Suklian mo ang Pag-ibig Ko.

4.5K 126 37
                                    

The Sweet Start

===================================================================

Ang pag-ibig ay parang ligaw na bala, swerte ka kung di ka matamaan, at malas mo kung ikaw ang naging target. Hindi mo maaaring piliin kung sino ang shooter ng bala na yun (yung taong mamahalin mo) kasi sa oras na matamaan ka, sa kanya ka na talaga. Hindi mo rin maaaring baguhin ang ruta ng bala, kasi para sayo yun, kaya sa ayaw mo man o gusto, masasalo mo talaga yun. 

Sa henerasyon natin ngayon, di na bago satin ang magkaroon ng relasyon sa murang edad pa lamang, yung ibang mga kabataan kasi pinapayagan na ng mga magulang nila, yung iba naman pa takas2x lang. Syempre, bakit ganun? Kasi, sa atin kahit na bawal, gagawin natin ang lahat para maging PWEDE. Kasi sa panahon natin ngayon uso ang, "WHAT YOU WANT IS WHAT YOU GET" ;)

Ikinagagalak kong ibahagi sa inyo ang isang storyang di na din bago sa mga kaibigan ko, pero bagong-bago sa mga mambabasang katulad niyo. Nais ko sanang bigyan ng liwanag at leksyon ang mga kabataang tulad ko, MAAGANG UMIBIG. Kaya sana sa kwento kong ito ay may matutunan kayo. Sige too much intro! Let's start na.

Itago natin ang pangalan ng lalaking mahal ko sa letrang "Y". Nagsimula ang love story namin sa FACEBOOK. Chat2x, Like2x ng mga pictures at status, message2x at syempre ang next level niyan, hihingin na niya ang number mo at araw2x mag te-text kayo. Sigurado akong di na to bago sa mga kabataan ngayon, siguro 30% ng mga kabataan ngayon ay galing din dito ang lovelife. AMININ!

July

Ilang weeks din siyang nanligaw sa akin. Naging malambing, maaalahanin, maaruga at nagpapakita kung gaano daw niya ako ka mahal. Di ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko, at sinagot ko siya, kahit na alam kong di ako pwedeng magkasyota kasi ayaw ng Papa ko ng ganyan, gusto niya matapos muna ako ng pag-aaral bago ako pumasok sa mga relasyon at mga landian. Yung nasa utak ko lang eh, siya, naging makasarili ako at di ko inisip si Papa.

Simula palang ng relasyon, mali na. At MAGULO pa. Isa kasi sa mga ex niya eh gusto pang makipagbalikan sa kanya at mahal pa siya, nagkataong magka klase kami ng ex niya na yun kaya ARAW- ARAW naririnig ko ang mga pagpaparinig niya at ang galit niya na yung lalaking mahal niya eh saakin na napunta. Ang problema din naman sa babaeng yun eh, nung mga panahon na nanligaw ulit si Y sa kanya, kaso nagpakipot, nagpa ayaw2x, at pinapalayo si Y sa kanya. Yan din ang common na problema ng mga babae ngayon, sa panahon na nagpapakipot sila, eh yung mga nanliligaw sa kanila, NAPAPAGOD at ang ending hihinto sa panliligaw sa kanila. 

Mas naging impyerno ang buhay ko sa school dahil sa ex ni Y. Yung mga kaibigan niya kasi, mapang asar, mapang lait at mahilig sa gulo! Araw-araw ba naman akong binabadtrip sa pagpaparinig nila. Pero araw araw ko ding nilalaban nun ang di pagpatol sa kanila. Masakit eh, nagmahal lang naman ako, sinagot ko lang naman tapos  dahil lang dun magagalit sila, gagawa ng gulo at araw-araw sasaktan ako sa mga matatalim na salitang binabato nila.

August- January

Lahat ng mga magsyota ay nag aaway, di nagkakasundo at nagtatampuhan. Di ko alam kung normal pa ba yung sa amin kasi araw-araw may pinagtatalunan kami o di kaya ay may tampuhan na naman na nagaganap, kasi naman selosa ako at metikolosa, lahat ng mali na ginagawa niya ay ginagawan ko na ng malisya, siya naman ewan ko ba kung ano ang nasa kokote niya at kahit na alam niyang ayaw ko ng ganito, ganyan, ginagawa niya parin. Mapait man ang 70% ng lovestory namin meron din namang kilig vibes! At ito ay ang mga sumusunod:

KV Moment #1: Wala na bang mas kikilig sa FIRST KISS? :) DACS (Competition ng iba't-ibang school sa iba't-ibang laro) nun sa school namin, pwedeng pumasok ang mga outsiders kaya nakapunta siya, pero ang gago lang ng moment na yun eh yung kasama niya para makapasok sa school eh yung ex niya na klasmate ko na forever kontrabida sa story namin nun para sakin. Syempre nagtampo na naman ako at nagalit sa kanya! Sa araw na yun grabe ang sorry niya sakin, so pinatawad ko nalang kasi kung di sya sasamahan nung ex niya di siya makakapasok. First pic together din namin, nakuha sa araw na yan. Tapos na maglaro yung team na sinusuportahan nila, nag usap kami, tapos yun ewan ko kung bakit kami nag kiss pero NANGYARI! Uuwi na sana ako kasi andyan na ang sundo ko, nang biglang hinawakan niya kamay ko, pinalapit niya ako sa kanya, at ANOTHER KISS NA NAMAN!

Suklian mo ang Pag-ibig Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon