Ang pag-ibig

17 0 0
                                    

It's my first time na magsulat ng magkakarhymed, so don't expect too much hehe. Pero I tried so here...

xxx

Ang pag-ibig ay hindi yan basta-basta
Lalo na kung tatanga-tanga ka
Kailangan pag nagmahal ka, eh handa ka
Kasi kapag nagpadalos-dalos ka
Ikaw din ang kawawa

Kaya naman ako
Dinahan-dahan ko
Kaya heto, ang saya ko
Walang pait
At walang sakit

Lalo na nung nakilala ko siya
Oo siya, siya nga
Siya na mahal ko
At mahal din "ata" ako

Ang saya na sana eh
Kaso...
Biglang nanlamig
Kaya ako naman ay nanginig
Walang paramdam at parinig
Kaya mundo'y nayanig.

Hindi alam kung san nagkamali
Na naging dahilan ng paghanap ng kahalili
Kaya naman puso'y napapatanong
Kung bakit dito humantong

Bakit nga ba mahal?
Dahil ba hindi na ko kamahal-mahal?
Dahil ba ayaw mo na saakin?
O dahil hindi ka na talaga akin?

Iniwan moko ng walang pasabi
Kaya heto ako at walang tigil ang paghikbi
Di alam kung kakayanin pa ba
O kung susuko na

Ang dating matamis na pagsasama
Napalitan ng mapapait na alaala
Kasama ng puso kong iyong kinuha
Mahal, bumalik ka na

Ilang buwan na ang nagdaan
Ika'y hinahanap hanap parin
Ng pusong kailanman
Hindi ka nakalimutan

Sa paglipas ng panahon
Aking natutunan
Na hindi lahat ng nang-iwan
Ika'y babalikan

Ngunit dumating nanaman sa punto na...

Muli kang nagparamdam
Kaya puso'y nawindang nanaman
Di na sana aasa pa
Pero puso'y nagpupumilit pa

"May pag-asa pa siguro kami."
"Maibabalik pa siguro naming muli."
"Makakapagsimula kami ng panibago."
"Na sa pagkakataong ito, hindi na muling mabibigo."

Ako na ang tanga
Ako na ang gaga
Ako na ang marupok
Ako na ang kulang sa pukpok

Pero pasensya na
Ako'y nagmamahal lang naman
Handang magtanga-tangahan
Sa ngalan ng pag-ibig

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MensaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon