Patawad

152 0 0
                                    

(Yla= Ee•la Layla= Ley•la)

Naalala ko noong una tayong nagkakilala

"Hi! Ako nga pala si Maxwell Reyes. New student lang ako dito sa Fayte University"

Tumingin ako sa lalaking biglang nalang sumulpot sa harapan ko at kinausap ako. Naguluhan ako dahil kinausap mo ko. Sa dinami dami ng tao sa classroom na ito, ako pinili mong kausapin, bakit?

"Layla. Layla Bueña"

Naalala ko pa noon kinukulit mo ko tuwing lunch. Lagi kang uupo sa inuupuan oo para lang guluhin ako.

"Max, bakit ka nanaman nandito?"

"Yla, tag-hirap talaga yung canteen natin. Onti lang table eh. Paupo muna. Penge nga nyang fries." sabi mo kahit na pagtingin ko sa paligid, may mga bakante pang lamesa.

Naguluhan ako sayo noong oras na iyon. Halata ang pagsisinungaling mo pero hinayaan pa rin kita.

Makalipas ang ilang buwan, nagbago na ang pakikitungo mo sakin. Kung dati, kinukulit mo lang ako ngayon may halo na itong pagkacheesy. Minsan nga'y pinagkamalan ng mga tao na tayo na kasi sobrang close nating dalawa.

Sa sobrang close, may spark na biglang dumaloy satin.

College na tayo at niligawan mo na ako. Natuwa ang mga kaibigan natin dahil antagal na nilang alam na may gusto tayo sa isa't-isa.

Natuwa rin ako ng sobra sobra. Alam kong mayroon na akong nararamdaman tungo sayo ngunit natatakot ako. Kaya nung tinanong ko ako kung pwedeng manligaw, umoo na ako.

Makalipas ang ilang taon, grumaduate na din tayo. Kasabay non ang pagsagot ko sayo. Binigay ko na sayo ang napakatamis kong oo.

Sa sobrang tuwa mo, binuhat mo ko at niyakap ng napakahigpit.

Natatawa nalang ako dahil pinagtitinginan na tayo ng mga tao.

Pero alam mo ba? Tuwang-tuwa rin ako.

Naalala ko pa noon nagkaroon tayo ng onting alitan

"Di ko alam kung bakit natin toh binibig deal."

"Yla, gabi gabi ka na nauwi para lang sa trabaho mo. Nag-aalala lang ako. Pano kung may masamang mangyari sayo"

Alam kong tama ka. Pero matigas ulo ko eh. Kaya pinanindigan ko ang side ko.

Pero kahit na sinisigawan kita, kahit na ikaw yung tama sating dalawa, ikaw pa rin ang unang nag-sorry satin

"Layla, sorry na oh. Sige na. Nag-aalala lang naman ako eh. Hahatid sundo nalang kita sa work mo" sabi mo sabay abot ng isang dosenang rosas at mga chocolates

"Ako nga dapat yung magsorry eh. Sorry dahil nagalit ako. Nagegets naman kita eh. Pero kung makakalma ka kungbihahatid sundo mo ko, sige lang. Basta ayoko na mag-aaway tayo ha?"

Ngumiti ka at sinabing "Hay salamat. Alam mo ba, sa sobrang kaba ko, akala ko mawawala ka na sakin."

"OA mo naman. Hindi ako mawawala noh."

"Promise?"

"Promise."

Naalala ko noon nung sinupresa mo ako.

Napakaganda ng lugar.

Dinala mo ako dito ng nakablindfold at nung tinanggal ko na iyon, may humungad saking napakagandang garden. May mga ilaw pang nakasabit sa mga puno.

"M-max, bakit mo ko dinala rito?"

Di mo ko sinagot. Ngumiti ka lang at bigla biglang lumuhod.

Tumibok ng napakabilis ang ouso ko.

"Layla Bueña. Alam ko nagkaroon ako ng pagkakamali. Alam ko na hindi ako perpektong boyfriend para sayo. Pero gusto kong bumawi sayo. Bumawi sayo ng habambuhay. Layla, will you marry me?"

Tuwang tuwa ako. Hindi ako masagot. Hindi ko din na pansin nalumuluha ako.

"Of course I'll marry you"

Pagsambit ko ng mga salitang iyon, niyakap mo ako ng napakahigpit.

"Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya"

Ngayon ang araw ng kasal natin.
Isang napakasayang araw para sating dalawa.

Naalala ko nung papunta na ako sa ating kasal.

Nagkwentuhan kami ni manong driver. Kinukwento ko sakanya yung storya nating dalawa

Pero bigla may tumawid na bata

Hindi namin napansin

Ngayon, dapat naglalakad na ako patungong altar, dapat makikita kitang nakangiti ng napakalaki dapat bubuo tayo ng isang pamilya

dapat…

dapat…

dapat…

Pero, bakit ako nasa isang puting kwarto? Bakit ka lumuluha? Bakit ako nakahiga?

Aah, naalala ko na.

Nabunggo sa isang pader ang kotseng sinasakyan ko

"Layla please kapit ka lang. Wag mo ko iiwan"

Mahigpit mong hinawakan ang aking kamay.

"Layla, diba nangako ka? Sabi ko di mo ako iiwan na di ka mawawala? Diba Layla? Layla, lumaban ka! Please lang!"

Sigaw ka ng sigaw pero alam ko sa sarili ko hindi ko na kaya.

Patawad, Max

Unti-unti ko nang pinipikit ang aking mga mata. Pero nakikita ko pa rin  ang mga luha saiyong mga mata

"Layla, wag mo ko iiwan please. Diba sabi mo bubuo pa tayo ng pamilya? Gagawa tayo ng sarili nating business? Lalakbayin natin yung buong mundo?"

"M-max"

"Layla, lumaban ka lang please"

"M-max, hindi ko na kaya"

"Hindi Layla. Kaya mo yan. Lalaban pa tayo diba?"

"M-max, sorry k-kung hindi ko n-natupad yung mga p-pangako ko s-sayo"

"Layla, please... please lang, lumaban ka. Please. Mahal na mahal kita Layla. Kaya lumaban ka, kahit para sakin lang "

"M-max? Mahal na mahal rin kita"

At sa huling mga salitang aking sinambit, unti-unti ko nang sinara ang aking mga mata

"Layla! Gumising ka! Parang awa mo na! Ayokong mawala ka. Please lang Layla!"

Naalala ko noon, pinangarap pa natin ang mundo...

Patawad, Max…

Patawad, aking mahal…

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PatawadWhere stories live. Discover now