Prologue

10 2 0
                                    

Seoul, South Korea

Nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng NSeoul Tower. Parang tanga lang. Nakangiting mag-isa, iiyak mamaya tapos titingin sa isang bagay na hawak ko.

"Baliw! Shoo! Doon ka nga!" tumatawang saad ko. Sa halip na sundin ako, mas lalo pa siyang lumapit at inakbayan ako.

"Joke lang! Ito naman! Alam mo namang kahit maraming MAS sayo, ikaw parin ang PINAKA ko." sabi niya at pinisil ang ilong ko.

Napangiti ako ng mapait. Oo nga pala. Isang ala-ala na lang ang lahat. Isang ala-ala na hindi ko na maaaring balikan pa.

Binuklat kong muli ang hawak kong photo album. Regalo niya ito sa akin noong 3rd year anniversary namin. Dahan-dahan kong pinasadahan ng daliri ko ang bawat litrato, ang mukha niyang nakapaskil doon habang nakangiti.

Naaalala ko pa lahat ng detalye kung paano humantong sa ganito ang lahat. Naaalala ko pa kung gaano ako kawalang-kwenta ng mga panahon na yun. Sariwa pa sa isip ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" nakangusong tanong ko habang nakayakap sa likuran niya. Nagddrive sya ngayon ng motor.

"Hahaha. Chill ka lang, babe. Ako ang bahala. Alam ko ang ginagawa ko."

Tumahimik ako ng ilang saglit. Nasa tunnel na kami palabas ng Highway na ito hanggang sa nakarinig ako ng malakas na busina. Isang nakakabulag na ilaw ang sumalubong sa mga mata ko.

Iniliko niya ang motor na minamaneho niya at bumangga ito sa gilid ng poste. Sabay kaming tumalsik ngunit ang ikinagulat ko ay sinalo niya ako. Bago unti-unting magdilimang paningin ko, nakita kong sumuka siya ng maraming dugo.

Mahirap kalimutan ang nangyari. Lalo na at siya ang unang lalaking minahal ko. Si Ashton Blake Villareal.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Gabi na pala. Madilim na ang kalangitin at kitang-kita ko ang nagliliwanag na mga bituin.

Itinaas ko ang kamay ko at waring hinawakan ang pinaka-maningning na bituin na nakita ko. Iniisip na si Ashton yun.

Tumayo ako at sa huling pagkakataon ay hinawakan ang dalawang padlocks na magkakabit. AB <3 BA.

Ngumiti ako. Hanggang ala-ala na lang ang lahat. Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon, gusto ko siyang makasama. If there's only a chance... By chance...

----------------

Note: Third tragic story ko na ito! ^_^ I hope suportahan niyo rin ito gaya ng ginawa niyong pagsuporta sa ILYBF at HS. Hugs and kisses eberiwan!

Facebook Group: Meekaelah101's Stars

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon