Today is our last day here in El Nido. Nag suot lang ako ng isang black tank top at ripped jeans, plano kasi namin ni Wyatt na mamasyal sa mga tindahan ng souvenirs ngayon.
Dinala ko ang wallet ko at cellphone. Naglagay na rin ako ng sunblock at habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Wyatt na siya raw ang maglalagay nito.
Duh, as if.
Nang matapos, ay nag spray ako ng pabango at walang make up na lumabas ng suite. Naabutan ko si daddy na nagkakape sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo.
"Hey, dad," lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.
"My princess looks so pretty today," puna niya kaya mahina akong natawa.
"Duh, I'm pretty every day!"
"I mean, look at you, you smile so sweet. What a view, huh?" Hindi ko napigilan ang pag-usbong ng ngiti sa aking labi. "What's up for you today, princess?"
I roamed my eyes around the interiors of the suite to think of a good alibi. " Well, I.. uh, had a good sleep last night since this is a really nice place, I think." sinamahan ko pa iyon ng tawa para maniwala si dad, pero nag tunog awkward lang iyon.
Ngumiti lamang siya sa akin at tumango. "I gotta go na, dad, I'll buy some souvenirs for my friends." Paalam ko.
"You should bring some bodyguards, I'll call Guancio—"
"Oh, no, dad! I mean, I'm fine. I'm with Wyatt." Paliwanag ko.
Natahimik naman si daddy at kapagkuwan ay tumango na lang sa akin. "Alright, be back in 5, we'll have dinner together."
Ngumiti ako sa kaniya at kumaway bago lakad takbong lumabas ng suite. Nauna na si Wyatt sa labas ng hotel kaya kailangan kong magmadali. Nang makababa ako sa lobby ay naabutan ko si kuya Sage na may kausap na mga babaeng turista. Nasa apat ang mga iyon at lahat ay may ibubuga. Nang mapansin ako ni kuya ay nanlaki ang mga mata niya kaya pinanliitan ko siya ng mata.
Tumawa ako at kumaway sa kaniya bago dumiretso sa labas.
"Hey, slow down." Sabi ni Wyatt nang makitang tumatakbo ako papalapit sa kaniya. Otomatiko akong kumapit sa braso niya nang makalapit ako.
BINABASA MO ANG
La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomanceCOMPLETED | UNDER REVISION The Eleanors are well known as the richest and the most powerful clan among the people of La Cuevas, Cebu. Azalea Bernice Eleanor was treated like a princess in La Cuevas for being the only girl and the youngest...