FOREVER ALONE

247 3 2
                                    

---------------------

Meet Jenny. 16 years old. 4th year high school siya sa isang school, na hindi naman ganoon kasikatan. Isa lang siyang ordinaryong babae na humahanga sa isang dancer na si James. Simpleng babae lang si Jenny, hindi kagandahan, hindi katalinuhan, hindi rin mayaman. Isang Fan Girl si Jenny. Meron din siyang bestfriend na langing nandyan sakanya. Super Idol nya si James. Pero teka, teka Sino nga ba si James ?

Meet James. 18 years old. Isang sikat na dancer. madaming babae ang nahuhumaling sa kanya dahil sa sobrang Kagwapuhan niya. Kumikinang na mga mata, makinis na balat, matangos na ilong, at mapula-pulang labi. Swagger si James. Astig kung pumorma. at pag sumayaw na sa Stage. Napapatili ang Lahat. Mga Camera at Cellphone nagsisilabasan na.

Gumawa ng Isang Fan page sa facebook si Jenny para kay James.

Minsan Masyado ng sineseryoso ni Jenny ang Crushness niya kay James. Hilig ni Jenny magdrama pag gabi ito ang lagi niyang sinasabe: Alam ko namang wala akong pag'asa kay James :( pero sobrang gustong gusto ko siya eh. Bakit ba kasi hindi na lang ako naging maganda baka sakali pang mapansin ako ni James. Mahal ko na nga ata si James Eh. Sana naman makita ko lang siya sa personal makapagpapicture lang ako sa kanya, sobrang saya ko na. pero bakit ba ganito lang ako? Huhuhu T.T

(Kay drama ba ni Jenny? hahahaha!)

May kumatok sa bahay nina Jenny gabing gabi na ..

TOK TOK TOK !

Sino Yan?

Jenny, Monica to.

(Si Monica ang bestfriend ni jenny)

*Binuksan ni jenny ang pintuan*

Monica, gabing gabi na ha! bakit?

Wala lang Jenny, tambay naman tayo o.

saan naman?

dito lang sa tapat.

Osige.

Ano bang ginagawa mo. Wika ni, Monica.

Anu pa ba edi dumadrama kay Papa James ko.

nako jenny, wag mo na nga pag aksayahan ng panahon si James. alam mo namng imposibleng mapansin ka nun no. Magising ka na nga sa kahibangan mo. okay lang naman maging fan ka nya eh pero enough na yan! umaasa ka na kasing magkakaroon ka ng Chance kay james.

Eh Anong magagawa ko kung mahal ko na ata talaga si Papa James ko?

MAHAL ? O____O Sure ka ba dyan Jenny? Hindi mo alam sinasabi mo !

Monica, 2 years na kong fan ni James. kaya ito nahulog na talaga ako ng tuluyan. Everytime na nagu'upload siya ng mga dance niya sa youtube sobrang Inlove na inlove na ko kulang na lang ibato ko ang Monitor ng Computer namin. Sobrang Gwapo niya yung sagad na sagad. pag sumayaw na siya, feeling ko mamatay na ko.

Hay nako! maiwan ka na nga Jenny. nakakaloka ka! Sobrang Obsessed ka na talaga sa James mo. umaasa ka pa na baka sakaling magkagusto siya sayo..

HAHAHAHA :) Osige monica, babalik na muna ulit ako sa pagdradrama ko ha. ingat ka sa pag'uwe.

Byeeeeeeeeeee jenny! Wag mo masyadong isipin ang papajames mo ha! baka di makatulog yon kawawa naman. may mall show pa siya bukas.

Okaaaaaay sige, Monica..

Umaga na.

Pag gising na pag gising ni Jenny.

sa computer agad ang harap niya. lagi kasi siyang nagtwi'tweet kay james sa twitter.

Nagbabakasakali kasing mapansin siya ni James.

Pero sa 2 years na pagiging fan ni Jenny, kahit isang tweet na galing kay James wala siyang natatanggap. Hanggang ngayon rin hindi pa siya nafa'follow ni james.

ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon