Prologue

26.4K 338 15
                                    

AN: Sana ma-edit ko to lahat until the end of this month. Para Magpatuloy na tayo kina Nathania. HAHAHAH

--------


Prologue

Jamia Arabelle William's POV

"Mia, anak..." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko habang tinitignan ko si Daddy. Hawak niya ang kamay ko ng mahigpit habang nakangiti ito sa'kin.

"Stay here. Dad, kailangan kong tumawag ng Doctor. Magpahinga ka muna dito. I need to call Ate Aira too." Tumayo ako pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit itong tinanggal sa pagkakahawak niya.

"Daddy..."

"Don't tell her. Mag-aalala lang 'yun. Just stay beside me and listen to what I'm about to say, anak." He smiled again. I can't help myself but to cry again. Pinunasan pa niya ang mga luha ko hanggang sa hindi ko na kinaya at yinakap na lang siya.

"You can't just leave like this, Dad. Paano ako? Hindi ako gusto ni Ate Aira. Hindi ko rin maaasahan si Mommy at Ate Bea. Ikaw lang po ang kakampi ko kaya magpalakas po kayo, Daddy. Hindi ko po kasi alam ang gagawin ko kapag iiwan niyo ako. Hindi ko po kaya..." I said between my sobs. Narinig ko lang ang pagtawa nito at pagtapik niya ng mahina sa likod ko.

"Aalagaan ka ng Ate Frances mo. Kapag nalaman niyang ikaw ang nag-alaga sa'kin at sa Ysabelle, tatanggapin ka niya. You're a good person anak. Madaming darating at magmamahal sa'yo." He said that makes me cry harder.

"Daddy..." I said as I hugged him tighter. "Nag-aalala kasi ako, Dad. Baka hindi ako tanggapin ng ibang tao. Hindi naman po ikaw ang totoong Daddy ko. Isa akong anak ng masamang tao. Masama rin ang kapatid ko. Hindi 'yun matatanggap ni Ate Aira. Masama po 'yung mga totoong mga magulang ko..." I told him. He caressed my back to comfort me.

Mahal ko si Dad kahit hindi ako galing sa kanya. Tinalikuran ko ang sarili kong ina para protektahan siya. I owe this man, big time.

"Mia listen to me..." He asked me. Humihikbi pa rin akong lumayo sa kanya at napayuko.

"Be happy. Hindi ikaw ang Mommy mo, hindi ikaw si Bea...at sa'akin ka lumaki kaya mabuti kang tao. Tatanggapin ka ng Ate Frances mo. Mga anak ko kayo at nasa inyo ang pangalan ko. Mainit lang ang ulo 'nun dahil sa sitwasyon nila ni Angelo pero ako ang magiging pinakamasayang ama kapag nakita ko kayong magkasama sa loob ng bahay ko." Tinignan ko ulit siya at ngumiti ito sa'akin.

Hindi ko man masigurado, ay tumango na lang ako. Aside from him, I also admire his daughter. Matalino kasi ito at maganda. Lagi ko itong tinitignan at nangangarap ako na balang araw, magiging kapatid na rin ang turing nito sa'akin.

"Tulad ng Ate Frances mo, sana balang araw ay makahanap ka rin ng taong magmamahal sa'yo ng tapat. You're beautiful inside and out Mia and I hope you will choose wisely." He laughed softly. "Make a promise to Daddy that you will visit my grave---"

"No...that won't happen. Hindi ka mamamatay, Dad. You still have to live longer. Hindi pa pwede. Hindi. Hindi ko pa kaya, Daddy..." Nagsimula na namang bumuhos ang luha ko.

"You will introduce that lucky man to me first before anything else anak. Huwag mong kakalimutan ang Daddy. Okay? I want you to promise that." Umiiling ako habang nakayuko. Hindi ko siya matignan lalo na at nanghihina na ito. Hindi ko siya matignan dahil nasasaktan ako.

Dahil pinanghihinaan ako ng loob. Dahil parang may mawawalang parte ng katawan ko.

"C'mon. Make a promise."

"I will let you meet him. I will let you talk to him. I will let you warn him. I will let you test him, Dad. So you have to fight that cells and be stronger okay?" I asked. Tinignan niya lang ako pero nakita ko ang pagtulo ng mga luha nito.

He smiled. "I love you, anak."

I cried harded. "I love you too. Thank you so much for everything, Daddy." I answered and hugged him again.

------

AN: Hi. First AN ko na ulit. 😂 nasa ika-pitong libro ka na. Yes. Ikaw. Okay lang naman kahit ito lang ang basahin mo but if you want to read its history, lalo na itong tatlo (Nadie, Jenny and Mia) charot. Kindly go to my profile, and check these.

BOOK 1- BLAZING DESIRE
BOOK 2- UNCONTROLLABLE DESIRE
BOOK 3- IRRESISTIBLE DESIRE
BOOK 4- AMOROUS DESIRE
BOOK 5- LOVE AND DESIRE
BOOK 6- ENCHANTED BY DESIRE

Thank you. 😁

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon