PROLOGUE.

287 10 28
                                    

Isang madilim na kwarto na pinaiilawan ng mga hugis pusong kristal na nakapaloob sa mga bilog na transparent na salamin na nagsisislbing sisidlan ng mga ito, at ang mga ito'y nakalutang sa ere. Isang lalaking nakaistasyon sa gitnang parte ng kwarto, nakaupo sa isang pulang upuan, nakaharap sa isang kwadradong salamin na mayroong mga gintong disenyo sa bawat gilid at sulok na nakapatong sa isang pulang lamesa. Nakasandal sa upuan nito ang isang mahaba at malaking kulay itim na maso. Ang lalaki ay nakaupo sa paraang ang kanang binti nito ay nakapatong sa upuang parte ng silya, at nakapatong sa tuhod ang kanyang kanang braso ng tuwid. Tutok na tutok ito sa salamin kung saan maaaninag ang isang babaeng animo'y nawawala sa sarili, magulo ang buhok at humahagulgol habang nakatitig sa isang litrato.

Hindi mapatid-patid ang mga nag-uunahang butil ng luha sa magkabilang pisngi ng babae, gayundin ang mga salitang nag-uunahang mabuo sa kanyang bibig. Kinuha nito ang matalas na gunting sa tabi at gunupit ang bawat gilid upang gawing mas perpekto pa ang dati ng perpektong hugis ng litrato.  Matapos magupitan ang bawat gilid ay sandali itong tumahimik. Ngumiti habang pinagmamasdan ang hawak. Hinalikan ito na animo'y kanyang katangi-tanging kayamanan. Ngunit maya-maya ay makikita ang biglaang pag-iba ng kilos ng babae, kumunot ang kanyang noo at itinapon palayo ang litrato kasabay ng isang malutong na mura. Sinabunutan ang sarili habang unuumpog ang katawan sa pader na pinagsasandalan matapos ikulong ang ulo sa sariling bisig. Hindi parin ito tumitigil sa paghagulgol.

Matapos  itong mapanood ay tumayo ang lalaki mula sa kanyang pulang upuan, dahil duon ay makikita ang kanyang kasuotan, isang itim na tuxedong binurdahan ng mga kulay pula at kulay lilang sinulid na bumuo ng iba't-ibang disenyo sa bawat pisngi ng kanyang kasuotan, nakaitim itong pantalon na pinaresan nya ng itim na sapatos. Mayroon din nakasabit na maliit na gintong bilog na orasan sa kaliwang bulsa nito. Naglakad ang lalaki patungo sa isang parte ng silid, pinagmamasdan ang mga nakalutang na mga hugis pusong kristal. Nagpalinga-linga ito animo'y may hinahanap. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit ito sa isa sa mga lumulutang na kristal, kinuha ito na parang pumipitas ng bunga sa puno. Matapos ay hinugot ng lalaki ang kristal mula sa loob nito, tumagos ang kanyang kamay sa salaming nakabalot dito. Pinagmasdan nito ang kanyang hawak, sinala't ang bawat parte, hinimas-himas ang bawat sulok, pinagmasdan ang mumunting liwanag na ibinibigay nito. Bakas sa mukha nito ang kakaibang nararamdaman, parang may lungkot ngunit may kakaiba, parang hindi ito natutuwa sa prutas na kanyang pinitas. Matapos nito ay bumalik ito sa kayang pwesto, lumapit sa upuan ngunit hindi umupo. Nang makalapit ay tumunog ang kanyang gintong orasan. Nagsalita ito, "Oras na-Oras na!". Napatingin dito ang lalaki . Pagkalipas ay muli nitong pinagmasdan ang hawak at muling ibinalik sa loob ng salaming dating pinaglalagakan nito. Binitawan nya at lumutang ito sa kanyang harapan. Pumikit ng sandali ang lalaki, nag-isip. Pagkadilat ay gumuhit sa labi nito ang isang tipid na ngiti kasabay ng agaran nitong paghawak sa masong nakasandal sa gilid ng kanyang upuan at hinampas ng may buong lakas ang bagay na nakalutang sa harap niya. Umalingawngaw sa buong kwarto ang ingay buhat sa malakas na pagkakahampas, kasabay ng pagkalat sa sahig ng bawat piraso ng durog na bagay, naglaho ang liwanag nito, nawalan ito buhay.

Sa salamin ay makikita rin ang biglaang pagbabago ng babae, tumahimik ito mula sa kanyang pag-iyak, pinakawalan ang sarili mula sa sariling bisig at umupo ng maayos. Nakatitig lang ito sa sahig na kanyang kinalalagyan. Parang nag-iisip. Parang may tanong sa isip nito na unti-unting nabibigyan ng kasagutan. Nang maglaon ay tumayo ito, lumapit sa cabinet na katabi nya at binukasan ang itaas na lalagyan nito. Mula duon ang hinugot nya ang isang maliit na metal na bagay, isang lighter. Lumapit ito sa litratong kanina ay itinapon, lumuhod upang pulutin ito.  Bumalik ang babae sa dati nyang pwesto, sumalampak sa sahig at muling tinitigan ang litrato. Walang emosyon nya lang itong pinagmasdan. Kita sa mga mata nito na nawala na ang pagtangi nito sa hawak na bagay. Matapos ang ilang minuto ay itinapat ng babae ang litrato sa lighter at sinindihan ito. Hawak- hawak padin ng babae ang litrato habang pinagmamasdan kung pano ito kainin ng apoy. Nang nasa kalahati na ang parteng nasusunog, binitawan ito ng babae. Ang litrato ay kuha ng isang lalaki, nakangiti ito at kahit sa litrato ay ramdam mo ang kasiyahan nito. Pinagmasdan lang ng babae kung panu tupukin ng apoy ang litratong kanina ay sinasamba nya, blanko parin ang mukha, walang kahit na anong bahid ng emosyon. Lumingon ito sa kanyang gilid at nakita ang gunting na kanina ay kanyang ginamit. Ibinuka nya ito at pinagmasdan ang talim sa magkabilang parte nito. Matapos ay isinara nya ito, at agaran na itinusok ng may buong lakas sa kanyang pulso. Kumalat ang dugo, nakulayan ng pulang likido ang puting sahig. Muling tinanggal ng babae ang gunting mula sa pagkakabaon nito sa kanyang pulso, at marahas na itinusok muli sa kanyang sugatan na laman. Maririnig ang tunog na nililikha ng ginagawa nyang un, kasabay ng bawat hiyaw na ibinubuga niya. Inulit-ulit nya itong ng makailang beses. Sa bawat pagbagsak ng matalim na bagay sa kanyang laman ay maaaninag ang magkahalong galit at sakit sa kanyang mukha. Muli nanamang naglabasan ang mga luha sa kanyang mata, ngunit sa pagkakataong ito maaaninag na iba na ang dahilan ng pagluha nya. Mga luha na ito ng pagkatalo. Dala ng panghihina ay lumapat ang likod ng babae sa pader, nakatulala sa kawalan. Nakatuhog padin ang gunting sa kanyang pulso habang ang kanyang dugo ay gumagawa ng kanilang daanan patungo sa litratong nasusunog, pinapatay ang bawat ningas nito. Kasabay ng pagkamatay ng apoy ay binawian ng buhay ang babae.

Nakatingin lang ang lalaking nakaitim na tuxedo sa salamin kung saan makikita ang imahe ng nakadilat na walang buhay na babae, habang hawak-hawak ang mahaba at malaking maso, katabi ang mga durog na parte ng kristal na binasag, sa loob na kanyang madilim na kwarto na pinaiilawan ng mga nakalutang sa ere na hugis pusong kristal at binabalot ng tunog na nililikha ng paggalaw ng mga kamay ng kanyang gintong orasan. Nakatayo lang ang lalaki, habang nakatingin sa salamin, nakangiti ng nakakaloko na animo'y nanunuod ng isang magandang palabas.

The Heartstealer (CENSORED).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon