Kotse

171 0 1
                                    

Malapit na ang graduation, sawakas na tapos ko na rin ang kurso kong BS in education. Ang haba din ng mga pinagdaanan at maramiring problemang dumaan at natagumpayan ko. Tuwang-tuwa sa akin ang mga magulang ko, dahil na ka pagtapos na ang kanilang iisang anak.

Matagal ko nang hinihiling na magkakotse. Kaya pagkatapos ng graduation hiniling ko agad kay tatay ang gusto kong kotse.

Isang araw habang ako'y natutulog sa aking kuwarto, tok! tok! tok! Sino yan, tanong ko. Anak may bibigay lang kami sayo. Napaisip ko na baka ito na yung regalong hinihintay ko. Kaya agad kong binuksan ang pintuan. Anak alam ko gusto mo ng kotse, sabi ni tatay. Pero anak pasensya muna hindi pa yata namin kaya ng nanay mong bigyan ka ng kotse. Biglang nasigawan ang tatay. Ang tagal kong hinintay yang  regalo tapos wala rin pala, anong klaseng buhay to oh!

Sa sobrang galit ko kay tatay nasigawan ko na siya. At biglang, at biglang inatake siya sa puso. Agad naming ginising ang mga kapit-bahay para tulungan kaming ihatid si tatay sa ospital. Habang kami ay nasa byahe patungo sa ospital ramdam ko ang ginawa ko kay tatay. Alam kong mali yun, nagpadaan kasi ako sa galit.

Pagdating namin sa ospital agad dinala siya sa emergency room. At habang kami ni nanay naghihintay sa labas may binigay siya sa akin. Anak (habang umiiyak) ito sana ang ibibigay namin sayo, sabay kinuha ang isang maliit na kahon galing sa kanyang bag. At inabot ni nanay sa akin ang kahon na may kasamang note. Congratiolations anak sana matuwa ka, ang nakasulat sa note. At binuksan ko na nga ang ang kahon habang umiiyak, at ang nakita ko ay isang bagong susi para sa isang bagong kotse.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KotseWhere stories live. Discover now