…
You can’t force yourself liking/loving someone but you can tell yourself that you deserve better and try to move on.
Para akong timang na nakikinig ng mga record ng conversations namin. Ewan ko bigla nalang ako tatawa, kikiligin tapos iiyak haha. Badtrip lang kasi kung kelan narealize ko kung gano sha kahalaga, too late na. Nakamove on na siya. Sabi nya “Okay nako”. Sana pala hindi ko na lang kinuha yung kamay niya nung niyaya nya akong sumayaw. Kasi wala eh, nasaktan lang ako. Nakakainis, once na hinawakan niya na yung kamay ko, bumalik lahat. Sobrang sakit lang, kasayaw ko yung lalaking oo minahal ako. Tinititigan ko yung lalaking oo na sinayang ko. Habang kasayaw ko siya, ewan ko lang ah pero boses niya lang naririrnig ko. Naramdaman ko yung pakiramdam na naramdaman ko noong unang beses kong narinig boses niya. Parang ang saya ko pa nga eh kahit na nasasaktan nako sa mga sinasabi niya “Kapag kasi matagal nag aantay nawawala” His words stabbed like knife, iiyak nako eh. Pero tumingala ako para hindi bumagsak yung tubig sa mata ko. Ayoko matapos yung kanta, parang gusto ko forever na kami don kahit na ako lang yung masaya. Kahit na siya, may gustong isayaw na iba (omg rhyme haha). Desperada ba tawag don? Masyado akong attached sakanya, that’s the problem. Umaasa pa ko eh. Feeling ko talaga may pag asa pa. Tama nga, feeling ko lang yon. Im having dilemma if Im going to post it or just keep it. Kapag pinost ko ‘to, sure, maraming makakabasa and he’s one of them. Hndi ko alam magiging reaction niya. Maybe maiinis? Kasi muka akong ewan having regrets. Natapos yung kanta na hindi ko nasabi sakanya kung gano ko siya namiss. Ay mali, hindi ko pala siya namiss, sobrang namiss lang :(
I realized that no matter how strong your love is and no matter how you truly love a person. If your heart gets tired everything will change.