CHAPTER10* HB-BEBEBOY*
Tuwang tuwa akong pumasok ng room ko nung nakaganti ako.
Ichachat ko na lang muna si Mama sa fb kahit pass 12 na. Hehe
Masusurpresa yun talaga =)
Kinuha ko sa table yung tablet ko at nagfb muna.
Ichinat ko din si Mama nun at paghahandaan daw niya ang debut ko next year. Natawa pa nga ako kasi atat siya na siya daw ay uuwi ng Pilipinas para paghandaan yun.Natuwa naman ako kasi pupunta siya dito.
Naalala ko tuloy yung pangako ko sa sarili ko nun.
Before my 18th birthday I want to search for my destiny.Alam kong di tunay ang destiny pero malay natin magkatotoo? I want to make a list ng signs na posible at imposibleng magagawa nung guy. I know I'm crazy to do this stuff kasi mamatay na din naman ako.
But I want to see if Love is destiny...
18 Signs of Hazel the Debutant before she die.
#1 Yung kayang pakisamahan ang pagiging maarte ko(syempre I'll act na maarte ako para mas effective diba?)
Ginagawa ko na ito ngayon hehe.
#2 Sisigaw-sigawan ko na pero gagawin padin ang lahat(I know it is hard, madaming lalaki ngayon pag maarte ang babae hahanap na ng bagong liligawan agad diba?No offend)
Tama. Medyo impossible itong mangyari. Next.
#3 Yung kakantahan ka kahit na kanda piyok piyok na siya (Isn't so sweet diba? Tinatawanan mo na tuloy pa din sa pagkanta at yung "Love on top" ang kakantahin niya para masaya)
Naalala ko lang dito si Cedrick hehe,pero hindi ko pa alam kung siya na ito :)
#4 Susuotin yung pinakabaduy na pair ng damit sa 1st date nyo(Take note: Yung Pink na puro flowers at Jeans na may mga beads, syempre sasabihin ko yung isusuot niya para masaya)
Naku asa pa ito,medyo imposible din. Fashion icon yun at model,imposible talaga.
#5 Bibilhan ako ng Stuff Toy na nakapagkit ang mukha ni Norman Reedus ( Easy na ito diba?)
Well baka mukha niya pa ipaskil nya
if ever :D
#6 Kakain ng chocolates tapos ngingitian ako(Easy ulit)
BINABASA MO ANG
Falling To Mr. Monster
RomanceFTMM written by preppyminimi ------------------- MR. MONSTER- siya lang naman kasi ang may mga katangian na sumusunod: (/) ALIEN LANGUAGE. Mahilig magsalita ng nakakadugong ilong na lengwahe,minsan topak magtatagalog minsan. Okay patayin na natin s...