Chapter 17 - Buddies

583 25 10
                                    

Chapter 17 - Buddies

“Okay, write this on your notebook. This is going to be your assignment.” Said Mr. Valmonte sabay talikod para sumulat sa board

“Oy pare, ano buddy up tayo mamaya?” Martin said while wiggling his eyebrows with a smile

“Oo please! Mamaya hindi nanaman ako makasurvive dito. Galingan mo pagturo ha!” I answered smiling back

Yes. Physics. This is it. Natutuwa ako first time ko siya makaka-buddy. Ngayon meron na akong isang dahilan para pasalamatan ang Physics at hindi siya isumpa. Nakakaexcite. I’ve never felt this happy. Ngayon hindi na ako mangungulila kila Iza haha! Kasama na nila sila Allen and Chris.

Tama din kasi sila, wala kaming matatapos dahil magdadaldalan lang kami. Tsaka ayokong umepal sa mga kilig moments nila ngayon.

“Tapos nito lunch na natin. Sabay na tayo nila Iza ha. Sama naman ako sa inyo pare naman tayo eh.” Shet kinikilig nanaman ako. Nabigla din ako ng very very light. May barkada naman siya eh pero sa amin pa siya sasabay.

Naninibago ako sa kanya talaga. Binubwisit pa rin naman niya ako pero hindi until maiyak ako sa inis. Madalas ako napapangiti and I am loving this feeling.

“Sure sige. Pero hindi ka kaya ma-bore puro kami babae?” I asked

“Bakit naman ako mabobore kakain lang naman? Ayaw mo lang ako yata pasamahin pare eh. Tinataboy mo bako?” aba siraulo to nagpapakipot lang ako papatulan pa yata.

“Siraulo hindi kita tinataboy, sinasabi ko lang kasi puro kami babae diba? Baka maleft-out ka.” syempre defensive ako

“Yun naman pala eh, ‘pag andun ako, sasama sa atin sila Laurence tsaka si Ian tsaka Allen edi mas masaya madami tayo diba?” he finished as he put the notebook on his bag.

“Okay sabi mo eh.” Ayoko na magsalita ng kahit ano baka magbago pa isip nito anlandi ko shet! Pero mas maganda nga naman yun. Mas marami mas masaya!

-----

Sa Canteen…

“Are you sure?” Ina and Iza asked in chorus

“Oo siya nagsabi eh.” I answered pointing at him somewhere

“So kapag siya ang nagsabi ok na?” tanong ni Ina na may halos pangaasar

“Huy ano ba yun! DI niyo ba gusto?” nahihiya kong sagot

“OK lang naman girl kasi ka-close naman natin yung mga un tsaka buddies namin yung mga yun. Bakit para kang napapraning hello this isn’t even a date. We are going to to have lunch lang you know.” Inaasar nanaman ako ni Ina. Pigilan niyo ako tatampalin ko ‘to.

“Ah napapraning pala ha, mamaya ka saken sa rehearsals papraningin kita talaga. Mamali-maliin ko script ko para pagalitan ka ni Sir Agnote” I finished as I sticked my tounge out. Belat kumbaga.

“Hey I was just kidding you know?” uuyyy natakot haha patolera.

“Oh see you in a bit. Nilagay ko yung isang tray dun, dun nalang tayo umupo since anim tayong uupo ngayon dun. Baka may makakuha pa.” I said and the girls just nodded.

Wow tulo laway ko sa pagkain ang sasarap. Yung pork steak meron! Makapagkanin na nga lang muna ngayon tutal pancake lang breakfast ko. Ay hindi. Hotcake pala. Butter na hotcake flavored. Mas marami ata butter ko kesa sa hotcake. Butter na parang nilagay ko yung pancake as toppings haha!

Binaba ko yung pagkain ko sa lamesa muna namin. Padila dila pako sa labi ko habang palapit ako dun sa nagbebenta ng mga soda. Bubuka na bibig ko para magsabi ng ‘pabili’, pero napahinto ako kasi merong meron dalawang plastic cup na lumitaw sa kaliwa at kanan ko.

Lumingon ako side to side and saw Martin and Arvin. I think they are giving me these Pepsi’s. Mukha bakong patay gutom na ngayon lang makakatikim ng Pepsi? Mukha bakong walang pera pambili? Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko ulit.

Oo nga hindi ako nagkakamali si Martin at Arvin nga to, Nagtitinginan pa sila na parang nabigla sila pareho.

Una kong kinuha yung Pepsi na hawak ni Martin then yung kay Arvin ang sumunod sabay sabi ng “Thank You.”

Ang awkward nga eh kaya umalis ako agad at bumalik sa table namin tsaka baka magbago pa ang isip ng isa sa kanila at magback-out sa pagbigay sa akin ng Pepsi.

Sayang eh! Higop to da max ako ngayon! Ang sarap talaga ng libre!

Okay yung lunch namin. Ang sarap, masaya, puro tawanan. Puro asaran. Light na asaran lang naman. Time flies fast talaga when you are having fun.

-----

Ito at may vacant kame. Makatulog nga muna. Pinatong ko yung braso at ulo ko sa upuan nakakaantok walang gagawin.

“Anne?” may tumatawag ba saken?

“Huy Anne!” meron nga kasi inulit na, kinalabit pa yung braso ko.

“Martin inaan..” ay si Arvin pala to. Bubwisitin nanaman ako siguro nito

“Disappointed?” he said na nakangiti. Inaasar nanaman ako nito. Wala siguro tong magawa! Hindi ko napansin na siya yun. Hindi naman kasi ako tinatawag nun sa pangalan ko. Bihirang bihira lang. Pagtingala ko, nakaramdam ako ng awkward feeling.

Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa muntik na kami mag-kiss, kung dahil ba sa namiss ko yung paninira niya ng araw ko na ngayon ko lang narealize na hindi na niya ginagawa. Ngayon ko lang din naisip, bakit niya ako binigyan ng inumin kanina? Hindi ako dapat magpahalata.

“Pinagsasabi mo? Oh bakit?”

“Bago kayo magrehearsals meet me at the field. Dun sa may lilim malapit sa bleachers. May ibibigay ako sayo.” After saying that bigla nalang umalis. Naiwan akong nakabuka yung bunganga kasi tatanong ko dapat kung bakit eh bigla umalis. Walanghiyang bata ‘to.

Makatulog na nga ulet. Istorbo. Walang magawa sa buhay. Sana lang hindi lason ang ibigay nun sakin.

------

Sabi niya andito siya? Asan ba yun? Pag wala pa siya in 5 minutes….

“Hoy!” may kasama pang tulak yon ah

“Ay punyeta ka!” paglingon ko sa kanya na muntik pa ako matapilok

“Uy ok ka lang? Sorry. Mahina lang naman yung tapik ko sayo ang lampa lampa mo naman.” Wow tengkyu ha!

“Bakit mo ba ako pinapunta dito?” seryoso akong nagtatanong wag moko aasarin sasapakin kita ulet.

“Alam mo sinusumpong ka nanaman ng katanga… I mean kaloka lokahan mo ‘no? Hindi ka ba nakikinig kanina o sadyang bingi ka lang? Diba sabi ko may ibibigay ako sayo?” sabay abot sa akin nung maliit na plastic. Pinisil-pisil ko siya. Matunog tsaka malambot.

“Para san naman ‘to?” I asked habang kinakalikot ko yung plastic. Huy teka! Stuff toy na maliit na Pepsi in can! Ang ccuuutteee!

“You liked it?” he asked. Nakangiti pa nga siya na parang nagaantay siya ng sagot.

“Wow! San mo naman nabili ‘to ang ganda! Thank you ha! Thank you talaga!” sa sobrang tuwa ko napatalon ako inakap ko si Arvin. Ang sarap naman nito akapin. Nung bumitaw na ako, tinanong ko bakit niya ako binibigyan nun.

Sagot nya “Uuhh.. K-Kasi alam ko magugustuhan mo yan. Wag ka na nga magtanong! Dami dami mo pang tanong tanggapin mo na nga lang!” sabay irap

Napangiti ako talga and sabi ko “Thank you talaga ha? I don’tlike it Arvin. I love it!”

He just nodded and nagpaalam na. Their practice is about to start. Ang cute naman nito! Itatabi ko to sa pagtulog ko!

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon