"Hindi lahat ng bagay nakukuha mo pabalik ng ganun kadali.."
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Lavender's POV:
First day ng school ngayon at di tulad noon excited ako :3
Simula pre-school dito na ko nag-aaral sa Savannah Academy..
At pag first day magpapakilala ka ng pakanta or pasayaw or whatsoever :3
Ang katwiran ko nga sa mga teachers,kilala na naman nila ako ah! Pero sabi nila,para daw sa mga new students :3 Buti nalang at last year ko na dito! Hehe xD Next year kasi college na ako...
Pumapayag nalang ako dahil sanay na ako,atsaka sa bagay *shrugs* may point sila dun haha xD
Enough na nga sa mga kaechosan ng school namin!
Naglalakad na ko ngayon papunta sa locker room para magpalit ng bagong locker,(every year kasi kailangan mag-palit ng locker xD) Tinignan ko yung hawak 'kong susi para sa locker ko.
May nakadikit na sticker sa susi at ang nakasulat ay #19, meaning hahanapin ko yung locker na may nakadikit na sticker na may nakasulat din na #19.
And now, nasa may lockers na ko ng makita ko si Ken na nag-aayos ng gamit niya sa locker. Agad niya 'kong nginitian ng nakita niya ko at kumaway naman ako sa kanya habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Oh Lav,magpapalit ka na rin ng locker?" tanong niya at lumapit sakin para halikan ang pisngi ko..
"Oo,eh ikaw?" sagot ko habang nakatingin sa kanya at nilalagay ang mga librong bitbit ko sa isang bakanteng locker. at sinara ito..di ko na ni-lock dahil masyado akong busy sa pakikipag-usap kay Ken. Wala naman sigurong magnanakaw dun diba?
"Hmm,tapos na, tara sabay na tayo,san ba room mo?" tanong nya.
"Hindi ba tayo magkaklase honey?" sabi ko at nag pout.
Ginulo nya ang buhok ko..
"Hindi eh,Section B ako honey..ikaw?"
"Section A,pero magkatabi lang ang room natin diba? Buti nalang hindi ka Section C honey..."
Pag kasi Section C at D sa next floor pa..
"Sa sinasabi mo parang palagi akong Section C ah!" sagot nya at parang batang napikon naka pout pa,naku! inaakit ba ko neto? >\\< effective!
"Joke lang naman honey! Tara na nga at baka mag-simula na ang klase!" sabi ko at umiwas ng tingin, 2 years na kami pero minsan nahihiya pa din ako!
"Nandito na kaya tayo! Ayaw mo pang pumasok Lav eh!"
"Eh! Sige na nga! Bye Ken Honey! Goodluck~!"
"Okay bye Honey,I love you!" sabi nya at pumasok na ng room, at papasok na sana ako sa room namin kaya lang...
Pagpasok ko wala pang teacher pero may mga naglalaro ng mga crumpled paper at ihahagis kung saan,bigla akong tinamaan :3
Sinamaan ko ng tingin yung naghagis,at nag smirk lang ito sakin...aishh!
Pumunta nalang ako sa upuan malapit sa bintana dito sa last row..
at nakatulog na ako..(buti walang nakapansin!)
pagkagising ko,break na ata kaya dumiretso na ako sa locker room,pag dating ko dun..may nakita akong lalakeng nakatayo sa tapat ng locker ko..
"Sino naglagay ng mga libro dito sa locker ko?"
"Oy locker ko yan eh!"
"Miss aking locker to.."
"#19 kaya ang number ng locker ko!"
"Di ko tinatanong,di mo ba nakita,ang locker ko ay number 18 at magkatabi lang locker natin,so bakit ka pa magkakamali? Maybe,this is your way of making someone pay attention to you? *smirks*"
"Tss,dami mong daldal,kalalaki mong tao eh,akin nalang ang mga libro ko at nang matapos na 'to!"
Nagulat nalang ako nang biglang
He pinned me on the wall and he puts his hands on the both side of my head,his face so close on my ears..(a/n:taray english! sorry kung mali mali)
"Hindi lahat ng bagay nakukuha mo pabalik ng ganun kadali.." he whispered and left me there...
.
.
.
.
.
Dumbfounded!
O_O
»»»End of Chapter«««
Tnx for reading,sorry for typos'
Eyra <3
BINABASA MO ANG
Say "Goodbye"
Teen FictionLavender Christine D. Gomez was a typical girl who accidentally met Sky Blue J. Monteverde at school, they have a past that Lavender didn't knew, but Blue suddenly fell in love with Lavender. But he knows he would never had a chance. Would they end...