Alam mo yung feeling na...

355 3 6
                                    


Alam mo yung feeling na, nagtatampo ka pero hindi niya alam?

Hindi niya ramdam. Siguro pwede ding, randam niya nga kaso wala naman siyang pakialam. Hindi ba sobrang sakit? Kasi nagtatampo ka e. Pero hindi mo man lang maiparating sa kanya ang sama ng loob mo, kasi alam mo na hindi niya business iyon. Magmumukha ka lang tanga kapag ipinarating mo sa kaalaman niya.

Alam mo yung feeling na sarap na sarap kang kausap siya?

Yung tipong gusto mo sana wag nang matapos pa ang oras na iyon. At na sana araw-araw ganon na lang kayo. Na sana walang magbago. At natatakot ka kasi baka balang araw magising ka na lang na wala na naman. Wala na naman iyong connection na meron kayo kamakailan, na parang bula na biglang naglaho. Parang isang panaginip na kailanman hindi magkakatotoo o hindi na maibabalik. Nakakatakot talagang maging masaya minsan e. Kasi nakakatakot din ang kalungkutan na maaaring ibalik sayo.

Alam mo yung feeling na kinikilig ka kasi pinupuri ka niya na maganda ka, na mabait ka, na ganito ka tapos binigyan kapa ng endearment?

Feeing mo naman agad ang haba haba na ng buhok mo e ano? Parang ang sarap nading gupitan baka sakaling magising sa katotohanan. Kasi nakakakaba din e lalo na kapag malaman mong hindi lang ikaw sinasabihan niya ng ganyan, na hindi lang siya sayo sweet, na hindi lang ikaw ang may katawagan sa kanya. Hindi lang ikaw kasi. Iyong lang ang masakit kasi umasa ka naman. Pinalobo mo naman ang hope sa puso mo. Ayun tuloy pumaimbulusok na naman nang nalaman mong hindi ka nag-iisa sa buhay niya. Madami kayo. Madami kayong kaibigan niya na "special." At baka isang araw hindi na kayo maging special sa kanya dahil makikilala niya na ang taong buong puso niyang papahalagahan. At hindi ikaw iyon.

Alam mo yung feeling na parang may  nagkakaroon ng fireworks kapag mag good night na kayo sa isa't isa?

Para kasing katabi mo lang din siya sa higaan. Parang kasama mo lang siya pati sa panaginip. Parang may something na nothing lang naman pala. Nilalagyan mo kasi agad ng special meaning eh. Kahit na simpleng "Good night. Sleep well. Sweet dreams." lang naman kasi iyon. Walang special doon dapat e diba? Kasi sinasabi mo din iyon sa iba mong tropa or friends. Kaso kasi gusto mo siya e. Hindi mo mapipigilang kiligin. Hindi mo mapipigilang mangiti sa tuwing sinasabi niya iyong sayo. Kasi gusto mo sya. Kasi siya lang naman ang laman ng puso't isipan mo. Siya ang taong pinapangarap mo.

Alam mo yung feeling na nagpapadinig ka na sa mga status mo?

Iyong napapa "I love you. I miss you. You make me complete." at iba pang kaek-ekan na iyong nalalaman. Tapos nililike niya. Kikiligin ka kasi akala mo naman somehow naipahiwatig mo ang nararamdaman mo sa kanya kahit indirectly. Umaasa ka naman na sana gustuhin niya din ang feelings na meron ka para sa kanya. Tapos bigla mong makikita sa mutual friends niyo na nililike niya din ang status nila. Ayan na naman kasi tayo e. Nasisiyahan sa simpleng bagay lamang. Ang babaw ng kaligayahan basta ang taong nagugustuhan na ang pinag-uusapan. Pero wala ka namang magagawa diba? Kasi kahit sa simpleng bagay lang na ganoon, sobra sobrang kabog na ang pinaggagawa ng puso mo. Kasi gusto mo iyong kasiyahan na dulot niya sa iyo. Siya nga ba ang may dulot o mga imahinasyon mo?

Alam mo yung parang adrenaline rush e once makita mong online siya?

Lalo na pag nakita mong naseen niya na ang message mo sa kanya at nagsisimula nadin siyang magtype ng reply niya para sa iyo? Parang nakalunok ka naman ng bolate sa kaka in and out mo sa messenger kasi ang tagal naman ng tinatype niya. Tapos makikita mo bigla sa status niya siguro na may iba din pala siyang kachat. Bakit ganon no? Bakit hindi pwedeng ikaw lang? Tapos magtatampo ka naman ng palihim. Kaso pagkareceive mo ng reply niya, ngingiti ka na naman. Asan na iyong tampo mo? Wala na. Nawala na parang bula sa ere e. Yan tayo e. Walang kadala dala. Sabi kasi nila, push mo lang hanggang sa ikaw mismo suko na maging tanga.

Alam mo ba ang feeling na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon