Chapter 29

5.4K 118 18
                                    

Tinulak ko siya palayo. Para akong napapaso sa dikit ng katawan niya sa akin. Kitang-kita ang gulat sa kanyang mga mata. Wala akong pakealam kung nagulat man siya.

Ayoko-ng malapit siya sa akin. Sadyang ayoko lang. Nakitaan ko ng sakit ang kanyang mga mata. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Umalis ka na," 'di ko man lang magawang titigan siya sa mata.

Takot na baka magkamali ako sa sasabihin ko sa kanya.

"I won't," pinukulan ko siya ng galit na tingin.

"A-ng tigas ng ulo mo. Can't you see? Maliit lang ang bahay namin. Tapos wala kang matutulugan, mukha ka pa namang mayaman," nakakalusaw na ang kanyang mga tingin sa akin.

"My family is here so I need to be here."

God. Sino ba talaga ang lalaking ito? Gusto kong magalit pero di ko magawa.

"Wala ka ngang pamilya dito. Ang kulit mo," nagpatuloy na lamang ako sa pagluluto ng tinola.

Naku bakit ba kasi nauso ang hospitality ayan tuloy di ko basta-bastang mapapaalis ito.

Nilingon ko siya at nakitang nakasandig sa gilid ng maliit naming nook. Titig na titig siya sa akin kaya binalewala ko na lang ito at nagpatuloy na lang sa ginagawa.

Nang pinapakuluan na lang ay hinugasan ko na ang mga pinggan. Kesyo nakakahiya naman kung madumi ang kusina sa paningin ng bisita di ba?

Pawis na pawis ako ng matapos sa paghuhugas ng plato. Luto narin ang niluluto ko. Lilinisan ko na sana ang hapagkainan ng hinila ako ng lalaking kanina pa nagmamasid sa bawat kilos ko.

Napapitlag ako lalo na ng ikinulong niya sa bisig niya ang aking beywang. Ang isang kamay naman ay may kinuha sa bulsa niya at naglabas ng panyo.

Tulala akong napatitig sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay nararamdaman ko na ang hininga ko. Seryoso ang mukha niya sa pagpupunas ng pawis sa noo ko. Batok, sa leeg at balik ulit sa noo.

"You're sweating," mabilis akong umalis sa pagkakahawak niya at nag martsa sa sala.

Fuck. Wala nang lilinisin so saan ako ngayon? Yung malayo sa lalaking ito. Fuck. Di ako komportable sa kanya. Para akong hinuhubaran sa bawat titig niya.

Paglingon ko sa likod ay nakasunod na siya sa akin sa sala. Bumuntong ako ng napakalalim na hininga.

"Are you okay?" Lumapit siya sa akin.

"Ah-h oo na-man wala na kasing kahoy mag-sisibak muna ak-o," pinigilan niya ako ng palabas na ako.

"Tss I'll do it. Para sa isang asawa ang gawaing iyan. Bumalik ka sa kwarto at tignan ang anak natin. Kundi maligo ka para naman maging presko ang nararamdaman mo." I did not notice that I am now biting my lips at pinipigilang mapangiti.

Napapasunod niya ako. Yan lang ang alam ko. Napalunok ako ng inisa-isa niya ang pagbubukas ng butones sa longsleeve polo niya. Fuck. Di ko man lang maalis ang tingin ko.

"Wh-y are you strip-ping?" Binigyan niya lang ako ng pilyong ngiti.

Nang mahubad ay hindi ko maiwasang mapatitig sa katawan niya. How can be a man looks so perfect? Isinabit niya sa sabitan ang polo at nginitian ako ng nakakaloko.

"Maligo ka na misis. Magsisibak lang ako ng kahoy," hindi ako nakasagot.

Tumango na lamang ako at pumasok ng kwarto.

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon