The Nerd Princess. ♥ (ONE SHOT)

79 1 0
                                    

Bumaba na ako sa tricycle. I'm Ally Gomez. A 3rd yr. HS student at Faustino University.

Normal lang akong tao. Hindi ako mahilig makipagkaibigan.

"Eew. Baduy talaga nya!"

"Yeah right! Kadiri lang."

"Kaya nga walang lumalapit dyan eh!"

Oo, nkakadiri ang itsura ko. Nerd ako. Di mo talaga mawawala ang makakapal na salamin sa mukha ko. Lagi naman eh, 'si Ally baduy' 'si Ally panget' Haaaay. -.-

"Hoy! Pinagtutulungan nyo nanaman sa Ally!"

Napatingin ako sa sumigaw.

O______O

Ja.. Jacob?

"Magsorry kayo!"

Utos nya sa mga babae.

"Ally pasensya ka na."

"Hindi na namin uulitin."

"Sorry talaga."

Sabi nila. Tas umalis din. Natakot siguro kay Jacob.

"Okay ka lang?"

Tumango lang ako.

Si Jacob Faustino. Kaklase ko.Anak ng may-ari ng university nato. Matalino, gwapo. Lahat naaatract nya. Kahit ako. Pero hanggang dun lang, dahil alam kong wala ng ibang mangyayari pa.

"Sabay na tayo."

Kinuha nya yung librong hawak ko.

Naglakad na kame. Nakakagulat naman to. Ano bang meron ngayon?

Bakit sya ganyan? Eh hindi nga ako pinapansin nyan pag nasa room eh.

Ramdam ko naman na maraming mata ang nakatingin sa amin. Malamang gulat sila. Sino ba namang hindi? Isang gwapo kasama ang panget. Haaaay. 

Nkarating na kame sa room. Nagulat ako ng biglang abutan ako ng isang notebook ni Liam. Kaibigan ni Jacob.

Binuksan ko ito.

Hindi lang pala basta-bastang notebook to. Scrapbook to na may lamang mga stolen pictures ko. TEKA? PICTURES KO?!

Merong picture ko na nagsusulat. May nkatayo. May bumababa ng hagdan at marami pang iba.

Ano ba talagang meron? Nalilito nako! Yung mga kaklase ko nakakumpol lang dun sa bandang likod. Trip ba to?

"Ally.."

Napatingin ako sa nagsalita. 

JACOB? 

ANO BANG MERON?

"Hindi kita pinapansin.."

Dahan-dahan syang lumapit sakin.

"Pero hindi ibig sabihin nun wala akong pake sayo.."

Ano bang sinasabi nya?

"Jacob ano bang ginagawa mo?"

Hindi ko na kase sya maintindihan.

"Ally mahal na kita."

O.O

-___ -

- ___-

>///<

"Jacob.. hin--"

"Oo Ally.. lage kitang binabantayan.. lage kitang sinusulyapan.."

Still. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya.

"At kahit sinasabi nilang Nerd at Panget ka.."

Lumuhod sya sa harap ko..

"Nahulog pa din ang loob ko sayo.."

Naglabas sya ng isang rose.

"Pwede ba kitang maging prinsesa?"

Seryosong tanong nya. Totoo ba to? Hindi sya nagbibiro? 

Puno ng sincerity ang boses nya.. ang mga kilos nya.. oo.. totoo nga ito.. nararamdaman ko..

"Oo, basta ikaw ang magiging prinsipe ko."

Masayang sabi ko. Napatayo naman sya at niyakap ako.

Yiie, pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Tao din naman ako.. kinikilig din.

Nagsipalakpakan din ang mga kaklase ko. Kahit sa labas ng room marami ring nakasilip.

"I love you."

"I love you too."

A/N: Hey! 2nd One shot story ko. Hihihi. Corny no? Haha. Salamat po sa magbabasa. <3

The Nerd Princess. ♥ (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon