UNSPOKE WORDS

12 0 0
                                    

Para sa isang taong minahal at sinaktan ko,  hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat ngayon di ko alam kung bakit naiisip kita ngayon di ko alam kung bakit ganito ang takbo ng isipan ko at pati puso ko,  kumakabog sa tuwing pangalan mo ang nilalaman nito.  Bakit nga ba?  Di ko alam , di ko alam kung natotopak nanaman ba ako o ano ba, marahil siguroy ikaw parin ang laman ng puso’t isipan ko.

Ilang taon na bang nakalipas ng ika'y iwan ko?  Isang taon? Dalawang taon? Sa pagkakaalam ko   Apat na taon, Apat na taon  ng ikay iwan ko sa walang kwentang dahilan. Tandang tanda ko pa ang mga detalye na yun, na  para bang ayaw  ng  umalis sa isipan ko. Di ko alam kung  ano pumasok sa isipan ko at sinabi ko sayo ang mga katagag ni minsan ayaw mong marinig mula sa bibig ko. Mga desisyong na sana di ko nalang ginawa, bakit nga ba?  Marahil siguro sa kawalan natin ng komunikasyon sa isat isa, sa bagay ang bata pa natin nun  di pa uso ang cellphone sa ating dalawa,  nag uusap lang tayo pag sabado dahil nga isa ka sa mga leader namin sa CAT, nag uusap lang tayo pag may kaganapan sa skwelahan, at sa mga sulat na pinapadala natin tuwing sasapit ang ating “Monthsary”. Dapat ba na kontento nalang muna ako? At di ako agad bumitaw?.

Sinuyo mo ako ng ilang ulit para bumalik tayo sa ating relasyon, pero ito ako nagmamatigas dahil nga naniniwalang “Pag EX, EX na ” nanatiling magkaibigan,  kaibigan na may pag tingin pa sa isat isa yung bang status natin na “Parang mag Syota pero hindi”.

Pero lumipas ang madaming buwan at wala na akung balita sayo, may bagong Nobyo na ako at naging masaya naman, alam mo ba yung pakiramdam na sa bawat naging nobyo ko lagi ko silang kinokumpara sayo. Natatawa ako sa sarili ko di ko lubos maisip na ganito na pala ako ka baliw sayo. Lanyang pusong ito ikaw parin ang hinahanap. Di rin kami nag tagal ng mga karelasyon ko na-uuwi parin sa hiwalayan wala e ganun talaga. 

Dumating yung araw na kinakatakutan ko nabalitaan kung may nobya kana, masaya ako at nag kita tayo dahil nga gusto mong makilala ko sya,  At ako naman pumayag para lang makita ka pero sobrang mabait ang tadhana at tayo lang ang nagkita dahil may klase pa ang nobya mo,  oo maganda sya at di ko yun maitatanggi, kung titigan kita masabi kung napaka saya muna, masaya kana sa piling nya. Yung mga ngiti mong kasing ganda ng araw na saakin mo lang dati binibigay, ang kislap ng iyong mga mata na parang mga  bituin na saakin mo lang dati nilalaan, mga kamay mong kasing higpit ng kadena nasa akin mo lang dati pinapahawak, at sa Pagmamahal mo na wala ng bukas na sakin lang dati nakalaan.

Totoo nga talaga yung mga kasabihan na “Pag hawak na ng iba dun mo pa Papahalagahan”, Paano nga ba kita mahahabol kung alam kung wala na akung hahabulin,  Paano ba kita maibabalik kung ayaw mo ng bumalik, Paano mo ba ako mamahalin ulit kung ako naman talaga ang sumayang nito, Paano ka ba mapapa saakin ulit kung alam kung may “Siya” na sa puso mo.

Isang taon at Walong araw na tumagal ating relasyon at hanggang ngayon iniisip ko kung ano nga ba ang mangyayari kung di kita binitawan. Maging tayo parin ba hanggang ngayon? O hahantong parin tayo sa ganitong sitwasyon ?.  Hanggang dito na lang ba tayo? Hanggang ala-ala nalang ba ako na di na pwedeng sumpayan ng magandang alala na kasama ka?  Hanggang pagsisi nalang ba ako dahil pinakawalan kita?  Hanggang dito nalang ba ang aking imahinasyon?  Mga pangarap na sana may Ako at Ikaw parin sa dulo ng mundo.

UNSPOKEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon