Chapter I - Ako?

1 0 0
                                    

"Anak?"

"Sino ka?"

"Anak, Ang tagal kitang hinahanap."

"Hindi kita kilala, lumayo ka" sabay hawak sa kamay ko at pilit akong kinukuha. Nakita ko sa kamay niya ang katulad na suot ko din na purseras.

"Anak, sumama ka sakin."

" ahhhhhh ..... Bitiwan mo ako sabi eh"

******
"Anak!!!!!! Gisisng! Nananaginip ka!"

Hingal na hingal at pilit na hinahanol ni Kurt ang kanyang hininga.
"Ma, Napaniginipan ko nanaman siya." ani Kurt.

"Sino? Yuong lalaki nanaman?"

"Opo Ma, pilit nanaman niya akong kinukuha. Pero hindi ko naman makita yung mukha niya kung sino siya."

" Kalimutan muna Anak, panaginip lang yan, matulog kanalang ulit at alas dos palang ng madaling araw."

"Opo Ma."

Ako si Kurt Sandoval nag iisang anak nila Mrs. Lea Fe Sandoval at Mr. Leonard Sandoval. Nasa Kolehiyo na ako ngayon at nag-aaral ng engineering. Si mama ay isang Mananahi at meron kaming sariling Patahian, Si papa naman ay isang Barbero o Manggugupit. Pinalaki nila akong magalang at may takot sa kanila pero kung minsan ay may pagka pilyo. Tinuring nila ako bilang tunay na anak kahit ang alam ko na inampon nila ako, inampon ako noong dalawang taon palamang ako kaya hindi ko pa alam ang mga nangyayari at wala pa akong galit sa mga tunay kong magulang noon. Tinuring ko narin na tunay na magulang sila Mama at Papa. Ang buhay namin ay simple lang hindi mayaman at hindi rin naman kapos, kaya bless padin ako dahil nakakakain kami ng sapat.

***
KURT'S POV

Kriiiing ... Kriiiing ... Kriiiing..

Waaaaah ! LATE NA AKO! gulat na sabi ni Kurt habang papunta sa banyo.

Wala pang limang minuto ay natapos na siyang maligo,

"Ma, bakit hindi ninyo po ako ginising?" Habang nag aayos ng sarili.

"Hay nako kanina pa nga kita tinutulak dyan, hindi ka manlang matinag, kukuha na sana ako ng malamig na tubig para ibuhos sayo ee" matawang tawa sabi ng kanyang ina na si Fe .

Kung hindi talaga dahil sa panaginip , panaginip ba yun? Parang bangungot ee, eh malamng ang sarap ng gising ko at maaga ako ngayon.

Meron pa akong sampong minuto para bumyahe sa campus. Buti nalang at hindi kalayuan ang tinitirhan ko doon, isang sakay lang ng jeep tada.

Booogs***

"Aray" sabi ng babaeng makapal ang make-up at mukhang nagmamadali rin.

"Sorry Miss" tugon ko.

"Sa susunod kasi titingin sa da..." hindi na niya naituloy yung sinasabi niya ng natingin siya sa akin.

"Ahmm. Miss okay kalang?" tanong ko na may pag-aalala, mukhang na paralisado na siya at hindi na makagalaw, dadalhin ko na ba siya sa ospital pero may pasok pa ako.

"......."

"Ah. Sige una na ako Miss ah, malalate na ako, Pasensya na ulit" sabay smile sa kanya na may pag good mood kuno.

"Te-te- te-ka...." uutal utal na sabi niya.

Habang ako ay tuloy tuloy sa pag takbo, bahala siya malalate na ako ee. Hahaha basta nakapag sorry na ako sa kanya.

Buti nalang at naka rating na ako ng room, 2 minutes na lang bago dumating si Ms. Enriques. 1 week nalang naman din kasi at BAKASYON na namin kaya bawal malate kasi pahihirapan kami sa pag pirma ng clearance. 2nd year na next year yahooooo.!
Engineering ang kinuha ko sa college yoon kasi ang gusto nila Mama sa akin. Pero nagustuhan ko nadin habang tumatagal.

"Kurt" bati sa akin ni Mark na matalik kong kaibigan, lima kami sa grupo .

Mark Co - Matangkad, Gwapo, Mapute, Habulin ng babae, Matalino pero torpe.

Dave Lee - Matangkad, Moreno, Gwapo, Macho, Habulin ng Chicks, pero masungit.

Jake Gonzaga - Matangkad, Maputi, Gwapo ,Slim ang katawan, Babaero, at Mahina sa Subjects.

Gav Santos - Mabait, Gwapo, Sweet , Matangkad, Matalino, Dream boy ng bayan, mahilig sa music pero KJ

At higit sa lahat .

Kurt Sandoval - sabi nila.
.
.
.

Girl 1: Ang Gwapo mo Kurt.
Girl 2: Six packs ABSSSS!
Boy 1: Tangkad niya, nakaka inggit. Pang PBA.
Girl 3: Mabait pa yan.
Girl 4: Lakas ng Karisma niya. kinikilig ako kapag ngumingiti siya.

Girl 5: Na ngongopya naman yan ee!!!!!!!!! Sinungaling pa.

Loko yun ah.

"Kurt, nangongopya ka pala ee" ani Jake.

"Bakit kayo hindi ba kayo na ngongopya, humihingi nga din kayo ng sagot sakin ee HAHAHA" talaga naman ee dalawa lang naman kasi matalino samin si Dave at si Gav. Hindi talaga sila mawawala sa Top 10

Biglang bungad ni Ms. Enriques sa room, sinabi niya lang sa amin na itong week ay pirmahan na ng clearance. Bawal pa din ang late, at absent dahil may attendance.
Kaya maghapon naming ginugol ang aming sarili sa pag papapirma ng clearance.

"Uy mga pre, nakita ba ninyo kanina sa gate yung sexy, maputi at magandang babae sa labas" sabi ni Jake na halatang interisado sa Babae.

"Oo nga pre, kahapon ko pa yun nakikita sa labas ng gate na parang may hinihintay dito sa campus" ani Mark.

"Loko kayo ako hinihintay nun, yaya namin yon!" sabat ni Dave.

Sabay tawa ng lahat. Tatahimik lang itong si dave pero kumidyante din ee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang kwento ng BarberoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon