Kyla's POV
Pagpasok namin sa mall ay pinagtitinginan agad kami, lalo na ang dalawang lalakeng nasa magkabilang gilid ko.
Naiirita naman ako sa mga babaeng lantaran kung magpa cute, may pa pout pout pa mukha namang naipit na palaka, iba naman may pa puppy eyes puppy eyes pa mukha naman na epilipse, tssk. Ang mga lalake naman pa kindat kindat sarap dukutin ng mga mata tapos may pa lipbite lipbite pa nakakadiri.
Nauna na akong maglakad dahil ang babagal maglakad ng dalawa, nag hahanap pa ng manok eh, ma birdflu sana.
Naglalakad ako nang may madaan akong Botique na may magagandang damit like gowns and cocktail dresses, may mga top rin and jeans etc. Pumasok ako at namangha sa mga binibinta nilang damit, naglibot libot ako at isang gown ang umagaw ng atensyon ko, kulay skyblue ito at may embroid na shining flowers maganda ito at talagang masarap hawakan sapagkat napaka lambot ng tela.
Kinuha ko ito at lumapit sa isang salamin at idinikat sa akin, maganda bagay saakin.
"You should get that, it suits you very well"
Napalingon naman ako sa likod ko ng may magsalita, lumapit sa akin ang isang gwapo lalake at hinawakan ang gown, hmmm gwapo i must say.
"Isa ito sa pinaka ka magandang ginawa ni mommy..." ngumite naman siya nang kaunti at umatras "bagay na bagay sayo"
Ngumite naman ako at dinikit ulit ang damit sa katawan ko at dahan dahang gumalaw, yeah bagay nga.
"Are you going to buy it?"
"Yeah"
Ngumite ulit ito at inilahad ang kamay niya parang tinuturo ang daan papuntang Cashier. Inilabas ko naman ang credit card ko, nanlaki ang mata ng mga tao sa cashier ng makita ang Card ko, isa tung card na kulay itim at may tatak na logo gamit ang ginto at sa gitna naman nang logo ay may nakalagay na 2, nataranta naman sila at mabilis akong inasikaso, ilalagay na sana nila ang gown nang may isang kamay ang naglagay ng gown sa counter, nilingon ko ito at nakita ang lalakeng kumausap sa akin kanina.
"Take this, gift ko sayo"
Tinignan ko ang inilagay niya gown sa counter at nakitang gown rin ito at sleeveless na hapit sa katawan at mababa ang sa harap at mahaba naman sa likod, maganda ito. Sobrang ganda.
"No! It's fine, tama na ito"
"No i insist minsan lang naman ako mang gift, and i don't take no as an answer" at siya na mismo ang naglagay ng dalawang gown sa malaking paperbag at kinuha ang Credit Card na hawak ng Cashier. Tinignan niya ang Card at bahagyang nanglaki ang mata, pero ngumite agad.
"Nagbigay ka nang gift pero 'di naman tayo magkakilala" napa angat siya ng tingin,at kinuha ko na ang ibinigay niyang paperbag at CC.
"Hahaha, well i'm Carter Jones, CJ nalang, ikaw?" Inilahad niya ang kamay niya para makipag shakehands.
"Kyla, you can call me K" tinanggap ko naman ang nakalahad niya kamay at tumango dito.
"Anyway i have to go baka naghihintay na ang mga kasama ko, byee!" Itinaas ko ang hawak kung paperbag, "And thanks for this" tumango lang siya kaya naglakad na ako palabas ng botique, nang makalabas na ako nilingon ko siya at kinawayan, ngumite lang siya at tumalikod na.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang naka tingin sa mga botique. Napapitlag naman ako ng biglang may humawak sa magkabilahang balikat ko, at nakitang si Rio at Rueben yun na parehong hinihingal at naka hawak sa kani-kanilang tuhod.
"S-saan k-ka ba... g-galing?" Napatawa naman ako kay rio at binigyan siya ng tubig na nasa loob ng bag ko.
"H-how ab-bout me?"
Kumuha ulit ako sa bag, dalawa kase ang dala ko, ibibigay ko na sana ito sa kanya nang mapansin kung nainoman ko na pala ito, nakita niya rin ito pero kinuha niya parin ito at tuloy tuloy na ininom habang nakatitig saakin, napatitig nalang rin ako sakanya *witwew*
"Come, punta na tayo sa Botique na pinagbibintahan ng school uniforms" tumango naman si rio sa akin at kinuha ang paperbag na hinahawakan ko, at tinignan ito.
"Ang bilis mo naman makabili, tska ang gaganda nito ah?" Hindi ko na siya pinansin at nauna nang maglakad, tumabi naman si Rueben saakin at umakbay.
"Sarap dukutin nang mga mata ng mga lalakeng to" napalingon naman ako kay rueben nang bumulong ito, kala ata 'di ko narinig.
"Don't mind them" saad ko at mas binilisan ang paglalakad ngunit hinila niya ako at idinikit sa kanya at mas humigpit ang pagkaka akbay niya saakin.
"Ilang uniforms ba ang bibilhin mo?" Aniya at hinila ako sa isang botique only to found out na ito pala ang bilihan ng uniforms.
"Five would be enough" tumango naman siya at hinila ako sa mga racks ng uniform may tag na naka sabit dito, StarlynFord Uniforms.
Binitawan niya ako at hinayaang mamili sa mga racks ng uniform, nakita ko naman siya na itinuro kay Rio ang racks na panglalake.
Maganda ang uniform nila , yung palda nila is kulay Black na Blue ang sa dulo o laylayan, at sa top naman ay white blouse at Vest na kulay Black rin at may Blue rin sa dulo, sa sleeve, collar, sa may butones at laylayan may kulay blue'ng ribbon rin ito at ang logo ng StarlynFord sa may kaliwang dibdib.
Kumuha ako ng lima at sinukat ito sa fitting room, pinili ko yung paldang 1 inch above the knee at blouse na hapit same as the vest, sinuot ko ito at lumabas ng fitting room para makita ang itsura sa salamin na nasa harap ng fitting room, maganda ito, bagay na bagay sa akin i don't look like 15 and mas pumuti ako, at ang cute ko rin sa uniform nato.
"You look perfect" hindi ko na nilingon si Rueben dahil nakikita ko naman siya sa repleksyon na nakatingin sa aking kabuoan, i just smile at him at sinimulang umikot-ikot sa harap niya at ng salamin.
Nakita ko naman si Rio na kakalabas lang ng kabilang fitting room, bagay sa kanya ang uniform niya, kaparehas ito ng akin ang pinagkaiba lang naka black slacks siya pero blue parin ang laylayan nito.
Humarap naman ako sa kanya at nagka tinginan kami, sabay kaming nag bow like how our teacher in etiquette taught as, nag bow ako habang nakalagay ang isang paa sa likod ng isa at binend ito habang naka hawak sa magkabilang palda at kaunti itong inangat, siya naman ay nakalagay ang isang kamay sa likod habang ang isa ay nasa may tyan niya.
Natawa naman kaming parehas sa kabaliwan namin at hinarap na si Rueben na napailing iling nalang sa amin, at tinulak na kami papasok ng fitting room. Nagbihis na ulit ako at inayos ang uniform.
Lumabas ulit ako lumapit kay rueben na naka upo sa bench na nasa gilid ng fitting rooms, tumayo ito makita ako at naglakad na kami papuntang cashier, inilagay ko ang uniforms sa counter at siya namang pagdating ni rio at inilagay ang uniform na napili niya sa counter din.
"25,000 lahat ma'am"
Ilalabas ko na sana ang wallet ko nang pinigilan ako ni Rio at inilabas niya ang Credit Card niya sa wallet, parehas kaming ng CC ang pinagkaiba lang ay 3 ang nakalagay sa gitna ng logo. Binayaran na niya ito at kinuha ang pinamili namin.
Lumabas na kami at nakita ko na si Ruebeb pala ang may hawak ng paperbag na may laman na gowns, hinayaan ko nalang ito.
"Guys? Starbucks tayo? Nagugutom at nauuhaw narin kase ako"
"Sure" - Rueben
"Hayy! Thank you, nagugutom narin kase ako eh" sabi ni rio at may pa hawak hawak pa sa tiyan nito.
Napa iling nalang ako at lumapit kay Rueben na pinagtitinginan nang mga babae "let's go" at hinawakan ko ang kamay niya at ako na mismo ang humili sa kanya papuntang Starbucks.
Napahinto ako sa paglalakad ng hinila niya ako, napaharap ako sa kanya at nakitang nakatingin pala siya sa magkahawak naming kamay.
"Your hands perfectly fits to mine" at ngumite siya sa akin at nagpatuloy nang naglakad habang nakahawak siya sa aking kamay, demn.
BINABASA MO ANG
Want to Want Me
RomanceThere are things that we can't change about People... But, one thing for sure, This is not the end... but the beginning .