What happened to us?

16 0 0
                                    

A/N: Pakinggan niyo yung song sa multimedia habang binabasa 'to para mas dama -

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A/N: Pakinggan niyo yung song sa multimedia habang binabasa 'to para mas dama -.-

*****

"This relationship won't work." Unti-unting tumulo ang mga luha mong kanina pa nagpupumilit kumawala sa mga magaganda mong mata.

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Dave?" Aaminin ko, nagulat ako sa mga narinig ko mula sayo. Hindi ko alam na ikaw ang unang susuko.

"Naririnig ko at una palang ay malinaw na 'to sa akin. Hindi tama ang relasyon natin. Sasaktan lang natin ang isa't-isa." Nakakapanibagong mabilis na naglaho ang mga luha sa 'yong mga mata, pero nanatili doon ang lungkot.

"Why are you doing this to me, Dave?" Ako naman ngayon ang pinagbagsakan ng mga traydor kong luha. Ang hirap pigilan.

"Because this is the right thing to do." Akma kang lalakad paalis pero pinigilan kita, hinawakan ko ng mahigpit ang braso mo at iniharap ka sa akin.

"Sabihin mo sa akin, mahal mo paba ako?" Tahasan kong tanong, diretsong nakatitig sa iyong mga matang puno ng lungkot

"Mahal kita. Ikaw lang ang mahal at mamahalin ko." Napayuko ka at tahimik na namang lumuha.

"Then why are you doing this to me? Why are you hurting me instead of making me happy?" Walang tigil ang luha ko gayun nadin ang sayo kaya lalo pa akong nasasaktan.

Bago kapa man makapagsalita, lumapit ang doctor mo. "We shouldn't be talking here, Mr. Ocampo..." Bago magpatuloy, tinapunan ako ng tingin ng doctor mo "...Would you excuse us for a moment?" Nakakainis ang mga tingin ng doctor mo sa akin, pero ipinagsawalang bahala ko iyon.

"Dito mo sabihin ang sasabihin mo. Gusto kong marinig niya lahat." Hindi mo inaalis ang mga mata mo sa akin habang sinasabi mo ang mga salitang yan. At sa hindi malamang dahilan, nag-tiim ang bagang mo't lalong rumagasa ang lungkot sa mga mata mo.

Your doctor let out a heavy sigh and took his eyes away from mine and put it into yours with such an emotion plastered in it.

"You need a kidney transplant as soon as possible, Mr. Ocampo. Pero malaki ang problema natin. Wala kaming mahanap na kidney and blood donor mo, Mr. Ocampo. I'm sorry." May bahid ng lungkot ang tinig ng iyong doctor.

"What do you mean by that, Doc?" Gumagaralgal na ang boses ko, maski ang mga luha kong ayaw magpaawat sa pakikipag-unahang tumulo sa pisngi ko ay lalo pang nadagdagan.

"We can't operate him..." Tumingin ang iyong doctor sa mga mata mo bago nagpatuloy "...We can't conduct your operation, Mr. Ocampo. I'm sorry." Tinapik ng doctor mo ang iyong kanang balikat at nakayukong umalis sa harapan natin.

I bitterly laugh. So this is your reason, Dave?

"You can go. Goodbye" Basta mo nalang akong tinalikuran. At dahil mas makulit ako sa ating dalawa, hinabol kita at niyakap mula sa likuran. Ipinatong ko ang aking noo sa balikat mo at doon umiyak ng umiyak. Pareho tayong umiiyak, naka-hospital dress, at lagok sa lungkot. Pinagtitinginan na tayo pero wala akong pakialam. All I can see right now is you Dave.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What happened to us? | OneshotWhere stories live. Discover now