chapter 5

5.5K 111 7
                                    

CHAPTER O5

*Lourenz's Pov*

Gusto kong mainis! Gusto kong magalit kay Ice sa ginawa nya sa akin!

Ang paghalik ng walang paalam!

Ang bastang pagsagot sa usapan namin ni Aaron.. ang pagsabi nyang boyfriend ko sya!


Pero bat ganun? Di ko magawa!

Lalo na nung niyakap nya ako at i-comfort nung nakita nya akong umiiyak.. Ang gaan sa pakiramdam.. natameme ako.. Wala akong masabi. Ni di ko magawang magreklamo sa ginawa nya sa akin. Naghalo na ang lahat ng emotions na nararamdaman ko!

Nagulat ako dahil nandito si Aaron sa Westbridge! Sa dami ng university.. bakit dito pa? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Galit, dahil me gana pa syang magpakita sa akin matapos ang lahat na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin.. dahil sinabihan nya ako ng ganun.. parang nainsulto talaga ako. Gusto kong ipamukha sa kanyang kaya ko din sya palitan tulad ng ginawa nya kaya gumawa ako ng kwentong may boyfriend na ako pero..

Oo, tama si Ice.. mahal ko pa si Aaron sa kabila ng lahat! At umaasa akong magso-sorry siya at magmamakaawang gusto nya akong balikan pero alam kong imposible yun.

Napa-IMPOSIBLE!

" Lourenz, Hello Earth? Andyan ka pa ba? " Iwinigayway ni Courtney sa mukha ko ang kamay nya kaya dun ako parang natauhang kahapon pa pala nangyari yun.

" H-huh? May sinasabi ka ba? " Maang kong tanong.

" Sabi ko nga, me kausap ako. Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa atang lumilipad isip mo ah! "

" Andito sya, Beshy.. "


" Huh? Ano ibig mong sabihin? Di kita maintindihan. "


" Nandito si Aaron sa Westbridge.. Nagkita kami kahapon, Courtney! Di ko alam ang gagawin ko. " Mahina kong sabi sa kanya.


" Wag mo na lang syang pansinin okey? Wag kang paapekto! Akala ko ba nakamove on ka na? " Sabi naman ni Ney sa akin. Ganun lang ba kadaling wag mapaapekto? Kung makita ko lang sya, naapektuhan  na ako ng malaki.

" Oo, pero.. "

" Mahal po rin sya ano? "

Natahimik ako..

Nakakahiyang aminin..

" Tss! Sabi ko na nga eh.. Kalimutan mo na sya. Di nya deserving mahalin mo pa sya.. Madami pang lalaki Bestfriend, sa mundo. "


" Galit ako sa kanya.. sa Papa ko, sa mga lalaki.. akala ko nga talaga naka-move on na ako pero nung nakita ko sya kahapon, bumalik lahat.. ung sakit, ung nararamdaman ko para sa kanya. Lahat lahat, Ney. Bumalik na parang kahapon lang nangyari yun. "


Hinawakan nya ako sa kamay. " Sa ating dalawa, kaw ang matapang.. kaw ang malakas ang loob. Alam kong makakaya mong makalimutan ang lalaking yun. Pag alam nyang hanggang ngayon bitter o mahal mo pa sya, lalo ka nyang pagtatawanan. Lalo lang syang maglalakas loob na hamakin ka.. " Tama ang kaibigan ko. Tama siya.

~

Gumaan ang loob ko dahil sa pag-uusap namin ni Courtney. Ang hirap din kasi yung ikimkim mo ang mga nararamdaman mo at wala kang makausap o malabasan ng sama ng loob.


" Uyy! " Muntik na akong mapatalon dun ah! Bigla na lang kasing may humawak sa balikat ko mula sa likod. Pagharap ko, sya na naman..


" Papatayin mo ba ako sa gulat ha? "


When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon