JOLINA'S POVNang maubos na ang luha ko ay umupo ako sa ibabaw ng kama yakap yakap ang mga legs ko inihilig ko ang ulo ko sa tuhod habang nakatitig sa kawalan.
Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya lumabas ako ng kwarto para uminom.
Natuyuan yata ako kakaiyak!
Pero bago ko pa mabuksan ang pintuan ng fridge ay nag-ring ang phone ko kaya't kinuha ko iyon sa bulsa ng maong pants na suot ko.
Sean.
"Hello? Sean?"
"Hi? Kamusta? I just arrived home. I went to your dormitory today. I kinda' planned of surprising you kaso, ako pala ang na-surprise. Sinundo ka daw ng lolo mo at ilang relatives mo?"
Huminga muna ako ng malalim before ko sinagot ang mga tanong niya.
"Ah, oo eh. Lumipat na ko ng tirahan. Sila lolo kasi e." Sagot ko.
"Ah. Pero bakit? Tagal mo ng nakatira sa dorm na yun ah."
Umupo ako sa lapag at saka isinandal ang likod sa pintuan ng refrigerator.
"Libre kasi sa bago kong tirahan ngayon. In-offer ng.."
Ng lolo ng asawa ko?
"Ng, ng pinsan ko. Umn, magkasama kami ngayon sa h-house." Nauutal pa ko sa pagsasalita.
"Talaga? Umn, I guess mabuti yun at least kamag anak mo ang kasama mo." Masaya pa ito sa narinig.
"Umn pwede bang dumalaw dyan?"
"Ha?! Ah, h'wag! I mean, ano, kasi..." nataranta ko sa tanong niya.
"Umn, mukhang bawal ah."
"Di naman sa ganon. Kaso 'di pa kami masyadong close ng pinsan ko. Ngayon lang kasi kami nagkita at nakakapagusap no'n."
"Gano'n ba?"
"Oo. Kaya m-medyo awkward pa at nakakahiya magdala kaagad ng bisita. Umn, yeah, gano'n." Paliwanag ko.
Sandali kaming nakwentuhan at siyempre bumaha na naman ng luha habang kausap ko siya dahil emotional ako isa pa may pinagdadaanan pa nga ako dahil sa biglaan kong pag-aasawa pagkatapos heto at tatawag ang love of my life ko.
Bwisit! Ang hirap naman neto, o-oh!
"Leng?"
"Yes! Sean I'm here!" Tarantang sagot ko habang nagpapahid ng luha at napasinghot.
"Umiiyak ka ba?" Tanong nito na biglang nag-alala.
Nakahalata na yata!
Kunwari ay tumawa ako para lang iparamdam na okay ako at nang di na ito mag-worry pa.
"Ha-ha! Hindi ah." Depensa ko.
"Ows? Totoo? Kilala kita Leng."
"Hindi nga! Grabe ka, may sipon lang, umiyak agad." Biro ko.
"Sige! Sinabi mo e. But you know, Leng I'm just a call or text away if you need someone to talk to. Sabihin mo lang pupuntahan agad kita kahit nasaan ka pa." Napangiti ako sa sinabi niya.
I know he would, if I do. He's always been my knight.
"Yup of course. Alam ko iyon 'no!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
"Um, sige Sean may gagawin pa kasi ako. Bukas na lang." Paalam ko.
"Ok. Bye! I miss you so much!" Narinig kong sinabi niya
Napapikit ako para pigilan ang muling pagpatak ng luha ko.
"Bye!" Sabi ko.
"Love you so much, Leng!" Marahan niyang sabi na unti unting pumupunit ng puso ko.
"Miss you too! Bye!" Sabi ko sabay pindot ng phone para tuluyan ng matapos ang pagpapaalamanan na iyon na dumudurog ng matindi sa dibdib ko.
Hinayaan kong dumaloy lang muns ang mga luha ko... hanggang sa tuluyang maubos ito at saka ako tumayo at naghilamos ng mukha.
"HEEEY!" Isang malakas na boses ang nagpalundag sa buong kalamnan ko.
"CARL!" Sigaw ko.
"Ha-ha-ha!" Malutong ang mga tawa nito.
"Buwisit ka!" Sabi ko sabay hampas sa kanang braso niya.
"CHEH! Bwisit!" Sigaw ko rito.
Binuksan ko ang ref at saka nagsalin ng tubig sa baso habang panay pa rin ang tapon ko ng matalim na titig kay Carl.
Siya naman nang matapos magtatawa ay sumandal sa gilid ng ref at saka tiningnan ako.
"Nagpaka-tuta ka na naman!" Tukso nito.
"Ano?! Ayusin mo nga yung mga salita mo!"
"Anong masama sa sinabi ko? Nagpakatuta! Nagpakatuta ka, pa'no maga na naman yang mata mo. Ngumawa ka na naman malamang. Aw-aw-awoo!" Ginaya pa nito ang iyak ng isang tuta habang pinapahid kunwari ng kamay ang dalawang gilid ng mata na tila isang batang umiiyak.
"He-he!" I sneered.
"Nakakatawa!" Sarkastikong sabi ko sabay talikod.
Sa paghakbang ko palayo narinig kong muli itong nagsalita.
"Hey! Boyfriend mo yung Sean?" Tanong niya na nagpalingon sa 'kin sa kanya.
"Nakikinig ka habang may kausap ako kanina?" Galit na tanong ko dito.
"Umn, I just," I'm not sure if he's just hesitant to admit it or he really stuttered due to shame 'coz of being caught from his own mouth.
"I accidentally heard you. Lumabas kasi 'ko ng room and I guess I don't need to apologize about that. This is my house anyway."
"E di sayo na. Inaangkin ko ba?"
"Pero hindi tamang makinig sa usapan ng iba. Hindi ka ba naturuan ng manners?" Mariin kong usal.
"Next time magtago ka para walang makarinig sa pakikipagusap mo sa BF mo." Namimilosopo na naman siya.
At mukhang siya pa galit?!
Umirap ako dito sabay talikod at naglakad muli. Narinig kong parang sumunod ito pero di ako lumingon.
"Okay lang sa kin kung may boyfriend ang asawa ko. At least quits na tayo."
Huminto ako at nilingon ito.
"Hindi ko siya boyfriend." Singhal ko sa kanya.
"Nahiya ka pa! Ayos lang naman." Sasagot pa sana ako pero bigla itong nagsalita.
"Let me tell you something. May girlfriend din ako and I love her."
Napayuko ako bigla at saka nilaro ko ang paa sa sahig.
"So much!" Pahabol pa niya.
Aray! Parang may kumirot sa dibdib ko. Kailangan ba talagang idiin yon?
"Kaya nga sabi ko last time, don't expect anything from me. Because I can't give you anything."
Parang nag-init bigla ang mukha ko. Feeling ko napahiya ako.
"Hoy unggoy! If you're referring to me, as the one na mag-aasume about our relationship could flourish into something romantic, well, excuse me! Coz I'm telling you right now. I won't! Ni hindi nga kita kilala! Hello!"
I defensively said."Dyan ka na nga, CHEH!" I was about to leave when he talked again.
"Kaya nga, if you're also in a relationship, just like me." He gestured his hands on his chest.
"Alam mo, it's just fine. At least with that, we might be able to understand each other. Who knows baka magkasundo pa tayo."
"Hindi ko nga siya boyfriend."
"Manliligaw?" Pahabol niya.
Tinaasan ko ito ng kilay at saka inirapang muli bago ako tuluyang pumasok ng kwarto ko.
"Ewan ko sa 'yo!" I said as I was leaving him.
BINABASA MO ANG
One Roof
RomanceThey were young, so naive, full of life and carefree living their own lives until... Their grandpas enter the pictures and bring chaos between them. Squabbling every day and upsetting each other is the name of their game. Surrender is never a part o...