Stanza 10

152 6 0
                                    

Stanza 10

Naalimpungatan ako sa tunog ng rumaragasang tubig na nagmumula sa CR. Dumilat ako. Oh my f— This is not my room and not any room from my penthouse. Napabangon ako at biglang nakaramdam ako ng pagpitik ng ulo ko. Napahawak ako sa noo ko at minasahe ito.

"Aaaaw!" Pakiramdam ko mababasag na yung ulo ko sa sobrang sakit.

Tumigil yung pagragasa ng tubig. Maya-maya lang nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

"Goodmorning, Miss." Napatigil ako sa pagmasahe ng noo ko nang bumati ang isang pamilyar na boses. Shit.

***

1 AM na at hindi pa rin ako makatulog. Nakaupo lang ako sa sofa sa sala ng apartment ng pinsan ko at panay ang tingin sa cellphone ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil sa fact na naghouse party si Steph at baka malasing siya. Oo nga't mga kaibigan niya ang mga yun pero paano kung silang lahat lasing? It's a freakin house party!

Tumayo ako at kinatok ang kwarto ng pinsan ko. Gising pa siya at nakaharap sa laptop niya. Napakasipag naman talaga magtrabaho. Tiningnan niya ako.

"Oh. You're still awake." Wika niya.

"I'm going out for a while. I'll leave Stephanie to you." Sabi ko.

"Sure thing. I'm guessing you won't be here 'til morning?"

"I don't know. Maybe. I'm not gonna drink, don't worry." Sabi ko at sinara ang pinto. Pumunta ako sa room namin ni Fanie at tiningnan ang estado ng bata. Tulog na tulog siya kaya naman tuluyan na akong lumabas ng apartment.

Dahil tinawagan ko si Steph kanina, narecord ng phone ko ang location niya. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa bahay na iyon. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero pakiramdam ko kasi naglasing talaga siya.

Pagdating ko sa bahay na iyon, nakita kong lasing na halos lahat ng tao na nasa labas. Napailing ako at bumaba ng kotse. Parties in the US are open to anyone naman diba? Pumasok lang ako ng bahay nang hindi nagpapaalam, at kahit magpaalam ako, mukhang hindi nila mamamalayan. Pumasok ako sa loob. May nagbi-beer pong. Wala si Steph dito. Pumunta ako sa backyard at nakita ko siya doon.

"BEER BONG! BEER BONG!" Pagchicheer ng ibang kasama niya.

"Seriously, I don't know if I can..." Sabi ni Steph pero tumayo pa rin siya sa may pool.

May tube sa bibig niya na konektado sa isang funnel at tinaas ito ng isang kasamahan niyang may hawak na isang bote ng beer. Dire-diretso niyang binuhos ang laman ng bote sa funnel at malamang, dire-diretso rin ang pagpasok nito sa bibig ni Steph. Nang matapos ang diretsong pagpasok ng beer sa bibig niya, tinaas niya ang kamay niya na parang nanalo.

"Whoooo!"

"Unbelievable! I have never done beer bong without scratch, never seen a GIRL do beer bong without scratch..." Tumayo ang isang lalaki at nilapitan si Steph. "... and this girl here, record breaker." Hinawakan niya ang kamay ni Steph at tinaas ito.

"Yeeeaaah!" Wika ni Steph. Nagcheer naman ang iba sa kanya. Maya-maya bigla siyang tinulak ng lalaki sa pool. Wtf. Nagtawanan naman yung mga kasama niya.

Another Song For You[ASFY2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon