Main Character:
Katrina Crishel Palma
Christian Palmera
KC‘s POV
I am Katrina Crishel Palma, 17 years old. 1st year college sa PUP at ang course ko ay ECE. Ocia, tama na ang pagpapakilala.
Naglalakad ako papasok ng PUP o Polytechnic University of the Phil, at napadaan ako sa Lagoon. Eto yung parang forest sa school namin. Nilibot ko yung mata ko sa kadahilanang hinahanap ko ang mga kaklase ko. Pero imbis na sila ang makita ko, nakita ko ung crush ko dati nung high school pa lang ako. Si Christian Palmera, dati ko siyang classmate, ECE student din pero magkaiba kami ng section. Tinignan ko siyang mabuti, parang ang lungkot niya.
Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya pero nakita kong nagpunas siya ng luha. Dali~dali akong naglakad papalapit sa kanya.
"Ahm. Christian may problema ka ba?"
Agad siyang napatingin sakin, nagulat ata siya sa pagdating ko. Pero imbes na sagutin niya ko, ngumiti lang siya sakin.
Umupo ako sa tabi niya,
"Alam mo ok lang kung paminsan minsan isheshare mo sa iba ang mga problema mo. Nakakagaan ng loob yun" :)
Akala ko di pa din niya sasabihin ang problema niya pero nagulat ako nung magsalita siya.
"Si Mitch nakipagbreak na sakin." Sinasabi niya yan habang tumutulo ang mga luha niya.
Si Mitch, schoolmate namin siya nung high school. Kasama ko siya sa cheerdance. At matagal na din sila ng Christian.
Nasasaktan akong makita siyang ganto. Hindi ako magaling magbigay ng comforting words kaya niyakap ko na lang siya. He hugged me back. Umiyak lang siya habang yakap ako. Grabe ang swerte talaga ni Mitch kasi mahal na mahal siya ni Christian at ngayon iniiyakan naman siya. Matagal tagal pa bago siya tumigil sa pag~iyak.
"Bakit daw siya nakipagbreak?"
"Hindi na daw niya ako mahal."
Nagulat ako sa dahilan ni Mitch. Di ko alam ang sasabihin ko kaya "ahh" na lang.
"Salamat ah? Kasi pinagaan mo loob ko ngayon." Nakangiti siya habang sinasabi yan.
"Naku wala yun :)"
"May pasok ka ba ngayon? Tara SM tayo!"
Hala! Oo nga may klase pa pala ako. Naku patay ako nito. Tinignan ko ang wrist watch ko, 2pm na. Eh 1:30pm ang klase ko. Dahil ayoko ng nalelate di na lang ako papasok.
"Wala naman na. Tara!"
"oh sige, libre ko na :)"
Hinatak niya na ako at pumunta kami sa SM Sta. Mesa.
~~~~SM Sta. Mesa
"Naglunch ka na ba Crishel?" Crishel pa din pala tawag niya sakin. Siya lang tumatawag sakin ng ganyan kasi yung iba its either KC or Kat eh.
"Eh, hehe. Hindi pa eh."
"Hala bakit hindi pa? eh *tingin sa wrist watch niya* 2:30pm na?"
"Nakita kasi kita na malungkot tapos ayun nakalimutan ko ng maglunch. HAHA"
Syete, awkward! baka mapansin pa niyang may gusto ako sa kanya.
"Haha. Pero di ka nag~iisa. Di pa din ako kumakaen. San mo gusto kumaen?"
"Hmm... Mc Do!" ganadong sagot ko sa kanya. Favorite ko kasi dun yung Mc Flurry.
Kung kanina siya ang nanghatak sakin ngayon naman ako ang humahatak hatak sa kanya ngayon.