Napakasakit bakit ako lang ang umaasa? Bakit ako na lang palagi nakakasawa na. Ang hirap. Sinusubukan ko nang umiwas sayo pero bakit ganito ikaw naman ang lumalapit? Pinapakita mo na parang napakahalaga ko sayo na gusto mo ko. Dahil yun ang nararamdaman ko pero sinasabi mong siya ang gusto mo. Sana naman huwag ka ng maging sweet kasi may napapaasa kang tao umiiwas na ko sayo pero heto at lapit ka ng lapit. Natutuwa ako pag tinatanong mo ako kung kumain na ba ako kung tapos na ba ako sa mga ginagawa ko. Minsan napapaniwala mo na ako na gusto mo na ko pero ayokong umasa at masaktan ulit takot na kong sumugal dahil alam kong siya at siya pa rin. Alam kong napakalaki kong tanga dahil hanggang ngayon nasa tabi mo pa rin ako pero anong magagawa ko ikaw yung kusang lumalapit kung kailan umiiwas na ko. Kung kailan naman tanggap ko na na hanggang magkaibigan na lang tayo. Ayoko na pagod na ko nahihirapan na ko. Option mo lang ba ko? Kaya mo lang ba ko kinakausap dahil hindi ka niya kinakausap o dahil hindi ka niya pinapansin? Ang sakit lang dahil ako laging nandito para sayo. Napakatanga ko dahil isang kausap mo lang napakasaya ko na. Pero bakit ikaw hindi mo makita yun? Siguro nga kaya mo lang ako kinakausap kasi kailangan mo ng atensyon na hindi mo makuha kuha sakanya. I feel like Im just an option. Kailan ba ko magiging priority hanggang kailan ba ko nandiyan sa tabi mo nakakasawa din magpakatanga. Sabihin mo na hanggat maaga pa para matapos na ang kahibangan ko sayo. Ako at ako rin naman ang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Diary ng Umaasa
Teen FictionWag ka ng umasa masasaktan ka lang magpapakatanga ka lang aasa ka lang sa wala umaasa ka sa taong hindi ka kayang mahalin at magustuhan anong tawag dun diba katangahan mafa fall ka na lang sa mali pang tao sa susunod dapat bago ka mafall siguraduhin...