho? What the hell?! Dahil lang sa nawalan sya ng trabaho kaya sya nagpakalasing and if I know nag-shabu pa yung gago na yun! Para nga syang halimaw nung umuwi sya ng bahay noon eh. Nagsisigaw at sinisira lahat ng nasa bahay, ang pula nga ng mga mata nya nun. Ang high nya. Kumuha sya ng kutsilyo at sabi pa nya na may lalaki daw si mama. Fuck you bastard! Anong may lalaki si mama? Eh head over heels kaya si mama sayong tae kang walang silbi! Buti nalang ay nakatakbo si mama palayo kay papa. At ako namang maldita ay kumuha ng vase at ihinampas sa ulo ng gago kong taeng tatay since nakatalikod sya. Okay. Pasalamat sya hindi ko linakasan yun kundi patay na sya ngayon. Nakatulog lang naman ang gago pagkatapos nun. Ang gaga ko namang mama ay isinugod si tae sa ospital at nagpakagaga ulit. Iyak pa sya ng iyak at sorry naman ng sorry si papa nung natauhan na sya.

I forgive you.

My jaw drop when I heard that from my mother. Coming out from her own mouth. I couldn't even say that to him kahit hindi ako yung sinaktan nya physically at emotionally. I couldn't even forgive that bastard. What the! Sh-she forgive him? Ano?! Ganun lang yun kadali? As in? Tatlong sorry lang, okay na?

No! Bakit ganun mo lang sya napatawad ma? Matapos ka nyang pagtangkaang patayin? He doesn't deserve your forgiveness! This is just so fucking crazy. I can't believe you said that!

Sigaw ko. Bakit ganun lang? Bakit? I hate my father at alam ni mama yun. Palagi nya kasing binubogbog si mama kapag nalalasing sya. Wala narin syang time para sa amin kasi trabaho nalang palagi ang inaasikaso nya. At kung umuuwi naman sya ay lasing. Pero bakit? Bakit napatawad agad nya si papa sa isang iglap lang? Sobrang laki na ng kasalanan nya. I dont care if I'm shouting. Wala akong pakialam kung nasa ospital kami. This is just so unbelievable!

"Claire, can you be my girlfriend?" natauhan nalang ako nang marinig ko ang aking pangalan.

Oh. Naaalala ko naman yun. Hayyy buhay.

"Claire, are you there?" sabi ni Tom sa akin. Kakilala ko lang si Tom. Katropa ko nga ito eh. Pero may sinabi ba sya?

"Ay. Hehe. Ano nga yung sinabi mo?"

Napa-face palm nalang si Tom. What?! Ano bang nasabi kong mali dun?

"I said..." seryoso na sya ngayon, "Can you be my girlfriend Claire Jane Amistoso?"

"What?! You want me to be your what?! What the hell Tom! Wag ka ngang mantrip sa akin ngayon, wala ako sa mood para patulan yang mga laro mo. Fuck off Tom!" sabi ko with matching mura pa sa kanya. I can't believe this. Gusto nya ata ng away ah. Well, I'm really on for a fight kasi nami-miss ko na rin yung Guidance office. Bwahahaha >:D

Smirk. Well lets see Thomas Matremol. I dont play games because I destroy them.

"Hey calm down Claire. Hindi ka naman nakinig sa mga sinabi ko eh. I will never--" hindi na natapos ang dapat sa sasabihin niya dahil sinuntok ko na sya. Boom! Amistiso for three!

Serves you right player.

"I'm not gonna waste my time listening to you. Hindi na kita pinatapos. I don't care and stay away from me." sinabi ko sabay snob sa kanya. Yeah right! Maldita ako and I know that already. Akala ko susuntukin nya ako or something papasok na naman ako ng gulo pero wala.

"Sorry." yun lang ang natanggap ko. Nagsosorry sya? For what?

"Sorry for wasting your time and... and our friendship."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya. Pero oo nga. Nasira na ang friendship namin. Pero who cares?

"I don't care." Never would I care.

Umalis na sya. Alam naman nya na lugar ko talaga dito sa rooftop ng school namin eh kaya alam nyang naiirita na talaga ako sa presensya nya dito sa lugar ko.

Paano ko nasabi na lugar ko itong rooftop nato? Well simple lang, mayaman kami. At isa sa mga may-ari ang kompanya namin sa school nato. Si papa, yung workaholic? Well yumaman sya dahil nagsisi kuno sya sa mga nagawa nyang kasalan. Nakikita ko namang nagbago na talaga sya for the sake of our family and our company pero I just can't forgive him. Not now.

Naglakad na ako pauwi. Malapit lang naman ang bahay namin eh. At isa pa, astig ako eh kaya maglalakad ako. Naglalakad ng pagka astig-astig na lakad. Oh yeah men. Matakot kayo sa isang astig na tulad ko. Feeling ko, lahat nalang natatakot sa akin dahil tinataboy ko lahat sila. Napatigil ako sa paglalakad at nagsalita.

Pero, diba? Who cares? I don't even care? Like duhh. I don't care. Eh-eh-eh eh-errr.

Lol. Napakanta tuloy ako.

Para tuloy akong baliw na naglalakad dito. Nakatingin yung mga tao sa akin na para na talaga akong nababaliw. Hahaha. Pake nila? Astig ako noh!

Dahil na astig ako, sinigawan ko sila.

"ANONG PINAGTITINGIN NYO DYAN! GUSTO NYONG DUKUTIN KO LAHAT NG MGA MATA NYO PARA HINDI NA KAYO MAKATINGIN SA ASTIG KONG MUKHA?!!!!" ayan.. Yan ang bagay sa inyong mga tsismosang katulad nyo. Pweh!

I'm coming home. I'm coming home. Tell the world that I'm coming home. Yeah!!! I'm home!! Oh yeahh men!

Pasigaw kong pagkanta. Astig ako eh.

"Ma!!" sigaw ko.

"I'm home! Yeah!" di parin ako nakaget-over. Ang astig kong kumanta eh. Hahaha. Eh pakialam mo ba? Eh sa maganda ang boses ko eh!

At bakit walang sumasagot sa akin? At bakit parang ang gulo ng bahay ngayon? Ano ba ang nangyari dito?

**

Hi po sa inyong lahat. Sorry po talaga sa mga bad words.. Sorry po talaga. Hindi na po mauulit. Eh kasi naman ehh.. Hindi naman ma-eexpress kung ano talaga ang pinagdadaanan ni Claire kung hindi ko gawin yun. Kaya sorry po talaga. Next po siguro kunti nalang po ang mga swear words. Hihi. Si Tom po yung nasa cover ng story. Yung emo. Bahala na po kayong mag-imagine kung sino yung mga characters kaya gora lang po sa pagbabasa. Mwahhh :**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Want You To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon