“Hoy! Ang sabi ko, anong sagot sa number two?” sigaw sakin ni JC, classmate ko. “Kanina ka pa tulala ah, anu bang problema?”. “Wala, 175.32 degree Fahrenheit .” Sabi ko, di ko nanaman napansin na nawala nanaman pala ako sa mundo.
“Ano ba kasing iniisip mo? Babae no? Tsk…sabi ko naman kasi sayo kung magagandang babae lang naman na may malalaking hinaharap ang gusto mo makita eh sumama ka lang sakin, mura lang ang hipo dun,.mamayang gabi pupunta ako, sama ka?. Teka ung number 5?” dagdag nya.
“Hoy!! wag mo kong igaya sa kamanyakan mo. Hindi un iniisip ko. Wala akong sagot sa 5, langya ah, nag-aaral ka ba? Puro ka kopya.” Sira ulong to, nangongopya nalang dami pang alam.
“Oo, nag-aaral ako. Sa katunayan nga may inaalam ako ngayon eh, may pinag-aaralan ako.” “Anu?” tanong ko. “Napansin ko lang kasi baket kaya di pantay boobs ng mga babae. Weird nga eh, lahat ng mahipo ko ganun ung itsura. Di ko alam kung dahil ba sa di sila pantay mag-bra o kung anu, haytz,,dami pa talagang misteryo sa mundo na kailangan kong mahanapan ng sagot.” (-__- ) Sira lang talaga to, di maka-usap ng matino. “Ewan ko sayo, eto papel ko oh kumpoya ka nalang.”
“Teka nga maiba ako, narinig mo ba ung balita?” tanong ko.
“Alin? Ung nagpadagdag ng boobs ung girl sa kabilang section?oo narinig ko na , grabe tol ang laki, sana nga---“
“Letse, puro dibdib laman ng utak mo! Sira ulo hindi un. Ung anu, ung” lumapit ako sa tenga nya at ibinulong “ ung nag-suicide? Ung girl daw na weird, ung sa kabilang building?”
“WWHHAAATTT??!!!MAY NAMATAY???!!” lahat ng tao sa corridor napatingin sa sigaw nya.
“Salamat ah!!! Maraming maraming salamat!!!” sarkastikong sabi ko,ungas talaga. Lahat tuloy ng tao ang sama ng tingin saming dalwa.
“Hehehehehe.. peace(^-^)V. pero di nga, may namatay?? Baket daw?”
“Kasasabi ko lang di ba? sabi ko suicide nga di ba?”
“Oh bakit daw?”
“Aba ma? Narinig ko lang dun sa mga nakasabay natin sa canteen. Di mo ba narinig?” Dadag ko.
“Ah. Hindi eh..” Pinagpatuloy lang nya ung pangongopya. Parang walang paki to sa nangyayari sa paligid nya.
“Tsk…pero sayang noh?”
“Sayang? Ang alin??”
“Ung ganun, ung tapusin mo lang ung buhay mo ng ganun..kasi di ba, parang ung iba nga gagawin ang lahat para mabuhay tapos ung iba naman willing magpakamatay...Imba tol.” Dagdag ko.
“Wala eh, kanya-kanyang trip yan..trip nya un, wala na tayong magagawa.” Di padin sya nakatingin sa kin, busy padin sya sa ginagawa nya. Langya talaga, pano at baket ko ba kinaibigan to? Parang ewan kausap eh.
“Tsk.. tara na nga, dalian mo dyan at may klase pa tayo. Patapos na vacant oh..” paalala ko sakanya.
“Okay class, tomorrow may exam tayo tungkol sa pinag-aralan natin ngayon at sa homework nyo. Mag-aral kayo ng mabuti ah, ayaw kong may makitang NANGONGOPYA sa klase ko. Nagkakaintindihan ba tayo? ” nakangiting sabi ng professor namin. Creepy lang kasi parang may halong pananakot ung pagkakasabi nya ng nangongopya. Wew lang.
“Y-yes po..” sagot ng mga classmate ko. Pati pala sila naramdaman un.
“Oy Gold! Punta tayong department store, may bibilhin ako.” Si JC, nakatayo na sa harap ko habang inaayos ung backpack nya na ipinatong sa desk ko.
“Di mo ba narinig? May exam daw tayo bukas, kailangan kong mag-aral. Kailangan mo ding mag-aral kasi YARI DAW UNG MGA NANGONGOPYA.” Kagaya ng prof namin, hinigh-light ko din ung word NANGONGOPYA.
“Tsk..Maya na un, sandali lang naman un eh. May kailangan lang talaga akong bilhin eh. Pls.. samahan mo na ko…plss…….(-/\-)”
“Ayaw.” Nag-aayos nadin ako ng gamit.
“ please …..please na Mr. Gold Carlisle de Vera. Pretty please……please be with you…please…….please…….” nagpa-puppy-eyes na sya. Parang t*nga lang kala nya bagay sa kanya.
“Ayaw ko nga.” Nang maayos ko na ung bag ko ay tumayo na ko para umalis.
“Ahhhh..anu ba bitawan mo binti ko!!anu ba JC, sisipain kita!!” Nakaupo na sya sa sahig at nakakapit binti ko.
“Ayaw!!di kita bibitawan hanggat di ka pumapayag.” Parang bata naman to oh!! Nakakahiya pinagtatawanan na kami ng mga classmate namin.
“Sige ah, sabi mo yan..” sinubukan ko ng maglakad kahit nakakapit padin sya sa binti ko. Grabe lang to ha, ang bigat ng tukmol na to! Ang lakas ng kapit..wala pang 5 step ung nagagawa ko hinihingal na ko.
“Daddy dun oh..dun tayo..dalhin mo ko duuuunnnnnn……..” Paboses batang tumuro si JC sa may pinto,sa malayong parte nung corridor.
“ANU BA!!!ANU BANG GUSTO MO KASI!!” nakakagalit na ah.
“Gusto ko samahan ako ni daddy sa department store…papabili ako ng robot.” Nagboboses bata padin at nagpout pa sya !!! GRRRRRRRR!!! Kapikon talaga. Kung di ko lang kaibigan to kanina ko pa to nasapak. Tsk lang talaga.
“OO NA!! TUMAYO KA NA DYAN AT BAKA MASAPOK PA KITA!!!” sigaw ko sakanya.
“YEHEY!!!!mamamasyal kami ni daddy!!!woooohh!!!” sabi nya pagkatayong-pagkatayo nya.
“Letse tigil-tigilan mo nga ung pagboboses bata mo, nakakarinde eh!!”
“Sorry po..” sabi nya, sabay pose. Ung parang ginagawa nung mga prinsesa sa mga fairy-tale pag kaharap na sila ng mga prinsipe nila at inaayang sumayaw? ung ibebend mo ung binti mo ng naka-cross tapos medyo yuyuko ka tapos ung dalawang braso mo naka-straight sa magkabilang gilid mo tapos naka-open ung kamay mo. Alam ko napapanood ko din sa T.V. yang pose na yan eh, iniispoof nila yan sa T.V. eh..basta un..di ko alma kung san nila nagagaya yan.
“Isa pang pagpapacute mo sasapakin kita.” Tinapat ko sa mukha nya ung kamao ko.
“Hehehehehehe..ikaw naman di ka mabiro.” Hehehehehehe, mukhang natakot syaXD..
“Tara na.” sabi ko..
BINABASA MO ANG
The Heartstealer (CENSORED).
Mystery / ThrillerPAALALA: ITO AY RATED SPG. FOR MATURE PEOPLE ONLY. ITO AY ISANG PSYCHOLOGICAL THRILLER STORY. NAGLALAMAN NG TEMA, LENGWAHE, SEKSWAL, KARAHASAN AT DROGA NA DI ANGKOP SA MGA BATA. PAKIUSAP: BAWAL SA BATA O SA ISIP BATA. SALAMAT. ----------- Ano ang ga...