Chapter 16
Sooyoung's POV
"Tara na?" Tanong sakin ni Luhan, kakatapos ko lang magayos ng sarili ko, ready to go na ko. Friday ngayon, salamat at makakapagpahinga na rin kami, weekdays! Hahaha.
"Yep. ^__^" Sabi ko sakanya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nag-smile siya.
Bumaba na kami at nakita ko ang ibang members na nagaayos na din papunta sa school. "Una na kami!" Sabi ni Luhan sa kanila.
"Byeeee! ^_^" Sabi ko sakanila at nag-wave na ko sakanila. Lumabas na kami sa gate at maglalakad na kami papuntang school, malapit lang naman ang bahay nila sa school.
*Eonni! Answer the phone, right-*
"Yobose-"
"Eonni, saan ka na po? Huhu." Tanong agad sakin ni Hyeri. Napatigil ako sa paglalakad. Naiyak ba siya?
Napatigil din si Luhan sa paglalakad, nag senyas siya "Ano meron?" Pero walang boses.
"Papunta na dyan, why?" Sabi ko kay Hyeri at nag-wait sign ako kay Luhan.
"Si Gayoon po kasi, ililipat daw po siya. Huhu!" Sabi ni Hyeri sakin at nagulat ako. Ano?! Di pwede.
"Sige, wait lang. 5 minutes andyan na ko." Sabi ko kay Hyeri at binaba ko na agad ang phone ko.
"Ano meron?" Tanong agad ni Luhan.
"Si Gayoon, ililipat daw." Sabi ko.
"Ha?!" Sabi ni Luhan.
"Tara na, kailangan ko pigilan si Director." Sabi ko kay Luhan at hinawakan ko ang kamay niya at tumakbo na kami papuntang school.
Eto na naman ako, feeling ko nag-slow motion na naman ang paligid ko. Bakit ba ganito lagi ang nararamdaman ko pag kasama ko si Luhan?
Hay, ang sarap lang sa pakiramdam :">
After 3 minutes of running**
Tumigil muna kami since nasa harap na naman kami ng school at nakakapagod tumakbo sobra, tuloy-tuloy, nakakahingal.
Naglabas ng panyo si Luhan at pinunasan niya ang pawis ko sa noo. "Pawis na pawis ka na oh, saglit lang." Sabi niya sakin at naka-smile siya.
"Thank you." Sabi ko at nagsmile na din ako.
"Kyaaaah~ Ang cute nila tignan ohhh." Biglang may mga fangirl na nagsisigaw sa may bintana nila.
Nagulat kami ni Luhan at napatingin kami sa 2nd floor, dun kasi galing yung sigaw eh. Biglang may naglabas ng parang cardboard at nakasulat...
We love SooHan couple! ^^~
Nagkatinginan kami ni Luhan at nag-smile kami parehas, wow! Kahit papano naman pala may nasuporta din samin, hindi puro haters ^^~
"Eonni, pwede later na po ang sweetness? Sorry po sa abala." Biglang sumulpot si Hyeri sa harap namin.
"Ah, oo nga pala. Tara na!" Sabi ko at hinatak na ako ni Hyeri papasok sa loob. Dahil hawak ni Luhan ang kamay ko, pati siya nahatak ko na din.
Director's Office**
Pumasok na kaming tatlo at nakita ko si Gayoon na nakaupo sa tapat ng Director. "Ah, nandito na pala ang leader niyo." Sabi ni Director.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)
FanficNainlove ka na ba? Sa tamang oras pero sa maling tao? Kahit na alam mong hindi siya para sayo, ano ang gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya, kahit may malaman ka ding kakaiba sakanya? Ipaglalaban mo ba siya hanggang dulo?