Chao’s POV
Bigla akong nakarinig ng kaluskos sa may mapunong parte ng isla dahilan para mapayakap ako sa kanya.
“Narinig mo yun?” tanong ko sa kanya.
“Wala akong narinig. Alam mo gutom lang yan. At wala tayong kakayahan ngayon para mawala yan. Kaya sige, libre yumakap sa’kin ngayon.” dire-diretsong sabi niya.
Bigla tuloy akong napabitaw sa kanya. Hindi po ako nag-iimbento ng kung anu-ano. May narinig talaga ako. Pero yung sinabi niya, samantalahin ko kaya?
Halos ilang oras kaming naglakad para humanap ng lugar na pwedeng pagpahingahan namin. Mabuti na lang at marami ditong kubo sa isla. Past 8 na yata kaya kahit makabalik pa kami dun sa pinagdadaungan ng mga bangka ay wala na kaming aabutan.
“Dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Hindi ka naman yata maarte. At wag na wag mo akong kukuhaan ng kahit anong picture.” marring sabi niya sa’kin.
“Paano kita kukuhaan eh diba nga nasira yung camera ko dahil sa prank mo kanina? At isa pa di ko dala yung cell phone ko. Nanghihinayang tuloy ako.” medyo inis na sagot ko sa kanya.
Gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko. Bakit ba kasi sarcasm ang middle name ko?
-.-
“Oh isuot mo muna ‘tong jacket ko. Kung itatanong mo kung paano ako? Don’t worry. Kaya ko ang lamig. Warm-blooded ako. Alam kong nag-iexpect ka ng ganitong scene. Kaya eto na.” medyo nagsusungit na sabi niya.
Akala ko pa naman sobrang bait nito sa personal, masungit pala! Pero mahal pa rin kita.
“Total sinabi mo nang nag-iexpect ako ng ganitong scene, bakit di kaya ikaw ang magsuot sa’kin? Para mas makatotohanan. Under the moonlight pa.”
Sinabi ko ba talaga yun? Tsk. Ang landi mo Charlin Hanna. Pero chance na yan eh. Choosy pa ba ako?
“Wag kang masyadong kikiligin. Mahirap yan.” may ngisi pa siyang nalalaman.
Bakit ganun? Feeling ko tuloy ngayon siya ang feeling close sa’kin. Naiinis ako kasi kahit anong pagsusungit niya sa’kin ngayon ay gustong gusto ko pa rin siya.
“Ibang klaseng celebrity ka rin noh? Akala ko ang pormal mo. Yung tipong di namamansin ng ibang tao kung wala ang camera?” pagsisimula ko habang pinapanood ang buwan.
“Wala naman akong choice eh. Wala akong ibang kakausapin kundi ikaw.” ayan na naman siya.
“Tss. Ano ba kasi ang naisip mo kanina at naisipan mong i-prank ako?” may pagtatakang tanong niya.
“Eh sa bored ako eh. Tsaka mukha ka kasing madaling maloko. Hahaha.”
Alam niyo yung feeling na kahit hindi na maganda yung sinasabi niya sa’yo ay nakangiti ka pa rin? Parang tanga lang ako noh? Naiwan ko na naman yata sa shore kanina yung utak ko. Puro puso ako ngayon eh.
“Hah! Ikaw naman mukhang di nanloloko pero mali pala ako.” walang prenong sabi ng bibig ko.
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Hindi ko akalaing ganito kababaw ang lalaking sobrang kinababaliwan ko.
“Sorry to disappoint you Chao. Wait can I call you Chao?” nakangiting pang sabi niya sa’kin.
“Sige lang. Total feeling close ka naman sa’kin eh. Hahaha.”
“Para quits tayo call me Migz na din. Feeling close ka rin sa’kin eh.”
And we burst in laughters. Parang isang masayang kanta yung mga tawa namin.
BINABASA MO ANG
Occupation: Fangirl
HumorMeet Charlin Hanna G. Zamora aka Chao, our ultimate super mega to the universe and back fangirl! How far can she go to chase her one great love? Or should I say obsession?