Chapter 58: For the Last Time

81 21 4
                                    

Nilakasan ni Carys ang loob na yayain na si Zion. Ayaw na niyang patagalin pa at kailangan din naman talaga niyang gawin iyon dahil para sa kanya, ang pangako ay dapat tinutupad. Tutal may number naman siya nito, doon na lang niya ito ipinarating.

======
Hi! I got the pay alr. When are
you free? I have my word kaya
heto na. Promise is a promise,
diba? :) Sabihin mo lang kung
kelan ka okay, okay? :)
======

Mga dalawang oras siyang naghintay sa reply nito. Hindi niya itatagong nainis siya sa tila hindi nito pagpansin subalit nang mabasa ang tugon nito ay mabilis na nag-iba ang ihip ng hangin.


======
I didn't know you're that
serious. Anyway, if you say so.
I'm free today. Sorry for the late
reply btw. I just woke up. hehe
Stay there. I'm gonna pick you
up.
======

======
Whut? No, no. You don't have
to. Just tell me where we shall
meet.
======


Lumipas na ang kalahating oras ay hindi pa rin ito nagre-reply. Nag-panic na siya. Oh no! Pa'no kung wala siyang balak sagutin na 'to? 'Pag nagpumilit pa naman siya... Hala! Buti na lang naligo muna ako kanina sa inip maghintay. Tumayo na siya at naghanap na agad sa aparador ng maisusuot. Ilang saglit muna siyang napako roon. Kakaunti nga lang pala kasi ang maaayos niyang damit. Lumaylay ang kanyang balikat at maya-maya'y, Teka, hindi ka naman makikipag-date para mag-ayos ng todo ah? At sinagot naman iyon ng kabilang bahagi ng kanyang isip, Maka-todo naman? 'Di ba sabi mo, ito na ang huli? Bakit hindi mo na lang samantalahin ang pagkakataon? Think as if it's a date even though hindi gan'un sa kanya. Magpaganda ka, walang masama roon. Lubusin mo na. "Kahit ba ako ang nagyaya?" bulong niyang may mapaklang ngiti saka napailing. Iyong karaniwang porma pa rin ang kinuha niya, jeans at peach long sleeve tunic top na pinaresan niya ng puting doll shoes. Nagpulbos ulit siya at naglagay ng lip balm tapos ay nag-spray ng pabango. "'Yan, mabuti nang handa kesa paghintayin pa siya." Inayos na rin niya ang dadalhing body bag bago bumaba.


Nang nasa sala na siya, hindi na siya mapakaling sumisilip sa phone. Bakit hindi na nagre-reply? 'No ba 'yan Carys, hindi ka naman excited n'yan, 'di ba? Bago pa siya mag-isip ng kung ano-ano at bago pa makalimutan, nag-text siya sa mama't papa niya na aalis ulit siya para alam ng mga ito. Hindi rin siya nakatiis na i-text ulit si Zion.

======
Nakabihis na ako and ready to
go. Meet na lang tayo sa mall?
======


At wala pang dalawang minuto ay nag-reply ito. Ngumibit siya. Hindi talaga sinagot 'yung isang text.


======
I said stay there. Look up at the
sky, looks like it will rain anytime
soon. You better be safe and dry.
======


Pagkabasa niyon ay agad naman siyang lumapit sa bintana at tumingala. Mukha ngang uulan. Tsinek niya ulit ang payong sa bag na nandoon naman. Kumunot ang noo niya at tumingin ulit sa langit. Ulan ha, siguro babagsak ka kapag nandito na siya. 'Kala mo hindi ko napapansing madalas kang nand'yan tuwing nagkikita kami? Sorry pero rain or shine eh. Bumuntong-hininga siya. At buti pinag-aaksayahan talaga ako ni Zion ng panahon...

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon