PASALUBONG

20 0 0
                                    


Nasa bahay kami ngayon ni papa at nagluluto para sa birthday ni lola. Sobrang excited lahat ng tao sa bahay pati ibang kamag-anak namin dahil bukod sa 85th birthday ni lola ay iuuwi siya galing ospital. Inoperahan kasi ang katarata niya sa mata noong nakaraang linggo lang.

"Bella, anak, hayaan mon a si papa mo rito ang mag-asikaso sa kusina. Nandito naman sila manang Andeng at Mildred para matulungan ako. Tulungan mo nalang ang kuya mo doon mag-ayos sa sala pati sa labas." Nagningning ang mga mata ko pagkasabi ni papa na magdecorate. "Pa, sigurado ka? Puwede ko naman po kayong tulungan sa iba tulad nalang ng paghuhugas ng mga pinaggamitan ninyo or kung ano pa man..."

Napailing nalang si papa at napangiti. Nilapitan nalang ako ni ate Mildred. "Iha, ayos lang kami rito. Sigurado rin kaming gusting-gusto mo naman na magdecorate kanina pa." Natawa ng kaunti si ate Mildred at napabusangot na lang ako na agad ko rin binawi. Lumabas nalang ako at pinuntahan si kuya. Naabutan ko siyang may isinusulat sa mga colored papers.

"Aba, sipag! Ang sipag sa paglettering. May patutunguhan pa ba iyang ipinaggagawa mo sa buhay, kuya?" Sinenyasan nalang ako ni kuya na manahimik ako. Siyempre, bilang isang Mabuti at magandang kapatid, mas lalo pa akong nanggulo. "Ay, taray mo kuya! Wala na bang mas ikagaganda pa sa mga gawa mo?" kinuha ko ang isa sa mga nagawa niya. Magaling naman si kuya maglettering. Gusto ko lang siyang inisin. Harhar. "Taray oh! Love it."

Napansin ko na dahan-dahan akong tinignan na matalim ni kuya. Dahan-dahan din akong lumingon sa kanyang nakangisi. "hehehe... siyempre kuya joke lang. Ganda nga oh." Tinabihan ko na si kuya, inis na sya eh. Cute mo kuya, mukha kanga so. Pero love ko parin ikaw. (yuck)

"tumahimik ka na nga lang, Bell at tulungan mo ako. Alam ko naman na pinapunta ka ni papa dito para asikasuhin din ito." Kumuha ako ng kapiraso ng papel at sinimulang guhitan ng kahit ano iyon. "yah yah yah. Akon a bahala sa labas kuya."

Hindi rin naman nagtagal ang pagdecorate naming ni kuya pati na rin ang paghahanda nila papa sa kusina. Dumating na rin si mama kasama ang pinsan kong mas matanda pa sa akin ng ilang taon, si Kyle. "Kenneth, samahan mo muna si Kyle doon kina Aling Shoni arkelahin ang videoke nila. Isama mo na rin ang pagkuha ng apat na lamesa at 16 na mga upuan. Heto ang pera." Tumayo ako at nagmano kay mama. Saka naman ang pag-alis nila kuya at ni Kyle.

Pumunta si mama sa kusina para tumulong sa pagaayos. Samantalang ako, narito sa sala gumagawa ng letter para kay lola. Nasa kwarto kasi yung regalo ko kay lola. Dinidisenyuhan ko nalang yung papel nang tabihan ako nila kuya Kenneth at Kyle. "nakarating na pala kayo kuya? Di ko kayo napansin." Siniko ako ng mahina ni Kyle. "gawan mo din kami ng ganyan."

"Alin? Letter o design sa papel?" inirapan ako ni kuya. "kuya, kahit kalian talaga mahal na mahal mo ko." Nginisian nalang ako ni kuya bilang sagot. "hoy, Kenneth tigilan mo nga kapatid mo. Design lang, pwede naman ako magpasulat sa kuya mo eh." Binatukan ni kuya si Kyle. Nainsulto ata. Nahhh.

Naghaharutan pa kami nang may bumusina sa labas ng bahay, pinuntahan ni kuya iyon at naiwan kami ni Kyle dito na nagliligpit. "Kyle, may mga papel naman ako roon sa study table ko, may mga design na ang mga iyon. Kunin mo nalang." Umakyat siya dala ng mga niligpit naming. At ako naman, tinapon ko sa basurahan ang mga papel na napaggupitan.

Pabalik na ako sa sala, nakakarinig na ako ng tawanan. "Sila auntie na ata iyon? Hala OMG hindi pa ako nakakaligo." Patago akong pumanhik sa kwarto. Naabutan ko pang nagsusulat sa study table ko Kyle habangsi kuya nakahiga sa kama namin. "ligo lang ako. Pakiusap, pakihinaan ng aircon. Saying kuryente." Tinignan lang nila ako kaya ako na nagkusa. Ganyan nila ako kamahal. Grabe.

PASALUBONGWhere stories live. Discover now