Naka tulog na ako kagabi matapos ang eksena namin ni Gehenna. Medyo mahaba haba din ang tulog ko kaya ang aga ko nagising.
Naka uniporme na ako ngayon. Tingin ko ay mukha akong goodboy. Nasanay akong hindi naguuniform. Puta, kaylangan ko na masanay ngayon.
"Hi"
"Ay puta! Ano ba?! Kabute ka talaga eno?" Inis na reklamo ko dito kay Bliss.
"Tao ako duh. Eh kasi naman! Wala kang friends kaya naisip kong samahan ka na lang" ngiting sabi nito.
"Eh bakit ikaw? May friends ka ba?" Malamig na tanong ko rito. Alam ko namang meron gusto ko lang siya inisin.
Natigil ito sa tanong ko.
"E-Eh. Ah." Malungkot itong ngumiti sa akin.
Teka? "Wala?!" Gulat na tanong ko rito.
Tumango ito.
"Pano?! Mukhang matagal ka naman nang nagaaral dito ah?" Nagtatakang tanong ko.
Nagkibit balikat ito. "Hindi ko din alam" tanging sagot nito.
Nabibingi ako sa katahimikan namin. Walang nagbabadyang magsalita.
"Uhm. Sorry." Paumanhin ko dito. Maybe I hit below the belt.
Ngumiti ito sa akin. "Ayos lang. Sige. Mauna na ako sa klase ko." Paalam nito at umalis.
Pumunta na rin ako sa aking klase at baka malate pa ako. Hindi ako nahirapang hanapin ang Section 1 na sinasabi ni Mrs Hendrew dahil malaki ang pagkakasulat nito.
Pagkarating ko doon ay agad akong naghanap ng bakanteng upuan. Naupo ako sa bandang likod .
Maingay ang klase na hindi ko naman inaakala. May nagbabatuhan, may nag lalagay nang kolorete sa mukha, may nag aaway, may kinikilig, at kung ano ano pa.
Bahagya akong tumingin sa bintanang nasa gilid ko. Dito ko na lang ibabaling ang atensyon ko habang wala pa ang aming guro.
Maya maya pa ay napansin kong tumahimik ang klase. Inaakala kong meron na ang guro namin kaya agad akong napatingin sa pinto.
Ngunit imbis na guro ang aking nakita, ay si Gehenna ang nakatayo rito.
Lahat ay tahimik. Ni hininga ay wala kang maririnig. Nakayuko lang ang ilan habang ang iba ay kung san san lang nakatingin. Walang sumubok tignan ang babaeng nasa pinto na ngayon ay naglalakad papunta sa upuan niya.
Nakatitig lang ako dito. Napakaganda talaga nito. Napansin niya ata ang pagtitig ko sa kanya at nabaling ang mga paningin nito sa akin. Ngumiti ito kaya naman sinuklian ko din siya agad ng ngiti.
Umupo ito sa upuan niyang nasa column 2 bandang gitna. Kahit nakatalikod siya ay maganda pa ring pagmasdan. Column 3 bandang likod kasi ako kaya likod na lang nito ang nakikita ko.
"Gehenna?" Di ko namalayang may tumabi na pala sa akin.
Hindi ko nagets ang tanong nito kaya kumunot ang noo ko.
"I mean, you like gehenna dude?" tanong nito.
Hindi ako kumakausap ng di ko kilala ngunit gusto kong malaman kung ano man ang sasabihin nito.
"She's pretty" tipid kong sagot na wala man lang konektado sa tanong nito.
"Oh man! Yeah, but she's scary" natatawang sagot nito.
Kumunot muli ang mga noo ko.
"She has this Angelic face. How come she's scary?"
Sumeryoso ang mukha nito. "Looks can be deceiving, dude" Seryosong sabi nito.
YOU ARE READING
The Devil In This Inferno
Teen FictionThis is a story about a girl that is out of control of herself. She can't desist her evilness inside her. She has nothing to do with it. She can't defend those demons inside her. She always wanted to be good but woeful, she can't do anything.