Kabanata 3

70 5 0
                                    

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa sa sala. Hinihintay kong lumabas ang private doctor nila Tita Matilda na abala sa pagtingin kay Gabby.

I thought I was alone. Pero kasama ko naman pala sa mansion si Tita at si Marianna. And I know na hindi sila sa taas nag-stay.

Kasi the moment na humingi ako ng tulong dahil kay Gabby, they burst out from the kitchen. I think may hidden room sila dito na hindi basta bastang nakikita. And what were they doing there? Hiding? From what? Why?

And now nasa taas na sila at nasa kwarto ni Gabby, I stayed downstairs and waiting for the news about his condition.

"Bakit gising ka pa?" Napalingon ako sa likuran ko sa may pintuan ng biglang narinig ko si Tito Jereth, with someone who has a very familiar eyes.

Matagal akong napatitig sa kasama niya. Papa. That's the first thing na pumasok sa isip ko ng makita ko ang kasama niya.

"A-ah I'm waiting for Marianna and Tita Matilda" sabi ko habang nakatitig padin sa mga matang yun. "They're upstairs, checking on Gabby. He's been hurt" dugtong ko at this time kay Tito Jereth na nakatingin.

"Hurt? What happened to Gabrielle?" Tarantang tanong ni Tito at nagmartsa na paakyat ng spiral staircase nila ng hindi manlang inantay ang sagot ko.

"Hi" nakangiting bati ng lalaki na kasama ni Tito "I'm Marco" sabi niya at naglahad ng kamay.

I was just staring at his eyes. Parehas sila ni papa ng mata. And there's a small percentage of their resemblance. Were they blood related? I mean, my father has a very unique eyes. And you'll find it very sexy. Not all people ay may possibility na magaya yun unless you're related to each other.

"Baka matunaw ako niyan" biro niya sabay ngiti kung kaya lumitaw ang dimple niyang pagka-lalim lalim naman talaga.

"A-ah. Sittieah Reese"sabi ko sabay tanggap ng kamay niya.

"It's quarter to 2 already, why are you still up?" Tanong niya sabay umupo sa tabi ng inuupuan ko.

"I just arrived here yesterday and I'm not really used to live in different house you know. Can't sleep" I said as I shrugged my shoulder "And I've been hearing some screams down there, it's creeping me out hearing those mournings and sirens. Do you know what's in there?" Tanong ko at umayos ng upo.

"Actually I've been hearing those also" sabi niya sabay tingin sakin.

Sinuklian ko lang siya ng tango

"S-so why are you also still up?" Tanong ko ng medyo naging tahimik na ang paligid.

"To check what's happening down there. But I guess I just wasted a minute of my life since there's no way to go there. Masyado ng madilim at nakakatakot ng bumaba ng bundok. Actually sinundan lang ako ni Uncle Jereth at pinigilan na wag daw tumuloy at baka mapahamak lang ako. Alam mo na? Monsters might attack" sabi niya sabay halakhak

"Oh, monsters? So naniniwala ka sa kanila? Meron ba nun?" Tanong ko.

He just shrugged his shoulder as an answer.

Nang tumagal na ang katahimikan ay naisipan ko nalang na magpaalam na sa kanya para umakyat, baka bukas ko nalang aalamin kung napano na ba si Gabby.

"I think I need to rest. So good mornight?" Sabi ko at ngumiti.

"Yeah, good mornight and sleep tight. Nice meeting you Sittie" sabi niya

Tahimik na hapag-kainan ang sumalubong saakin. Walang kumikibo ni isa. Maski si tita Matilda na madalas kung daldalin ako kapag nasa hapag.

"U-uh, t-tita— how's G-gabby?" Out of nowhere ay natanong ko para naman mabasag yung awkward atmosphere. Kaso parang mali naman ata pambungad ko, napayuko nalang ako ng bigla kong maramdaman ang pagbaling ng tingin sakin ni Gabby.

Wth is your probz Tieah!

"He's fine, galos lang ang natamo niya hija" nakangiting sagot sakin ni Marianna.

Bakit siya nakangiti ngayon? At bakit kasabay namin siya sa hapag? Usually hindi siya sumasabay samin. Kahit naman ilang araw palang akong kasama ang pamilya Avantre ay pansin ko na agad yun.

"G-galos? Yung tiyan niya Marianna, I saw it last night, alam kong may iniinda siya dun. Hindi siya mawawalan ng malay ng ganun ganun lang kung galos lang yun diba Gabby?" I immediately bit my lips sa nasabi ko. Gosh,and now I'm over reacting. And now Gabby is staring at intently.

"Madaldal ka naman pala Sittie" nakangiting sabi ni Marco.

The hell, kahit ako nagtataka kung bakit bigla nalang kung ano anong lumalabas sa bibig ko.

Pagtapos ng sobrang tahimik na salo salo ay naisipan kong lumabas muna sa mansion.

Naka-leather jacket ako ngayon kasi sobrang lamig, kakatigil lang din ng ambon at katatapos lang ng ulan kaya basa basa at maputik ang lupa.

Tanaw na tanaw ko dito ang bayan, wala akong maaninag na tao marahil sa nangyari kagabi o di kaya dahil sa kapal ng hamog dito sa tuktok ng bundok.

"Bakit andito ka sa labas?" napalingon ako sa boses na nagmula sa likuran ko.

Nakita ko agad si Gabby na nakasuot ng makapal na sweater at may bandage sa may bandang noo

"A-ah n-nagpapalamig— ay ano kasi ehem. The hell you care?" Napalunok ako agad ng laway.

Wtf, ano yun? Bakit nag stutter ako bigla? Nakakahiya

Napatingala ako sa kanya ng tahimik lang siya, ayun pala nakangisi na siya saakin. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

For heaven's sake naman, why am I acting like this?

"Why are you grinning?" Sabi ko sabay iwas agad ng tingin, umiling lang siya sabay ngiti.

Ngumiti siya. Ngiti. Ngiti?!

This is kinda awkward

"S-so how are you feeling?" Pag-iiba ko ng usapan

"Better than fine" sabi niya sabay lapit sakin, nag kunwari nalang akong busy sa pagtingin sa bayan

Bakit naman kasi anlapit niya diba?

"Y-yung gulo kagabi? Anong meron? I mean, is it always happening? Or first time lang nangyari yun?"sa wakas, nagawa ko nadin ilabas ang bumabagabag pa sakin tungkol kagabi

Pero wala man lang akong nakuhang sagot sa kanya. Nanatili lamang siyang tahimik.

"Ah hihihi, p-pasok na ako ah" sabi ko at agad na siyang tinalikuran

"Curiosity kills the cat. Don't let curiosity put you in danger" sabi niya, pero kunyare nalang hindi ko siya naintindihan at dire-diretso na akong pumasok sa mansion.

Living with the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon