"Bakit ganyan ka anak? Ayus-ayusin mo nga ang pagkilos mo at daig mo pa ang lalaki kung umasta ka! Babae ka kaya dapat ay kumilos ka na tulad ng isang babae, ano tomboy kabtalaga? Paano ka magkaka boypren kung ganyan ka abat alalahanin mot byente uno anyos kana at dapat nang magka-boyfren." Gusto mo bang tumandang dalaga? Naku anak sayang ang lahi nating magaganda at alalahanin mo na nag iisa kalang na anak ko. Mahabang litanya ng nanay ni Bella na si aling Linda habang naglilinis ito sa malaking bahay nang mga Buenavista. Ang isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang bayan. Namamasukan ito roon bilang taga pag linis ng bahay.
Lumaki at nagkaisip siya na doon na ito nagtatrabaho. Maliit pa lang kasi siya ay isinasama na siya roon ng kanyang inay maghapon sila roon. Umuuwi lamang sila kapag tapos na ang kanilang trabaho at maghahapunan ang mag-asawang Buenavista.
Sanay na siya sa madalas na pagsesermon ng kanyang inay. High school pa lamang siya ay issue na sa kanilang mag0ina ang tungkol sa papananamit niya. Kapag nagsimula na itong punahin ang kilos niya ay hinahayaan na lamang niya ito sa pagsasalita. Ipinapasok niya sa isang tainga ang mga sermon nito pagkatapos ay agad din ilalabas sa kabila.
Madalas na magalit ito dahil ni minsan ay hindi niya isinuot ang mga damit niya tulad ng mga bestida at paldang binili nito para sa kanya.
"Ako na ang pinakamaligayang ina sa buong mundo kapag isang araw ay nakita kitang nakapalda o kaya ay nakabestida, napakagandang bata mo naman kaya hindi ko maintindihan kung bakit lumaki kang ganyan kung umasta at manamit ay para bang isang lalaki ngunit hindi naman anak". Malungkot na sabi ng kanyang inay at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa at pagkatapos umiling-iling.
Hindi parin siya umimik. Paulit-ulit na rin niyang sinasabi rito na hindi siya komportable sa klase ng mga damit na gusto nitong isuot niya. Mas sanay siyang nakapantalon at T-shirt with matching sumbrero.
"Ang astig kaya nun the best OOTD hehe" wika niya.
Marami siyang mga sexsing damit dahil madalas siyang bigyan ni Derrick, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Buenavista. Awkward din naman na naka bestida siya sa basketball court na madalas na puntahan niya. Tiyak na katakut-takot na kantiyaw ang inabot niya.
End of chapter one. Ano should i continue or not? Comment na hehe. Thankyouuuu!
YOU ARE READING
Mahal Kita Kahit Tomboy Ka! (On-going)
RomanceTapatin mo nga ako bella! Babae kaba talaga o tomboy?