CHAPTER THREE

1K 26 5
                                    


CHAPTER THREE

NAGMAMADALING bumalik sina Yuri at Saskia sa lobby. Kapwa sila naghahabol ng hininga dahil sa pagmamadali. Agad naman silang binigyan ng fresh pineapple juice ng mga staff at sakto naman pagkaubos nila ng iniinom nang nagsilabasan sa elevator ang mga kalalakihan. Lahat nakasuot ng business attire at may dalawang bagong mukha siyang nakita. Isa marahil doon ay ang kasintahan ni Saskia. Agad siyang lumapit kay Satoaki.

"Oh, mabuti naman at may kasama ka rito habang naghihintay." anito sabay baling sa babaeng kasama niya. Ngiti lang ang isinagot niya.

"Hello Babe!" lumapit ang isang guwapong lalaki kay Saskia at hinalikan ito sa labi, "I think you should congratulate me, Babe. I'm now an official member of Dirt Riders Club!" masayang balita nito sabay yakap sa babae. Nalaman niya mula sa kababata na ito pala si Declan. Isa sa bagong miyembro ng DRC at si Brayden na isang neuro-surgeon. Binati niya ang mga kaibigan ni Satoaki na nakilala niya noong grand opening.

"Excuse me, Sassy. Can I talk to your fiancé for a while?" seryosong wika ni Ryder na nasa kanilang likuran. Pumayag naman si Saskia at nag-usap ang dalawa. Napansin niyang walang imik ang kababata na wari ay nakikiramdam.

Maya-maya pa ay bumaling si Declan sa kasintahan, "Babe, lilibutin lang namin ni Brayden ang buong building pati na rin ang race track dahil bagong member kami. Gusto mo bang sumama?"

"Actually, nilibot na namin ni Saskia kaninang nasa meeting kayo." Sabat niya sa usapan ng mga ito.

"Ah gano'n ba? Mabuti pa sigurong magpahinga ka muna dito, madali lang naman ito." Pinisil ni Declan ang kamay ni Saskia.

"Sige, maghihintay na lang ako dito." Tipid na ngumiti si Saskia.

"All right," humalik si Declan sa noo ng kasintahan bago lumabas kasama si Brayden at ang dalawang lalaking staff.

"They'll be checking the race track. Baka mainip ka dito sa paghihintay, gusto mo bang libutin ang buong building?" tanong ni Ryder kay Saskia. Sa totoo lang ayaw niyang mag-isip ng kung ano pero nararamdaman niya ang tension sa pagitan ng dalawa. Ano kaya ang hindi niya alam?

"Next time na lang siguro," sagot ni Saskia. Kitang-kita niya ang pag-iwas nito ng tingin. Mukhang may something talaga sa dalawa. Muli siyang sumabat sa usapan.

"Sige na girl, hindi ka magsisisi. Mas maganda kesa inaakala mo ang kabubuan ng building na 'to." ani Yuri. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Satoaki. Mukhang nakakahalata din ito sa tension sa pagitan nina Ryder at Saskia.

"Pare, mauuna na siguro kami ni Yuri. May pupuntahan pa kasi kami," biglang giit ni Satoaki.

Tumango si Ryder, "Sige, mag-iingat kayo."

Walang pasabing hinila ni Satoaki ang kanyang braso at iginiya siya palabas ng gusali. Binitawan lang nito ang kamay niya nang nasa parking area na sila. Ang ilan sa mga kaibigan nito ay nagsialisan na.

"Nahalata mo rin 'yon 'di ba? Ano bang meron kina Ryder at Saskia? Alam ba ito ni Declan?" pang-iintriga niya sa kababata. Tiningnan siya nito ng masama kaya bigla siyang natigilan.

"Kung gusto mong lagi kitang isasama dito, puwede ba huwag nating silang pakialaman? Personal na buhay na nila 'yan at labas na tayo do'n." anito sabay bukas ng pinto sa passenger's side, "Sakay na. Pupunta pa tayo ng Tagaytay."

Agad naman siyang tumalima at hindi na nag-usisa pa. Tama naman ito. Hindi dapat nila pakialaman ang buhay ng ibang tao.

"ANO ba ang napag-usapan ninyo sa meeting kanina?" tanong ni Yuri habang nasa biyahe. Mabilis ang pagpapatakbo ni Satoaki ng kotse dahil kaunti lang ang sasakyang dumaraan.

Dirt Riders Club Series 5- SATOAKI MAEDA (The Lapper's Choice)- PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon