SITSIT

100 7 15
                                    

KISHA

After a long tiring day, I finally get to rest. Agad akong tumalon pahiga at sumiksik sa aking blue duvet. Bigla namang tumunog ang tiyan ko. Gosh hindi pa pala ako nakakain siguro dahil sa pagod kaya hindi ko na namalayan.

Tamad akong tumayo at tinahak ang daan papuntang kusina. Kinuha ang tirang pagkain kahapon at minicrowave at nagsalin na rin ng hot chocolate milk.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan and then sinuot ang aking favorite Pikachu pyjamas!

Kinuha ko ang phone ko at nag log-in muna sa SNS. Pagkatapos kong ma replyan lahat ng messages ng mga kaibigan ko kinuha ko na si Mochi yung malaking teddy bear na ibinigay ng kapatid ko. Biglang namatay ang ilaw. Siguro inaayos naman yung poste sa labas. Niyakap ko na lang si Mochi at natulog.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin tinatablan ng antok si Kisha kahit noong pag-uwi na ay gusto na niyang humilata sa sahig. Nagpagulong-gulong at kahit anong puwesto ay parang hindi siya komportable at gising na gising pa rin ang diwa niya.

pssst... psssttt...

Napamulat si Kisha ng may sumitsit sa kanya pero agad ring ipinagsawalangbahala ito.

...psssst pssst...

Napabangon siya at pinakinggan kung saan nanggagaling yung sumisitsit pero wala naman siyang nakita.

'Guni-guni ko lang yun' sabi ni Kisha sa kanyang isipan.

Tumaas ang balahibo sa katawan ni Kisha dahil sa malamig na simoy ng hangin. Napatingin siya sa bintana.

"Kaya naman pala nakalimutan ko palang isara."

Agad siyang tumungo sa bintana at isinara ito.

"Ahhhhhh!"

Hindi napigilang mapahiyaw ni Kisha dahil may nakita siyang anino sa kanyang likod habang isinasara ang bintana. Agad siyang humarap sa pinangagalingan ng anino pero wala siyang nakita kundi ang kanyang magulong higaan. Pagkatapos niyang  naisara ang bintana ay bumalik na siya sa higaan.

Pinulot niya ang ang kanyang teddy bear na si Mochi. Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone.

Nabigla siya dahil galing ang text message na ito sa unknown number at may naka attach na photo. Larawan ito ng pintuan sa kanyang kwarto.

Ding

Isa na namang larawan. Larawan ng kanyang sarili habang hawak ang kanyang cellphone.

"K..ki..sha.."

Hindi makagalaw si Kisha dahil sa takot. Nararamdaman niya ang isang presensiya sa kanyang likuran kaya di siya lumingon dito.

Hindi parin siya gumagalaw makalipas ng ilang minuto baka kasi may makita niya ang mukha ng tumatawag sa kanya.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya at agad napahiga sa kanyang higaan at nagtago sa ilalim kanyang duvet.

Binuhay niya ang kanyang cellphone at agad nagtipa ng mensahe para sa kanyang kaibigan na si Kriziah.

To: Kriziah♡

Krizhhh! Alam kong tulog kana pero ang creepy la

"AHHHHHHHH!"

Napahiyaw ng napakalakas si Kisha dahil may babae siyang katabi at nakaharap sa kanya at may nakakatakot na ngisi sa labi. Agad siyang napaatras at dahil sa kakaatras niya ay nahulog siya kanyang higaan. Walang paatubiling tumayo siya kaagad. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuoan ng silid. Napadako siya ng tingin sa kanyang higaan pero wala ang babaeng nakita niya kanina.

Hindi niya mapigilang manginig dahil sa takot at kaba. Ang bilis rin ng kanyang paghinga. Pilit niyang kinakalma ang sarili pero pinangungunahan parin siya ng takot. Takot dahil hindi niya alam kung bakit may nagpapakita sa kanya. Multo ba iyon o demonyo? Takot dahil baka saktan siya nito. Hindi niya alam ang gagawin niya.

Napatingin siya sa hawak niyang cellphone at nagtaka kung bakit nag alarm eto ng alas tres eh alas otso ang daily alarm niya. Nanlaki ang mata niya ng napagtantong alas tres ng madaling araw ang oras ngayon ibig sabihin...

*tap tap tap*

May tumutulong tubig sa screen ng cellphone niya.

*tap tap tap*

Parami ng parami ang pumapatak na tubig sa kanyang cellphone kaya agad siyang umatras ng ilang hakbang. Nahawakan niya ang tubig na nasa screen ng kanyang cellphone pero hindi pala ito tubig. Malagkit. Malansa. Dugo!

Napatingin siya sa kanyang itaas at bumungad sa kanya ang mukha ng babaeng nakatabi niya kanina.

"AAAAHHHHHHHH!!!!!!"

Napabangon ang si Kisha at sobrang bilis ng kanyang paghinga na tila kasali sa isang marathon. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kanyang kwarto. Walang babae. Wala ring anino.  Nakahinga ng maluwag si Kisha ng napagtantong panaginip lang pala ang lahat. Akala niya totoo ang lahat ng iyon malaking pasalamat niya iyon ay hindi.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at napatingin sa oras. 3:00 am.

'PSSSST PSSSST'

-END-

SITSITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon