First Year College, Second Semester
Nine Years AgoMalayo pa lang ako sa classroom namin ay rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko na sa tingin ko ay naglalaro. Gamit ang hawak na puting panyo ay pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo.
Hinahabol ko pa ang aking hininga dahil sa mabilis na pag akyat sa hagdan dahil akala ko late na ako. It's not my first class for the day but I had to go home during our lunch break. Naiwan ko kasi ang assignment sa bahay.
Nasa pintuan pa lamang ako ng bigla akong mabangga ng isa sa mga blockmates ko. Nakapiring ang mga mata nito at nakalahad ang dalawang braso. Muntik pa akong matumba kung hindi ako nakakapit sa pintuan. They're playing some kind of game.
"Sorry." Hingi nitong paumanhin at tumalikod. Nailing na lamang ako.
Madilim ang classroom na labis kong ipinagtaka.
"Joyce, bat nakapatay ang ilaw?" Tanong ko sa seatmate ko ng makaupo.
She's one of the two close friends I have in the university..and in life. We met during our freshmen orientation last semester. We instantly clicked kahit na magkasalungat kami sa maraming bagay. She's the outdoorsy and easy-to-be-with type. Sa sobrang friendly niya ay marami ang nakakakilala sa kanya.
"Blackout daw. Ang init nga eh." May hawak itong pamaypay sa isang kamay habang abala naman ang isa sa pagtetext sa cellphone. Marahil ay katext na naman ang kung sino. She's never without her phone.
Nasayang lang pala yung pagtakbo ko papunta rito. Tinignan ko ang oras sa aking wrist watch. 3:10 na. Alas tres dapat yung klase namin. I sighed in frustration.
"Dadating pa ba yung prof?" Isang kibit balikat lamang ang nakuha kong sagot. Mainit sa loob ng classroom at maingay dahil sa sigawan ng mga blockmates kong naglalaro.
"Elodie! Sali ka sa amin!" Sigaw ng isa sa kanila. Isang iling at ngiti ang ibinigay ko sa kanya. I don't even remember her name. Basta ang alam ko ay blockmate din namin siya.
I crossed my legs at nangalumbaba habang tinitignan silang aliw na aliw sa paglalaro. Parang hindi mga estudyante sa kolehiyo kung kumilos. Muling nabangga ang taya sa white board na ikinatawa ko. How stupid.
Sa kalagitnaan ng pagtawa ko ay lumiwanag ang silid dahilan upang mas lalong mag ingay ang mga kaklase ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago pumasok ang aming propesor. Isang babae na sa tantya ko ay nasa kanyang late twenties. Maybe she was just waiting for the electricity to turn back on. I know may generator ang university. Pero full blackout kanina. Baka sira.
Balingkinitan ang propesora at morena. Mahaba at nakalugay ang kulay brown na buhok na may kaunting highlights at nakangiti ito habang naglalakad patungo sa mesang nasa harapan. She has dimples on either cheeks making her look adorable and baby faced.
Nakasunod sa kanya ang isang lalaking matangkad. Her assistant maybe? Or probably her boyfriend?
Dalawang pares ng brown na Sperry boat shoes ang una kong nakita sunod ang asul na pantalon na nakatupi ang mga manggas. Isang puting t-shirt na man ang bumabalot sa pangtaas niya.
Di sinasadyang napataas ang dalawa kong kilay sa nakita.
Golden brown skin and bulging biceps. They look strong at halatang babad sa ehersisiyo.