Please, Take me back

5.6K 185 15
                                    

21

Pamie's

"Boyfriend! Sorry na! Buksan mo na 'to!" malakas na katok ko sa pinto ng unit niya. I know what was my wrong and I will never think twice to aplogize.

Wala akong narinig na ingay sa loob. Malamang ay wala siya sa loob ng kaniyang bahay. Umupo ako at niyakap ang aking tuhod at yumupyop doon. Tatlong araw na nang iwan niya ako sa parking lot ng YSA building. It was hurt seeing him leaving me, pero kasalanan ko naman kasi.

Napaigtad ako nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Sinagot ko iyon at kahit hindi tumitingin sa caller ay alam kong si Ate Pauline iyon.

"Bakit?" sagot ko at ngumiwi.

"For christ's sake! Pamela! Stop what you are doing, ngayon na!"

I rolled my eyes. "P'wede ba ate. Kung ikaw madali mong sinukuan si Hugo, ako hindi. If he wants me to kneel, I will, if he wants me to beg then so be it. Gagawin ko 'yon."

Rinig ko ang pagsinghap niya. "Aren't you ashame, Pamela? Sa tingin mo tama ba ang magmakaawa na mahalin? Wake up! Hindi pa ba sapat na itaboy ka niya?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pamumuo ng luha sa gilid ng aking mata. "Hindi ito kahiya-hiya, ate. Ang tawag dito ay sakripisyo. I am sacrificing for him. Ganoon ko siya kamahal."

"You don't love him, Pamela. You're just drowning into fantasy. Kapag mahal mo ang isang tao, dapat kaya mo siyang bitawan dahil alam mong doon siya mas magiging masaya."

Kumuyom ang kamao ko dahil sinabi niya. "Mali ka, kapag mahal mo ang isang tao dapat hindi mo siya pakakawalan."

Dahil sa inis ay pinatay ko ang tawag at tumayo na. Muli akong humarap sa pinto at kumatok ng malakas. Kasing lakas ng tiwala ko sa sarili ko. I know boyfriend will forgive me. Gusto na niya ako, pinipigil niya lang.

"Boyfriend! Mag-usap naman tayo! Pangako hindi na ako magpapakasaway! Please open the door!" I shouted loudly.

"Miss, excuse me?"

Nilingon ko ang nagsalita at nagtaas ng kilay. Mukhang supervisor ng building ang lalaking ito. May mga kasama rin siyang babae at lalaki na mukhang staff.

"Bakit?" mataray na tanong ko.

"Will you go with us, nakaabala na po kasi kayo sa iba—"

"No!" matigas na pagtutol ko. "Hindi ako aalis hanggang hindi lumalabas ang Boyriend ko sa unit na 'to."

"Mapipilitan po kaming tumawag ng guard kapag nagkataon," sagot niya sa akin.

Lumingon ako sa pinto. "Will you call, Hugo Caspian Moreau and tell him that Pamela is here?"

Tumango ang supervisor at nagsimulang tumipa sa cellphone. After few rings someone picked it up. Naka-loudspeak iyon kaya rinig na rinig ko.

"Moreau speaking." I missed his voice so much.

"Sir, good evening. Miss Pamela is in front of your unit. He wants to—"

"Throw her out from the building."

Halos gumuho ang mundo ko nang marinig ang sagot ni boyfriend. Does he really said that? Kinagat ko ang ibabang labi ko at kinuyom ang aking kamao. Just because he said that, it doesn't mean I'll stop pursuing him.

"But sir—"

"Just do it, thank you." the call ended. Dumako ang tingin sa akin ng supervisor. Tumango naman ako at naglakad na paalis ng building.

Behind Every Scars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon