JUN 17TH, 7:46AMHiiiiiii! Alam mo, gusto kong magalit sayo sa totoo lang, pero hindi ko naman din kaya, gusto kong magalit sayo pero alam kong wala naman na akong karapatan. Gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa kaya sa sarili ko ako naiinis. Alam mo kung bakit? Simula nung umalis ka, simula nung araw na yun, araw araw chinecheck ko yung account mo na yun kung bumalik kana ba, chinecheck ko parin yun kahit sinabi mo na nun na hindi kana talaga babalik, na bye na ganun, sabi mo hindi kana mageefc. After ilang araw? 3 days ata o wala pa, nagsearch ako ng deneb, nagbabakasakaling baka bumalik ka pero nasa ibang account, dun sa deneb, but i was disappointed kasi nung nakita ko yung acc na yun, parang hindi pa nagagalaw, ni walang DP at ang friend? Si holly lang, kaya nadismaya ko, kasi naisip ko baka yun yung acc na sinasabi mo nun na hindi pa nagagalaw, yung nareport ata. Pero nung nakita ko yung acc na yun, nagbakasali parin akong baka isang araw bumalik ka bigla, pero hindi ko inadd yun nung araw na mahanap ko yung acc na yun, kase bakit? Sabi ko sa sarili ko, kung babalik ka man kahit dun na sa acc na yun, alam ko baka sakaling iaaadd mo naman ako, baka magmemessage ka naman o kahit anong paramdam lang, simula nung makita ko yung acc na yun, araw araw excited akong buksan yung friend requests ko pag may nadadagdag, pero sa dinadami dami nun, kahit isa sa 995 kong friend requests, wala yung pangalan mo dun. And then kagabi, dumating yung araw na inaantay ko, yung pagbabalik mo, chineck ko yung nakita kong deneb na account, and natuwa ako kasi bago ko pa man mapindot, nakita kong may DP na yun, so naisip ko na baka bumalik ka na nga after a week. Pero alam mo? Yung tuwang naramdaman ko pagkakita ko nun kagabi, naglaho lahat, kasi the moment na maclick ko yung pangalan mo, nakita ko. Nakita ko yung kaisa isang picture dun kagabi na ginawa mong DP, 2 hrs ago yun nung nakita ko, tapos nakita ko yung reaction dun, heart. And kanino? Kay holly Pagkatapos nun ako na yung nagadd sayo, and then nagulat ako kasi accepted agad, di ko naman alam kung online ka ba nun o hindi. Wala lang sana sakin yun, kasi napakaliit na bagay lang naman nung reaction na yun sa pictures, kaya lang parang bigla kong naalala lahat ng sinabi mo nung araw bago ka umalis, friday last week. Sabi mo nun, hindi ka na magpapagawa ng acc kay holly, sabi mo nun idedelete account mo nalang, sabi mo pa nun hindi kana talaga babalik, hindi kana mageefc na yun yung gagawin mo, nagbye kana nun . Pero bat ganun? Wala dun sa sinabi mo yung totoo? Yung idedelete acc mo lang yung totoo. Pero deneb, hindi naman ako nadidisappoint ng dahil sa andyan ka ulit e o dahil bumalik ka, sa totoo lang masaya pa sana ko. Kaya lang hindi ko maiwasan yung nararamdaman ko, hindi ko alam kung nagseselos ba ko o mas malalim pa dun. Kasi biglang pumasok sa isip ko na baka nung wala ka, may communication siguro kayo ni lomi mo, kasi araw araw ko naman tinitignan kung bumalik kana ba dun sa acc na yun, pero hindi naman. So paanong nalaman mo yung sa acc? Oo alam ko alam mo na may acc, pero alam ko din na ang akala mo nun nareport na yun, and yung araw na yun umalis kana ilang minuto lang pagtapos nung huli mong message sakin, nung araw ba na yun nasabi nya na agad yung tungkol sa maayos yung acc na deneb? O baka kasi nakakapag usap naman kayo di gaya ko, di gaya natin? Ayaw kong isipin na ganun, kasi ayaw kong isipin na baka kagaya nanaman to nung dati, yung dati na kagaya kay cy, na baka meron ng namamagitan sainyo higit pa sa pagkakaibigan, o baka nagugustuhan mo na kase sya pero di mo masabi kasi baka gaya ng dati, ayaw nyo lang na masaktan ako. Ayaw kong isipin na baka ganun nga, kasi pinanghahawakan ko parin yung sabi mo dati kay heaven na "Sa totoo lang bata natatakot ako na dumating yung araw na may iba ng magpapasaya sakanya, na sa iba na sya sasaya." Umaasa ko dun sa salita mong yun nun kasi baka kahit konti, may chance pa. Pero naisip ko ang tagal naman na din nun, 2 weeks? Or higit. Siguro yung kahit konting chance na inaasahan ko nun, wala na, wala na ngayon kasi may iba na, may iba ka ng gusto. Sabagay, 16 days na rin naman simula nung araw na tapusin mo yung kung anumang meron satin nun, 16 na araw na ang dumaan simula nung sabihin mong ayaw mo na. And hindi na siguro magiging bago sakin kung sakaling gusto mo na nga sya, kasi gaya naman ng dati, mabilis nawala ung nararamdamn mo nun sakin, last january 3? Nung naghiwalay tayo. January 8 nun mahal mo pa ko, pero january 12, sinabi mong nagugustuhan mo na si cy, january 13, naging kayo ata, kasi may babe podi or what dun. Kung sakali mang nagugustuhan mo na talaga si lomi mo, baka pwedeng pakisabi naman sakin? Pleaseeee? Alam kong wala namang sense tong pinagsasasabi ko pero kasi, hindi mawala sa isip ko, nakatulog ako kagabi na namumugto yung mata na ayan yung iniisip ko, pero nagising din ako ngayon na umiiyak, hindi ko alam kung bakit, siguro kasi napanaginipan ko na gusto mo na nga sa holly? Ay ewaaaaan! Ayoko ng mag isip, sinasaktan ko lang sarili ko, Hahahahaha. Ang tagal na pala, kanina pa kong 6:52 nagsimulang itype to pero 7:39 na nagtatype padin ako. Anyway, feeling good morningggg! JUN 17TH, 12:03PM10:43 kanina, nakita kong active 1 min ago ka, almost 3 hrs na yung message ko kasi kanina pa yung 7:49, then ngayon chineck ko ulit, 12:02 na, 25 mins ago ka naman. Siguro nga hindi na talaga gaya ng dati na ako yung dahilan ng pagoonline mo Things have changed.
YOU ARE READING
Diary ng Broken Hearted
Teen FictionHi! Ayun diary ng broken hearted, diary to mismo nung author! Diary ko! Hhahahaha. Basahin nyo kung gaano ako kaemo hhahah ang corny! Para lang to sa mga broken din! Para makarelate! P.S Nangyari lahat to sa totoong buhay ha? Totoong napagdaanan ko...