Prologue

6 0 0
                                    

Basang basa na sya ng pawis pero hindi sya tumitigil sa pagtakbo. Hubad at tanging brief lang ang suot. Hindi niya alam kung bakit sya hinahabol ng lalaking hindi naman nya kilala.

Tahimik ang gabi, at kahit ilang ulit na syang sumigaw ng tulong ay wala pading sumasagot.

Isa ba sya sa mga kaaway ni Mayor?

Pilit nyang hinabol ang hininga, Sariwa pa ang mga sugat nya sa kamay at paa na galing sa mahigpit na pagkakatali ng lubid.

Patay na sila! Tang- ina patay na sila! 

Kasabay ng pawis ay ang pag-agos ng luha dala ng matinding takot Hindi niya alam kung bakit sila napunta sa lumang bahay na yun. Ang huli lang nyang natatandaan ay ang magagandang babaeng nagsasayawan sa beer house. Hindi talaga niya matandaan. Sya ang unang nalasing kaya hindi niya alam kung bakit pagkagising nya ay nandun na sya sa isang kwarto kasama ang nakasabit na bangkay ng kanyang mga kainuman.

Pitong bangkay. Hindi sya pwedeng magkamali dahil ang apat dun ay mga katrabaho niya sa munisipyo at ang tatlo ay mga personal body guards ni Mayor. Patay na sila at lahat sila ay nakabigti sa lubid. Mula sa dingding ay narinig din niya ang sigaw ng isa pa nilang kasama. Malakas at nakaka kilabot na sigaw. Dun palang ay naramdaman nya ang piligrong naghihintay sa kanya kaya agad syang naghanap ng daan palabas.

Walang bintana at kahit na anong gamit ang kwarto. At sa ilalim ng mga sariwang Bangkay ay ang nagkalat nilang mga damit. Naalala niya na may iniyabang sa kanilang bagong swiss knife ang isa sa kanyang mga kainuman kaya pagapang niyang hinahanap ang pantalon nito.

Tang-ina ayoko ko pang mamatay.

Desperado syang makalabas at nang makita ang patalim ay agad na kinalagan ang sarili. Dahan dahan niyang hinawakan ang door knob para malaman kung nakalock ito. Buti nalang hindi.

Paglabas niya ng kwarto ay naririnig padin niya ang sigaw ng katrabaho mula sa kabilang kwarto. Hindi na sya nangahas sumilip at agad niyang hinanap ang daan palabas. At nang makitang hindi rin nakalock ang pinto ay dali dali na nyang simulan ang pagtakbo kasabay ng pagtahol ng dalawang malalaking aso.

Tulong! Maawa na kayo tulungan niyo ko!

Halos mabasag na ang lalamunan niya sa pagsigaw pero parang walang nakakarinig.

Tulong! Taga munisipyo po ako! May gusto pong pumatay saken! Tulong! Tulungan niyo ako.

Malalaki, magkakahiwalay at matataas ang bakod ng mga bahay sa lugar na yun. Tahimik at walang masyadong tao. Isang lugar na para lang sa mga matataas uri ng lipunan.

Maawa na po kayo, tulungan niyo po ako!

Hindi parin sya sumusuko. Kelangan niyang makatakas at maipaalam kay Mayor ang lahat. Kelangan niyang mabuhay kaya kahit halos mabalot na ng lamig ang katawan niya ay patuloy padin sya sa pagtakbo, pagsigaw at paghingi ng tulong sa bawat bahay na madadaanan niya.

Nagbunga din ito nang makita niyang nagbukas ng ilaw ang isang bahay. Agad niyang kinalampag ang mataas na gate upang tuluyan syang marinig.

Umatras sya at nagpatuloy sa pagsigaw na para bang wala nang bukas.

Tuloooooooong! Tulungaaaaaaaan niyo p....

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Tinapos ng isang malakas na pwersa sa tagiliran niya ang kanyang pagsigaw. Sa sobrang lakas nito ay tumilapon sya at halos mawalan na ng malay.

Sa pagmukat niya ay nakita niya ang lalaking bumababa sa pulang kotse.

Pinilit nyang gumalaw pero wala na syang maramdaman hanggang sa lumabas ang maraming dugo sa kanyang bibig.

Nanlalabo man ang paningin, madali nyang naaninag ang mukha ng taong nagdala sa kanya sa sitwasyong iyon.

Ikaw?

Pabulong man ngunit gusto niyang  sumigaw nang maaninag kung sino ang may kakagawan ng lahat.

Ngunit bago pa man niya muling mabuksan ang mga labi ay tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.
... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1010Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon