Chao’s POV
Present …
“Who’s Arthur babe? Si Migz ‘to.”
Halos mabitawan ko yung phone sa kamay ko. Hindi ko kasi alam na nagpalit na naman pala siya ng number at lalong di ko ini-expect na tatawag siya ngayon. Usually naman kasi, itetext muna niya ako kung tatawag siya. Shet naman kasi ang bwisit na Arthur na yan! Tss.
“Babe? Hello? Na-kidnap ba boses mo?”
“A-aahhh. Ikaw talaga! Wag ka ngang mag-joke diyan! Ha-ha-ha.” medyo ilang pa yung tawa ko.
“So babe, sino nga si Arthur?” pangungulit ulit niyang tanong.
Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Baka kasi magalit siya sa’kin kapag nalaman niyang fiancé ko lang naman si Arthur. Hindi pwede, baka mag-break pa kami dahil dun! Opo kami na. Pero secret lang! Alam niyo naman yata kung bakit eh. Back to my problem ano kayang magandang palusot ang sasabihin ko sa babyloves kong ‘to?
“Ahh si Arthur ba? Pinsan ko! Dun muna siya nakatira sa’min. Uhm … pero maikling time lang. Alam mo na school days na. By the way kamusta ang Asian tour mo? Akala ko sa makalawa ka pa babalik?” sunud-sunod kong sabi sa kanya.
Alright, alam ko epic fail na naman ang palusot ko. Pinsan? Gasgas na rin kasi yan eh sa medyo slow ako ngayon mag-isip eh. Pagdating kasi kay Migz, nabobobo ako. Umiibig ehh!
“Ah ganun ba? Hahaha. Pinsan lang pala, akala ko kung may pinagpalit ka na sa’kin. About sa Asian tour ko, ayun hindi naman kami nalugi sabi ni Manager K.” narinig ko pa ang pag-exhale niya.
Hay naku, Migz bae na babyloves ko rin kung alam mo lang! Masama ba’kong secret girlfriend?
“Nga pala Chao, magkita naman tayo sa weekend. May ibibigay ako sa’yo! Tawagan na lang kita ulit para malaman mo kung san.” dagdag pa niya.
“Yes sir! I miss you Migz. Halos mabaliw na’ko kasi di kita nakikita.” paawa effect ako niyan.
“Babe, alam mo naman yung trabaho ko diba. Tsaka promise babawi ako sa’yo sa weekend. At miss na rin kita!”
Ayan! Kahit nagtatampo ako kay Migz ng slight nawawala lang din kaagad kung nagiging ganyan siya ka-sweet sa’kin. Sige ako na talaga ang mahaba ang hair. Sabay flip!
“Wow masyado ka nang cheesy ngayon Migz ah?”
“Bakit ayaw mo? Magsabi ka lang Chao.”
“Gustung-gusto ko nga. Sana one day maging totoo to lahat. I mean yung malaya nating nai-express yung feelings natin imbes na ganito.”
Opo, minsan naiisip ko rin na ang hirap pala ng sitwasyon namin. Kasi tulad nung first monthsary namin, imbes na makapag-celebrate kami eh naging photographer pa’ko. Paano?
*Flashback …
“Grabe I really can’t believe na after almost six months na pagkakakilala natin ay tayo na. And look umabot na tayo ng one month.” sabay sip ko ng iced tea na nasa harap ko.
“Wag ka ngang magdrama diyan babe. Maya niyan pagtinginan tayo at makilala nila ako. Bahala ka, marami-rami kang aawatin sa paglapit sa boyfriend mo.” ngiti-ngiti pa niyang sabi.
Actually tama kayo ng iniisip! Naka-disguise ng siya. Naka-hoodie tapos may shades pa. Feeling ko nga mas lalo kaming mahahalata nito eh.
“Pero Migz, thank you ha? Kung hindi mo kasi ibinalik sa’kin yung slippers ko eh di sana di tayo mas nagkakilala nang lubos.”
“Sus! Iiyak ka na niyan? Haha. Ang cute talaga ng babe ko. Ikaw kasi, bakit mo ba’ko naisipang batuhin ng tsinelas. Akala ko ba naman nakilala mo ang boses ko nung nasa Pangasinan tayo.”
BINABASA MO ANG
Occupation: Fangirl
MizahMeet Charlin Hanna G. Zamora aka Chao, our ultimate super mega to the universe and back fangirl! How far can she go to chase her one great love? Or should I say obsession?