Chapter 15 - Study Now, Landi Later
“Ano?! You have got to be seriously kidding me! Bakit bagsak ako?! Nagpuyat ako mag-aral dito ah! Damn Physics bakit ba naman kasi ganito! Hindi ko naman magagamit ‘to pag nagtrabaho ako!” halos malukot ko na yung papel sa inis.
Totoo naman eh. Nagpuyat naman talaga ako kakaisip kay Martin. I mean kakaaral ng Physics. Since magaling siya sa Physics baka pag inisip ko siya, papasa ako. Malay mo siya talaga ang lucky charm ko. Nagtanong pako alam ko naman na bagsak talaga ang 74%.
Lahat ng subjects pasado ako pero Physics bagsak ako. Physics lang! Papano kung natuloy ako sa Japan mag-aral ano na lang ang mangyayare saken? Pwede ko ba sabihin na “Mataas naman grade ko sa Filipino baka pwedeng palampasin nyo na yung Physics”.
“You are not the only one Anne, I barely passed. I just missed a point para maging 80% man lang eh!” Ok, hindi naman pala ako nag-iisa si Iza rin pala. “..Si Ina saktong pasado lang din daw. Pero at least siya pasado naman talaga. Masama pa loob nya sa 88% ako nga 79%!”
Aba aba ‘wag niyo ko umpisahan sa pababaan ng grades dahil mananalo ako. 74% nakuha ko eh. Hindi nalang ni round off. Hindi kaya ako pwedeng tumawad? Yung 1% na hindi ko nakuha special project na lang?
“Ni hindi ko na nga alam papano pa ako makakakuha ng mas mataas eh kasama ko na magreview lagi sa library si Chris..” napatigil si Iza. Napatingin kami ni Ina sa kanya galling sa pagkakayuko namin na akala mo nagdadasal kami kani-kanina lang.
Kasama niya si Chris?! Oh ayan naririnig ko nage-explain siya pero obvious masyado na may hindi kami alam. Kinikilig siya. Kilig na kilig. Namumula nanaman siya with matching smile na nakakapunit ng bibig.
“Eh bakit hindi namin kayo nakita ni Allen dun eh dun din kami nag..re..view…” Ina asked Iza na tinignan din ako. Itong dalawng to lumalandi ng hindi ko alam.
“Ah so kanya kanya na pala tayo ha! Natatakot kayong asarin kaya hindi niyo kinukwento saken no! Kahapon magkakasama pa tayo sa bus nila Iza wala naman kayo kinukwento mga walangya kayo pinabayaan niyo ko bumagsak! So ano pa bang kilig moments nyo ang hindi ko pa alam? Hhhmmm?”
“Sorry naman girl, we can’t find you anywhere! Hindi mo naman sinasagot mga calls namin. Ikaw ha, ‘wag mo masyado iniisip kasi si Martin. Wag ka magfocus dun pag may exam tayo. Baka kaya ka bumagsak kakaisip mo kay Martin your labs na hindi na kayo halos magpansinan ngayon.” Aray ko naman Iza. Pero totoo ‘yon.
“Hindi ko naman siya iniisip ano ka ba naman…” Sinungaling. Sige magdeny ka pa hahaba baba mo. “..well konti lang.”
“Oh next time ha, pero alam mo better siguro magkaron tayo ng ibang study buddies. Hindi pwedeng magkakasama tayong tatlo wala tayong mapagaaralan o matatapos kasi magkukwentuhan lang tayo!” Iza suggested while laughing.
“You know what? I agree with you Iza. I will stick with Allen. I think he is pretty good what do you think?” Ina asked smiling. Kinikilig din to eh. Ayaw lang aminin. Hindi na ako updated sa kanila!
“Eh ako ok na ko kay Chris. Maharot lang pero tinuturuan naman ako nun. Pasado din naman ako diba?” Iza smiled na parang tumataas pa ang paa sa kilig.
I took a deep, long sigh. “Eh pano naman ako tulungan niyo naman ako! Ang se-selfish niyo kasi eh. Kayo pasado ako bagsak ako talaga that I badly need an overhaul. Saan akong college makakapagaral sa Japan sa ganitong grade!”
“Yun na nga kasi. Santabi mo muna yang issue kay Martin, kung meron man, at mag-aral muna tayo. Hey, they are boys! Dapat hihintayin nila tayo at hindi yung tayo ang mamomroblema sa kanila!” Ina said.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?
Teen Fiction(Completed) Papano mo sasabihin sa taong gusto mo na mahal mo siya? Papano mo sasabihin sa taong mahal ka na hindi mo siya mahal? Anong gagawin mo kung you are in the middle ng taong mahal mo at nung taong nagmamahal sayo? At ano ang iisipin mo at m...