Chapter VII

6.9K 96 2
                                    

Labis ang pagka-aliw ni Sofia sa anak niyang si Steffi. Would you believe na alam nito ang kanta ng Girl's Generation na Gee? Hindi lang nito alam, pati na rin ang dance step nito!

Isa sa naging malaking bahagi nang inspirasyon niya ang Sonyeoshidae! Lalong lalo na si Hyoyeon! Ito lang naman ang dahilan kung bakit pinursige niya ang sumayaw. Hindi siya ganoong kagaling kumanta. Kahit hindi siya ang main vocals ay siya naman ang main rapper sa grupo.

Maghapon silang nagbonding ni Steffi.  Nakapagtataka naman na hindi sila pinigilan ni Nicholas o maging ng magulang nito.

Masasabi niya na parehas na parehas ang hilig nila. Tila ba nakikita  niya ang sarili dito noong nangangarap pa siya.

Alas otso na nang gabi at kasalukuyan na niya itong pinapatulog. Yakap niya ito habang tinatapik-tapik niya ito. Kinakantahan niya ito nang isa sa mga love song na gawa nang grupo nila.

"Will you stay here until I wake up?" tanong sa kanya ni Steffi na nakatingala.

Tumango siya. "Yes," nakangiti niyang tugon

"Pinky promise?" nilahad pa nito ang hiniliit niya. Ginagap niya naman ito.

"I promise to stay here," sabi pa niya.

Ngumiti ito ng malapad pagdaka'y bahagyang umahon at hinalikan siya sa pisngi.

"Goodnight, Tita Sofia,"

Ngumiti naman siya at kinintalan din ito ng halik sa noo.

"Goodnight, my little angel," tugon niya rito.

Humiga na ito at humilig ang ulo sa kanya. Hindi pa ito nakuntento at yumakap ito sa kanya.

Ipinagpatuloy niya na ang malamyos na kanta niya. Ito ba ang sinasabi ng iba na motherly instincts? Bakit ngayon niya lang ito nararamdaman? Kung ganito pala kasaya ang maging ina ay disin sana'y hindi niya ito iniwanan. Ngayon lang siya nakakaramdam ng pagsisisi sa nagawa.

"You know what?" napatigil siya sa pakanta nang magsalita ito.

"What?" tugon-tanong niya rito.

"Maybe dad should find another mommy for me," muli itong umahon mula sa pagkakahilig at tumingin sa kanya.

"How can you say that?" tanong niya rito.

"Because my mommy is always away. I never see her. She probably doesn't want to see," sabi nito na ikinabigla niya.

"No, Steffi. Your mom loves to see you. She is just busy," sabi niya.

"That's what daddy say. I always see dad so lonely because mommy is not here. Mommy makes daddy so lonely that is why I don't like her to come na. Maybe you can make daddy happy? I want you to be my mommy!" nakangiti nitong wika.

Hindi naman siya agad nakapagsalita. Those words came from a five year old girl? Labis na humiwa sa puso niya ang sinabi nito. Totoo nga ang sabi ni Nicholas. Steffi will hate her.

Paano na lang niya aaminin ang totoo dito?

**

"Babalik ako ng Korea by next week," sabi ni Sofia kay Nicholas.

Nasa study room sila no'n. Pinatawag kasi siya nito. Marahil ay magbibigay nanaman ito ng isang set ng rules para sundin niya.

Nakasandal ito sa swivel chair habang nakaupo naman siya sa ordinaryong upuan kaharap nito. Tanging lamesa lang ang pumapagitan sa kanila.

"So? Paano si Steffi? Akala ko ba gusto mong patunayan ang sarili mo sa kanya?" umarko ang kilay na tanong nito.

"May naisip nga akong plano," sabi niya pa. "Gusto kong dalhin si Steffi sa Korea,"

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon