Magbibilang ako
hanggang sa makakaya ko
sana malaman mo, na kahit na magkaibigan lang tayo
Andito lang ako, para sayo.
Isa, dalawa, tatlo
Ang hirap ipagpalit ng taong mahal mo
Apat, lima, anim
Akoy may kinikimkim
Pito, walo, siyam
Ikaw ay aking inaasamasam
Sampu, labing isa, labing dalawa
Sana makita moa ng aking halaga
Labing tatlo, labing apat, labing lima
Hindi pa ba ako sapat aking sinta
Sa araw-araw na tayoy magkasama
Umaasa na tayo nalang sana
Ako yung taong kahit anong sakit
Kaya paring kumapit
Handing kumapit sa bagay na walang kasiguraduhan
Handi ring maghintay sa taong di naman ako pinapahalagahan
Kaibigan kita, ka-ibigan mo siya
Gusto kita, gusto mo siya
Ano bang mas mahalaga
Yung taong mahal mo o taong mahal ka
Sa ako naman ang iyong mapansin
Dahil sa twing tayoy magkasama akoy mistulang hangin
Siya lang ang nakikita ng iyong mata
Sana kahit isang beses lang, ako naman sana
Umaasa ako na balang araw ay magiging tayo
Ngunit naalala kong meron lang palang ikaw at ako
Isa hanggang isang daan, kulang na kulang pa yan
Para masabi ko sayo ang aking mga nararamdaman
YOU ARE READING
FILIPINO SPOKEN POETRY
PoetrySpoken poetry xx Short poem stories (lol) HAHAHAHA. #poetrymo'to