Pagdating ko sa classroom namin ay kanya-kanya sila ng kwento tungkol sa bakasyon nila. May pumuntang beach o ibang bansa, may nag-family reunion, may pumuntang tourist destination. Yung iba naman nag-staycation (sa bahay lang) tulad ko.
Yumuko na lang ako habang tumutugtog yung Decode na kanta ni Paramore sa headphone ko para hindi ako maistorbo. Wala pa naman si Janine na as usual ay nasa ground at naghahanap ng gwapong papa.
Nasabi ko na ba na Grade 12 na ako sa isang private school na ang pangalan ay SKY Highschool? Ang meaning ng SKY ay di ko alam. Di ako nakikinig sa auditorium nung freshman ako nung sinabi ng lalaking medyo gurang na.
Nakakahiya naman na 6 years na ako dito nag-aaral pero di ko pa rin alam yung meaning nun. Ahaha.
"Ano ba yan! Sin-" Napatayo ako bigla kasi may nagtanggal ng headphone ko. Pero agad kong naramdaman ang mga matang nakatitig sakin kaya inikoy ko ang paningin ko.
Umakyat na yata lahat ng dugo ko sa mukha ko kasi lahat sila nakatayo. Nandyan na pala si Ms. Candigan na first subject teacher namin Meaning, nagbatian na kanina pa.
Tinignan ako ng masama ni Janine na nasa kaliwa ko na syang nagtanggal ng headphone ko.
Anyare dun? Parang pinagbagsakan ng langit at lupa yung mukha nya?
"Oh... Hi Yannie." Nakangiti si Mrs. Candigan sakin. Nakakainis kasi peke yun. Alam naman ng lahat na pinag-iinitan ako nun since freshman pa ako. "Good morning. How was your vacation?"
My face right now is not readable, I bet. "Good morning. My vacation was heaven, Ma'am."
Then umupo na ako kahit lahat pa sila nakatayo. Tumaas kilay nya na drawing lang. Ahaha.
"Did I told you to sit, Ms. Valdez?"
"What. I already greet you. Hindi ba yun naman talaga ang ginagawa ng estudyante- ang umupo pagkatapos magbatian? Miss... Candigan?"
Namula sya sa pagkapahiya kaya pinaupo na lang nya yung klase. Ayos... galit na naman sya sakin.
As if naman may times na hindi sya galit sayo? Simula nung ginawa mo dati, di na nawala galit nya sayo. Every time nga na magkikita kayo, war eh.
May point sya. Sayang si Ma'am kasi bata pa sya. Ilang taon na ba sya? 28? Kaso btch sya kaya pinapatulan ko.
Pilya ka kasi.
Bigla na lang may lalaki na sa gitna. At di lang sya basta lalaki! Gwapo sya! Gwapo! As in pogi! At di lang sya basta ganun! He's sinfully drop-dead gorgeous! And he is standing there, effortlessly cool with his unbottoned shirt. Lahat ng classmate ko di maalis ang mata sa kanya. Then inikot nya ang abuhing mata nya at tumigil sakin. Napalunok naman ako bigla. Ano ang pagkukulang ko sa kanya?
Wahahaha. Adik. Ako tinitigan nya kasi ako lang kilala nya. Nag-inarte ako at nagtaray ako at tinitigan ko sya sa mata. Pinarating kong bahala sya sa buhay nya and... message sent.
Wait lang.
1 message receive
Ewan ko sayo.
Aba't...! Ayos ah. Hintayin nya reply ko.
Hu u?
Message sent
Ahahaha. Wagi na naman ako! Nag-iba kasi expression nya eh. Parang naiinis na nagagalit na ewan. Haha. Nawala ang coolness nya.
Nagulat naman ako kasi napasabunot sya sa ulo nya like pinipigilan nyang mainis tapos lumapit sya sakin at hinila ako palabas ng classroom.
Ano ang pagkakasala ko sa kanya? Masyado ba akong maganda sa paningin nya at di nya nakaya ang pag-ignore ko sa kanya? Wag syang mag-alala, sya pa lang ang dashingly good-looking sa paningin ko.
Ahem. Kalimutan nyo na lang ang lahat ng sinabi ko. Isa iyong kabaliwan gawa ng sobrang pagmamahal.
"Wait, Romeo! I can't go with you! There are people to consider!"
Napatigil sya sa paghila sa maganda kong kamay at naguguluhang tinitigan ako. I can feel everyone's stare.
"What? Romeo ka dyan. Nababaliw ka na ba?"
I gave him my puppy eyes and started acting. "As much as I love you, Romeo, I can't be with you. My palace needs me. And... they will kill you..."
He has that she-should-be-in-a-mental hospital look and shook his head. Naglakad na ako pabalik sa classroom bago pa malagay sa kahihiyan ang mukha at pangalan ko. Gosh, people keeps on getting pictures. Yayaman talaga sila pag binenta nila ang mukha ng isang sikat na modelo ng Folded and Hung at YSL.
Ano ba kasi ang pumasok sa utak kong puro hangin? Oh, my. Baka nawala na ang cerebellum ko. Sabi sakin ng teacher ko dati, pag marami daw kulubot yung utak ng isang tao, matalino daw. Siguro patag yung akin. Ahahaha.
Bigla ko na naman naramdaman ang mainit na kamay nya na hawak ang puro kalyo kong kamay.
"Juliet, my Juliet. Please don't leave me. I can't love you from afar."
"And they live happily ever after."
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Panira talaga ng buhay ko ang teacher na ito. Alam ko, dapat di ko sya teacher ngayon eh. Mukhang sinusundan ako nito simula grade 9 ah.
Ayokong tumingin sa kanila kasi alam kong aasarin nila ako. Pero mali ako. Lalong lumakas ang mapang-asar na hiyawan nila sa ginawa ni Nick.
He hug me and keep my face from them.
Sheesh. I can smell his scent and it's pretty good. Nakaka-adik na nakakabaliw. Hayy...
Ang higpit ng pagkakayakap nya sakin, as if he wants to protect me.
I smiled. He really can fit Romeo. But sadly, I can't fit Juliet's role because I'm no heroine.
BINABASA MO ANG
Please Lie and say... YE S
Teen FictionSimpleng babae pero komplikado ang buhay. Gusto ni Desire Yannie Valdez ang gumawa ng cakes pero ipinagbabawal iyon ng pamilya. Dahil kadalasang wala ang mga magulang, gumagawa sya kahit bawal. One day, dumating ang isang prinsipe. Nabago nito ang b...